Chapter 30

908 34 0
                                    

Shandeia's Point of View

Maaga akong nagising dahil hindi ako makatulog ng maayos kasi ang kulit matulog ni Collen.

Nagne-near group kasi kaming dalawa kapag boring tapos papag-tripan lang yung mga tao do'n kaya ang saya-saya naming dalawa.

Nagpasya si Collen na magtabi nalang daw kaming matulog. Ngunit pa'no naman si James do'n mag-isa lang?

Sabi ni Collen kaya naman daw niyang mag-isa kaya dedma nalang ako. Pero syempre iniisip ko rin na baka kung ano'ng mangyari do'n kay James.

Naboring kami dahil walang kwenta yung mga ka-chat sa NG kaya puro End lang kami.

Gabi na rin no'n pasado mga ala una na kaya nagpasya na kaming matulog.

Hindi naman masyadong masikip dahil si Collen at ako naman ay parehas na payat pero maganda at cute kaya hindi kami nahirapang magtabi.

Mga pasabo 6 ng umaga ay nagising nalang ako bigla dahil siguro sa sobrang lamig ito naman kasing si Collen sinolo yung kumot siya na nga lang makikitulog gan'to pa kainis.

Pinilit ko'ng hilain sa abot makakaya ko binigay ko na lahat ng lakas ko ngunit hindi ko ito nahila. Ang payat na nga ni Collen tapos ayaw pang makuha.

Wala na akong nagawa kun'di ang tumayo at pumunta na sa baba para maghilamos.

Pagkabukas ko ng pinto ay malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Nakakatakot tuloy ang bumaba dahil ako pa lang ang gising at malamig pa.

Dedma na lang ako at naglakad na papunta sa baba kahit natatakot at malamig gorabels pa rin ako.

Pag ka baba ko ay naghilamos na ako para naman mabuhayan yung kaluluwa ko.

Ilang minuto ang lumipas ay biglang may nanggulat sa akin. Muntik na akong mahimatay dahil do'n.

"Waaaaaah!!!" Isang malakas na tinig ang narinig ko mula sa aking likuran.

"Putaaaaaaaaaaaa!!" Napasigaw ako ng malakas at sabay na tingin sa likod.

Nanginginig na ako at tumaas ang aking balahibo ngunit pinilit ko pa rin ang tumingin sa likod.

May nakita akong...















Putragis si KELLY ASH SHELDON lang pala yun!! Akala ko naman katapusan ko na.


















"Hoy! punyeta naman, Kelly! Bakit kailangan mo akong gulatin ng gano'n muntik na ako mahimatay adik ka ba?!" Pagsigaw kong sambit sa kan'ya.

"Ay pasensiya na, Shan. Ayan kasi kape ng kape ang bilis mo tuloy magulat." Aniya kasabay halakhak.

"Hoy! FYI hindi ako nagkakape at minsan lang! Ikaw naman kasi bakit kailangan mo'ng manggulat?! Nakakatakot kaya parang tanga e!" Ani ko.

"Damn. Sorry naman, Shan. By the way bakit ang aga mo magising ha?!" Nakapa-meywang niyang tanong.

"E kasi hindi ako makatulog ng maayos kasi naman si Collen e inagaw yung lahat ng kumot." Ani ko.

"Ano? Magkatabi kayo ni Shan?" Pagtatanong niya.

"Oo, tapos si Marlo naman nando'n sa silid nila Collen." Ani ko.

"Ah, akala ko iniwan niyong mag-isa si James." Aniya.

"Eh ikaw?! Bakit ang aga mo magising?!" Pagtatanong ko.

"Nakita kasi kitang pababa tapos pinauna muna kitang bumaba para magulat kita hihihi." Aniya.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon