Chapter 49

668 35 0
                                    

               Marlo's Point of View

Pangatlong silid na kami dito sa 3rd floor kung saan ay yung dating silid nila Lei at Belle, Hindi ko alam kung kakayanin ba namin ang amoy dito dahil sobra na talagang mabaho dahil sa mga bangkay nilang tila nabubulok na.

“Paano ba natin dito sisimulan?” Namo-mroblemang tanong ni Shan.

Kahit ako ay hindi ko alam kung paano lalo na't kasama namin si Kelly na hindi kayang makita ang bangkay ni Dave dapat kasi puro boys nalang ang nandito para hindi na kami mahirapan pa. Si Adelaide naman kasi sobra ng stress kaya kung sino-sino na lang yung pinagsama.

“Hindi ko rin alam, Shan.” Malungkot kong tugon dahil hindi ko naman talaga alam kung paano namin dito masisimulan sa silid na ito.

“Ang sabi ni Adelaide 'diba sa labas nalang ako banda at wag nalang humarap sa loob tapos kayong dalawa na ang bahalang maghanap sa loob?” Sambit ni Kelly.

“Ngunit sa paraang 'yun mahihirapan tayong maghanap dahil mas lalong babagal.” Ani ni Shan.

“We don't have choice, Iyon na lang ang tanging magagawa natin.” Sambit ko.

Wala naman talaga kaming magagawa kung hindi ay sundin na lang yung sinabi ni Adelaide dahil hindi naman ako kasing talino niya na mag-isip kaya sa tingin ko 'yun na lang yung gagawin namin.

“Pasensiya ka na, Kelly ah? Okay lang yan sa side ka nalang banda ng pintuan at wag nang lilingon sa likod para hindi mo na sila makita.” Sambit ni Shan.

“S–sige lang, Shan.” Ani ni Kelly na may halong malungkot ngiti sa labi na tila iiyak na ngunit pinipigilan lang.

Agad naman ni Shan hinagod ang likod ni Kelly upang kahit papa'no ay kumalma ang aming kaibigan.

“Oh guys lagyan niyo na ng panyo yung mga ilong niyo upang makapasok at makasimula na tayo sa pinaka-huling silid.” Sambit ko.

Agad na naming nilagay ang panyo sa aming ilong at ibinuhol ng mahigpit sa gayo'y hindi matanggal o mahulog dahil wala namang sasalo.

Humarap na ako sa kanilang dalawa na nakaharap rin sa akin at sinenyasan ko na lamang na ang ibig-sabihin ay pumasok na kami sa loob.

Naglakad na kami papunta sa silid nila Lei at agad ng binuksan ang pinto agad naman na bumungad ang mga bangkay nilang halos mabulok na at ang masangsang na amoy buti na lamang ay may nakalagay na panyo sa aming mga ilong upang hindi 'yun maamoy.

Agad na naman akong nangunang pumasok sa loob. Nang makapasok ay tinignan ko na silang dalawa si Kelly ay nakatalikod lang at nasa tabi ni pintuan sa loob upang doon siya maghanap.

Si Shan naman ay papunta sa akin dahil dito kami sa loob maghahanap.

Nang makalapit si Shan sa akin ay kitang-kita na bigla na lamang tumulo ang kan'yang mga luha.

Agad niya naman akong niyakap at sumesenyas na ayaw niya ng ituloy ito dahil sa hindi niya rin kayang makita ang mga bangkay ng aming mga kaibigan.

“A–ayaw ko na dito M–marlo.” Aniya habang nangingilid pa rin ang luha sa kan'yang mukha.

Agad na rin naman akong napaluha sa dalawang babae dito dahil hindi nila kayang makita ang mga bangkay ng mga iba naming kaibigang lumaho.
Bakit ba kasi sila pa ang kasama ko dito ngayon! Dapat puro boys na lang bakit pa kasi yung mga babaeng mahina! Hays!

Tumango na lang ako kay Shan na nagsasabing magsimula na kami at okay lamang 'yan.

Agad na siya umalis sa pagkakayakap sa akin at nagsimula ng maghanap na kahit alam niyang hindi niya kaya.

Agad na akong humarap sa bandang bintana dahil dito ang naisipan kong unang maghanap. Habang nakatalikod ako sa kanilang dalawa dito ko lamang inilabas ang aking mga luhang kanina pa gustong tumulo.

Sobrang sakit. Ang sakit na makikita ko silang malungkot dahil sa mga yumao naming mga kaibigan. Nakaka-awa. Naaawa ako sa kanila dahil alam kong hindi talaga nila kaya ang maghanap dito ngunit pinipilit pa rin dahil para din naman sa amin ito.

Lalo na si Kelly, Kahit alam kong nakatalikod lamang siya ay halatang umiiyak na rin siya dahil kahit hindi niya makita ay nararamdaman niya naman ito.

Pinunasan ko na lang ang aking mga luhang tumulo sa aking mukha at agad na tinuon ang pansin sa bintana na kung saan ay dito ako naghahanap.

                               ***

Nang matapos naming maghanap dito ay agad na kaming lumabas ni Shan pati na rin ni Kelly.

Nang makalabas kami ay agad na naming isinara ang pintuan sa silid ni Lei at agad na lang kaming napaupo sa sahig sa Hallway.

Tinanggal na rin namin ang panyong nakadikit sa aming ilong dahil tapos na kaming maghanap sa silid nila Lei at Belle dati.

Ngayon ay tulala kaming tatlo at balisa dahil sa nangyari at hindi malaman kung ano ang gagawin.

“H–hindi ko talaga kaya ang makita sila.” Pangunguna si Shan na agad na namang umiyak.

“K–kahit ay hindi ko sila nakikita ay n–nasasaktan pa rin ako.” Pag-iyak rin ni Kelly.

Hindi ko alam pero bigla na lang ulit tumulo ang mga luha sa aking mata.

“Kahit ako, Hindi ko rin kaya. Pero pinipilit ko lang para sa ating lahat.” Malungkot kong tugon.

“Kahit ako pero hindi ko na talaga kaya dito nagpapakatatag lang ako para sa ating lahat!” Ani ni Shan.

“Minsan gusto ko nalang umiyak sa isang tabi upang mailabas ang aking nararamdaman pero ayaw ko namang makita niyo dahil alam kong masasaktan kayo kaya pinipilit kong ngumiti.” Sambit ni Kelly.

“Guys, Tama na yan mas maganda kung magiging matatag tayong lahat, Maging matapang tayo.” Sambit ko.

“Pero minsan kasi maganda umiyak nalang upang mailabas natin ang ating nadarama.” Ani ni Shan na hindi pa rin matigil-tigil sa pag-iiyak.

“Miss na miss ko na si Dave lalo na sila Belle at Collen, Sobrang miss ko na sila.” Malungkot na tugon ni Kelly.

Kahit ako ay hindi ko alam kung ano'ng gagawin namin dito.

“Hali nga kayong dalawa.” Sambit ko.

Agad naman silang lumapit sa akin habang tuluyang umiiyak. Niyakap ko na lamang silang dalawa upang tumahan na 'yun na lang naman kasi yung tangi kong magagawa sa mga oras na 'to. Niyakap ko sila, Sobrang higpit para ma-feel nila na nandito lang ako/kami para sa kanila.

“Yayakapin ko na lang kayo para kahit papa'no ay tumahan na kayo at para maging okay na kayong dalawa.” Sambit ko.

Ngayon ay magkayakap ako sa kanilang dalawa habang patuloy pa rin silang humihikbi na parang bata, Pero okay lang naman 'yun dahil sa oras na ito kailangan nila ng karamay at kayakap.

“Kung wala kayo siguro naisipan ko na'ng magpakamatay.” Ani ni Kelly.

“Kahit na wala kang karamay, Huwag mo isipang magpakamatay dahil lang sa mga problema mo, Alam kong matapang ka, Kelly.” Sambit ko.

“Ako ilang beses ng umiyak ngunit kahit kailan ay hindi ko naisipan yan, Kelly. Bakit? Dahil kapag may nawala sa buhay natin alam kong may darating na mas better. Pagkatiwalaan mo lang siya, Gagabayan niya tayo.” Sambit ni Shan na kumalma na rin kahit papa'no.

“Well said, Shan.” Ani ko.

“Alam ko 'yun Shan pero minsan kasi feeling ko wala ng nagmamahal sa akin. Pero nang bumating kayo sa buhay ko lalo na si Dave bigla na lamang nakulayan ang aking mundo.” Sambit ni Kelly habang pinunasan ang kan'yang mga luha at ngumiti sa amin.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon