Chapter 32

865 38 0
                                    

                Steve's Point of View

"Guys!!!!!!! Si Co–collen!!!!!!!" Bigla akong napatayo ng marinig ko ang isang tinig na nanghihingi ng tulong na boses ni Kelly.

Tinignan ko kung saang sulok siya naroroon, Napatayo at napatulala muna ako ng ilang segundo, Ang iba kong kaibigan ay tila nagulat rin sa narinig at ang iba naman ay bigla nalang napatakbo kung saan si Kelly.

Medyo natauhan na ako kaya agad naman akong sumunod sa kanila at tumakbo na upang makita ko kung ano ang nangyari.

Pagkarating ko ay nakita ko sila sa C.R nakita ko si Kelly na humahagulgol habang nakahawak ang kan'yang kamay sa tuhod at nakaupo sa ng C.R harap at may hawak na kutsara.

Bigla nalang akong nagulat dahil grabe na yung pag-iyak niya, Narinig ko rin ang mga kaibigan ko sa loob na sumisigaw at halatang umiiyak na. Gaya ng kanina ay napatulala na naman ako. Ngunit ngayon ay buong tapang na akong pumasok sa C.R upang tignan kung ano'ng meron.

Pagkapasok ko ay nakita ko si James na umiiyak at kayakap si....Collen.... na parang wala ng... buhay. Halos napaiyak na rin ako dahil sa isa nanamang krimen na nangyari dito sa 'min.

Ito na naman kami nabawasan ng isa. No'ng una si Belle tapos ngayon naman ay si Collen. Mga taong walang kalaban-laban ang inuuna. Bakit gano'n? Sobra na akong naaawa sa mga iba kong kasamang lalaki dahil sobrang silang nagdurusa sa mga namatay naming kaklaseg babae na kanilang ka-partner at mahal.

Ito na naman ako ngayon. Nakatayo at tulala sa kanila. Tulala sa mga kaibigan kong halos mamatay na sa kakaiyak. Wala akong magawa  na kahit ano ngayon dahil maski ako ay hindi ko alam ang gagawin ko.

"Fuck. What's wrong here! Bakit ba gan'to!!" Sa wakas ay nakapag-salita na ako kahit papa'no.
Ngunit ang tono ng boses ko'y may halong galit at sakit. Dahil nga ay sunod-sunod na ang masasamang nangyayari dito.

Puro nalang Pagtatanong, Pagsisigaw, Pag-iiyak ang aking naririnig sa paligid.

"H–hindi ko man lang siya N–nkasama kagabi! Hindi ko na–naman alam na siya na ang susunod! Ba–bakit gano'n! Ang unfair!! B–bakit si Collen pa!!!! Pagsigaw ni James na may halong galit at puot.

Sobra na akong na-iistress at alam kong mayroon kaming kaibigan na matalino at siya lamang ang marunong mag-investiga kung ano'ng meron at kung paano nagawa at yun ay si Ade. Agad naman akong nagtanong sa ka'nya.

"Ade! Sa tingin mo ano'ng nangyari?!" Agad ko namang tinanong si Adelaide at sinadyang lakasan ang boses ko upang marinig nila ito.

Nagsimulang magtanong si Adelaide ng kung ano-ano at sinasagot naman ito kung kanino siya nagtatanong. Ngayon ko lamang rin nalaman kung bakit ay may kutsarang hawak si Kelly, Yun pala ang ipinang-bukas niya sa pinto ng C.R.

"K–kung gano'n wala naman ditong bintana, Ang pinagtataka ko ay saan pumasok ang killer? Kasi ang tanging pasukan at labasan ay ang nag-iisang pinto na 'yan lamang." Ani ni Ade na tila seryoso at 'yun lamang ang kan'yang na obserbahan sa pagkamatay ni Collen.

"A–ano na ang gagawin natin ngayon?" Pagtatanong ko naman sa kanilang lahat.

Matapos ng ilang minuto ay medyo kumalma na ang iba at puro hikbi nalang ang aking naririnig.

"Uhm.. boys.. P–pwede bang lum–mabas muna kayo para mabihisan namin si Collen Ani ni Kelly.

Agad naman kaming lumabas upang mabihisan ng mga girls ang kawawang si Collen. Kumuha muna sila ng damit niya bago ito bihisan.

Ngayon ay nasa labas kami ng kusina at inaalalayan si James na muntik ng mahimatay dahil sa sobrang stress at ang init pa sa loob ng C.R ang tanging ginawa nalang namin ay patahanin siya at himas-himasin ang kan'yang likod at baka sakaling mapatahan namin siya. Ngunit wala ayaw pa rin niyang tumigil wala na rin kaming nagawa kung hindi ang hayaan si James na ubusin ang kan'yang luha dahil baka makatulong ito sa kan'ya para malabas ang sakit sa loob niya.

Tahimik nalang rin kami ngayon at wala halos kumikibo sa mga sunod-sunod na nangyari dito. Pagabi na rin pala hindi ko namalayan dahil sa nangyayari ngayon.

Makalipas nilang bihisan si Collen ay agad na nilang binuksan ang pinto upang papasukin kami.

Sinabihan naman kami ni Ade na ilagay na si Collen sa silid kung saan ay nando'n rin si Belle.

"B–bakit mo a–ako iniwan C–collen?" Umiyak nanaman si James at yakap pa rin si Collen.

Grabe yung mga salita 'yun ang sakit marinig na nang-galing kay James. Grabe talaga kapag mahal mo ang isang tao para ka na ring nawalan ng mundo kapag ito ay biglang nawala. Hays.

At dahil inutos ni Ade na i-akyat na si Collen at dalhin kung nasa'n si Belle agad naman kaming lahat umakyat upang malagay na ang bangkay ni Collen.

Lahat kami ay pumunta sa dating silid nila Lei na ngayon ay lalagyanan na ng bangkay.

Pagkapasok namin ay sumalubong ang masangsang na amoy at ito ay tila nanggaling sa katawan ni Belle na matagal nang nakalagay dito kaya siguro nangamoy na rin.

Si James at Lei at pumunta na sa silid nila James upang magpahinga at kami naman na natirang boys ay nilagay na si Collen sa silid habang ang ibang girls ay nasa loob rin at ang iba ay nasa labas lang at nakatakip ang ilong.

Pagkatapos namin malagay si Collen ay tinignan muma namin silang dalawa na mga angel na natutulog kahit mga masungit ang mga 'to ay mahal ma mahal namin sila dahil sila ay mababait naming kaibigan.

Pagkatapos no'n ay isinara na namin ang pintuan ngunit makikita parin ang mga luhang pumapatak sa mga mata ng iba naming kaibigan dahil dalawa na ang nakahiga do'n at hindi namin alam kung sino ang susunod.

Pumunta na kami sa silid nila James upang makita kung ano na ang nangyari kay James. Baka naman ay okay na siya ngayon. Hindi ko alam pero sana nga.

Pagpasok namin ay nakita agad namin si Lei na hinihimas ang likod ni James. At si James naman ay tulala ngunit may luha parin na pumapatak sa kan'yang mga mata.

Kinausap namin si James upang maging maayos naman siya ngunit wala itong epekto dahil ito pa rin siya tulala at tila sobrang lalim ng iniisip. No'ng una ay sobra akong nag-aalala kay Lei ngayon naman ay kay James. Dahil baka hindi na ito kumain sa sobrang lungkot at baka mamaya ay mabaliw dahil sa pagkawala ni Collen.

Pero wag naman sana dahil nandito pa naman kami na nagmamahal sa kan'ya sana'y isipin niya 'yun. Dahil 'yun ang aming mga sinabi sa kan'ya upang maging malakas siya ngunit wala parin. Hindi na rin namin piniling mag hapunan dahil wala sa mood ang aming Chef at maging kami ay ayaw naming kumain. Pa'no ba naman kasi nakakawalang gana kaga diretso tulog nalang ang ginawa namin.

A/N: Uy mga nonat sorry kung 2 days walang update dami kasing ginagawa 'di ko kayang ipagsabay kaya ngayon lang ulit nakapagsulat kahit gabi na. Hehehe. Salamat. Btw hindi na rin sila ng tanghalian ang gulo diba? balakdyan. HAHAHAHAHAHAHAH

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon