Chapter 10

1.9K 74 1
                                    

            Zayn's Point of View

Hays! Bakit ba kami pa ni Adelaide yung magkasama dito! Eto kasing si Dave napaka-epal! Pero payag naman ako kasi Dalawang kama naman sa isang kwarto, Ang yaman naman kasi! Edi 12 pala yung kama dito tapos sabi ni Dave nagbakasyon daw sila dati dito edi 2 kwarto lang nagamit nila kasi apat lang naman sila eh, Dalawa lang sila ng kapatid niya pati Mom and Dad niya, Ay oo nga pala baka pati si Mang Feliciano dito din natulog dati, Eh kung dito siya natulog dati siya lang mag-isa sa kwarto.. Hays!.

Bakit parang iniiwasan ako ni Ade? May nagawa ba akong mali? Or may kasalanan ba ako? Binigyan ko lang naman siya kanina ng foods na favorite niya eh, Wala naman ata akong nasabing mali, Siguro nahihiya sa'kin or what? Basta di ko alam. Bababa na nga lang ako para makapag-libot na din sa bahay na'to. Nakakatakot din kasi ang laki-laki nito!

         Dave's Point of View

To be honest nakakapagod magdrive ng 5 oras! Buti pa nga sila nakatulog habang nagbabyahe Eh ako?! Syempre hindi! Kaya magpapahinga muna ako dito pagkatapos kong ayusin mga gamit ko, Tapos ito magkasama kami ngayon ni Kelly sa isang kwarto pero magkahiwalay naman ng higaan, Kaya ayun usap-usap muna kami.

"Ang ganda naman dito! Ang presko sa feeling! Mahal ba itong bahay niyo Dave? Rk ka talaga noh?" Ani ni Kelly sabay halakhak.

"Di naman 'to masyadong mahal eh, Di ko alam kay mom sila kasi ni Dad bumili nito eh." Sambit ko habang inaayos ang mga gamit ko.

"Well, im sure mahal 'to ang lupit kasi ng aura niya! Ang laki-laki pa! Oh diba? Ang galing niyo din pumili ng matitirhan dito noh?" Aniya habang tinitignan ang buong paligid ng kwarto.

"Hmm.. Siguro Oo, Si mom naman pumili nito eh." Ani ko.

"Hindi ka ba napagod? Ikaw kasi yung nagdrive eh at 5 hours pa talaga! Omg!" Aniya.

"Pagod na din ako, Sige papahinga muna ako maglibot-libot nalang muna kayo sa baba sabihin mo kapag kakain na ah." Sambit ko.

"Okay." Ang ranging sinabi niya at linisan ang kwarto.

Hays! Makakapagpahinga na rin ako.

            Steve's Point of View

Ano nangyari sa babaeng 'to? Bakit ang tahimik niya? Siguro nagagalit kay Dave kasi naming dalawa yung magkasama dito, Or di kaya'y dahil sa nangyari kanina sa kotse? Oo nga dahil ata doon pa'no kasi nasigawan ko siya ang ingay nya kasi tapos nag-aaway pa sila ni Marlo, Napaka warfreak naman talaga kasi ng ugali niya! Kaya nasabi ko bigla ang..

"Pwede bang tama na! Kanina pa kayo eh! Ikaw Vanessa! Hindi ka talaga titigil?! Kung alam kong ganyan ka lang edi sana Hindi ka nalang sumama! Ang ingay ng Boses mo! Napaka-warfreak mo naman! Pwede bang tumahimik ka nalang diyan?! Sinabihan ka na nga ni Adelaide eh! Tigas ng ulo mo!" Ani ko sa kotse.

Shit! Nasaktan nga siguro siya sa nasabi ko! Di ko kasi napihilan sarili ko eh! Ako tahimik lang na tao pero ayaw ko talaga may nagbabangayan sa harap ko, Kahit yung mga kaklase namin dati ako ang sumasaway kapag nag-aaway sila eh, Kaya ayan tatahimik bigla! Hays! Di ba sila marunong tumahimik hangga't di ako magagalit?! Nakakabeastmode kasi eh!

Kaya pala hindi niya ako pinapansin dahil sa nasabi ko...

Sorry Vanessa... Di ko sinasadya.

A/N: ANG IKLI NANAMAN PERO SORRY AHAHAHAHHA LABYUUU!

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon