Belle's Point of View
After ma-kwento ni Marlo kung ano ang nakita niya ay tila lahat nalang kami ay nawalan ng ganang kumain, Hindi ko aakalain na totoo nga talaga ang sinabi ng iba naming kaklase na mayroon talaga ditong mali.
Ramdam ko rin ang takot ng mga iba kong kaklaseng babae dahil sobra silang humagulgol kanina, Kahit yung boys ay takot hindi nila ito pinapakita sa 'min para hindi kami matakot. Pero alam kong deep inside gusto na rin nilang umalis dito dahil nga sa mga nangyari.
Pumunta nalang kaming lahat ng salas upang magpahinga at para makalimot kung ano'ng nangyari kanina.
Ito nanaman ang katahimikan naming lahat wala nanamang nagsasalit dulot ng takot. Kahit ako ay 'di ko na rin kayang magsalita pa.
Iniisip ko kung paano kung ako ang unahin? Paano kung makita ko siya? Paano kung patayin niya ako? Kaya ko kaya lumaban? Sa tingin ko hindi. Dahil hindi naman ako matapang na tao. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari bakit ba gumugulo sa isipan ko ang sinabi ni Marlo? Bakit hindi mawala-wala ito? Ayoko ng ganito. Gusto ko ng umalis dito hindi ko na kaya ang ganito baka mamaya kung ano'ng gawin ng babaeng yun.
"G-guys sorry kung dito tayo nag-stay para magpahinga ang akala ko kasi gaganda ang bakasyon natin dito pero hindi pala. Pasensiya na talaga guys." Malungkot na tugon ni Dave.
"You're not sorry, Dave. Alam naman naming hindi mo sinasadya 'to basta ang importante maka-alis na tayo dito." Ani ni Steve.
"Hindi tayo agad-agad makaka-alis dito dahil nga wala ng gas ang sasakyan at mahirap tayong makahanap nun dahil nga probinsiya ito. Ayokong iwan yung kotse ko dito. Kung papipiliin pauunahin ko kayong umalis dahil hindi ako aalis hangga't di ko dala ang kotse ko." Ani ni Dave.
"Paano kung mamamatay kana tapos walang gas yang sasakyan mo?! Ano hindi ka pa rin aalis?!" Pasigaw na sambit ni Shan.
"Syempre aalis na ako nun Shan. Mas mahal ko naman 'tong buhay ko kaysa sa kotse ko e, pero kung nagmamadali kayong umalis pauunahin ko kayo, At hindi ako dito aalis hangga't walang gas ang sasakyan ko." Aniya.
"Please guys. Hindi 'to oras para mag-away kayong dalawa. Pwede bang tumahimik nalang muna tayo guys para makapag-chill muna kahit sandali." Ani ni Lei.
"Kaya nga guys, Wag muna kayong mag-away please lang." Ani ko.
"Guys aakyat muna ako sa silid namin gusto ko munang matulog para makapahinga na ako." Ani ni Kelly.
"Pwede bang tabi muna tayo Kelly? Delikado kasi kapag mag-isa lang sa isang silid, Gusto ko na rin matulog dahil napagod ako." Ani ni Collen.
"Sige halika na, Collen. Magpahinga muna tayo. Guys mauna muna kami ah, Sorry." Ani ni Kelly.
"Sleep tight, girls pahinga muna kayo." Ani ko.
"Sige lang girls, Basta ang mahalaga wag maghihiwalay ah." Ani ni James.
Alam naman naming lahat na kailangan may kasama ka sa silid para iwas ang gulo. At para safe na rin. Umakyat na sila Collen at Kelly para magpahinga. At ang iba naman ay nagce-cellphone lang dito para makapag-relax na sila.
Ayoko ng boring gusto ko na rin mag-facebook kaya kukuhanin ko na nga rin ang aking Cellphone sa silid namin.
"Ah, guys kukunin ko lang muna yung cellphone ko sa taas full charged na din ata yun." Ani ko sa kanila.
Walang sumagot sa sinabi ko dahil busy sila sa kanilang mga cellphones kaya minabuti ko munang kunin ang cellphone ko, Wala namang matino dito kausap dahil ang mga utak nila ay nasa sinabi ni Marlo.
Ipinatong ko muna ang unan sa sofa na nakapatong sa lap ko upang maka-alis. Sinimulan ko ng tumayo at lisanin ang salas. At nung paakyat ako ng hagdan parang may nakatingin sa akin pero dedma lang ako dahil nga baka stress lang ako or pagod. Bago ako umakyat sa 3rd floor tinignan ko muna si Collen at Kelly na mahimbing na natutulog binuksan nalang din nila ang pinto para siguro mahangin.
Pagkatapos ko silang tignan ay tumuloy na ako sa silid namin ni Lei para kuhanin ang aking cellphone na naka-charge.
Pagpasok ko sa aming silid ay tila parang ang creepy hindi ko lubos na maintindihan kung ano'ng nangyayari sa akin dahil simula sa hagdan ay biglang naging masama ang aking pakiramdam na hindi ko maintindihan.
Dedma nalang ulit ako baka kung ano nanaman nasa utak ko kaya ganito ang nangyayari sa'kin. Nilapitan ko na ang aking cellphone na naka-charge medyo mababa ang saksakan kaya kailangan mo pang tumuwad para matanggal ang saksakan.
Natanggal ko na ang aking charger sa saksakan at nakitang 100% na ang aking cellphone. Ipinatong ko na ang aking charger sa ibabaw ng aming cabinet.
Papunta na sana ako sa pintuan upang lumabas pero may malamig hangin na dumaan sa aking batok hindi naman ito galing sa bintana dahil nakasarado ito at hindi rin ito galing sa electricfan. Minabuti ko'ng sumilip sa aking likuran. Tila napako ako sa aking kinatatayuan na hindi ko maintindihan kung bakit ngunit itunuloy ko pa rin ang tumingin sa likuran ko.
Dahan-dahan akong tumingin sa ang likuran na nakayuko at no'ng nakatingin na ako ay tila natulala nalang ako sa aking nakita bigla ko nalang naihulog ang aking cellphone tumingin ako sa taas para makita kung sino ba itong taong 'to.
Hindi ko na maigalaw ang aking katawan pati na rin ang aking mata. May babae akong nakita sa aking harapan ngayon hindi ako magkakamaling siya ang tinutukoy ni Marlo. Napaka-creepy ng itsura niya. Napako nalang ang tingin ko sa kanya at yung mata niya ay halos dumugo na sa sobrang pula.
"S-sino ka?! L-lumayo ka sa a-kin!
H-hindi kita kilala! Lumayo ka!" Humahagulgol kong sabi sa kanya.Habang nilalapitan niya ako, Ako naman ay lumalayo hanggang sa umabot sa pintuan, Ang tanging nagawa ko nalang ay humagulgol at umupo.
Ang tanging nakita ko nalang ay ang kaniyang nakakatakot na kamay na may dalang kutsilyo na itatama sa akin, Wala na akong nagawa kundi ang magmaka-awa sa kaniya.
"P-please maawa ka! M-may pangarap pa ako sa buhay ko!
T-tutulungan ko pa sila mama!
H-hindi ako pwedeng mamatay!
M-maawa ka sa akin." Pahagulgol na sabi ko sa kaniya.Ngunit parang wala siyang naririnig, Inumpisahan niya akong saksakin sa aking tagiliran at sa legs ko na sobrang sakit hindi ko na kaya dahil nauubusan na ako ng dugo at ilang minuto nalang ay mamamatay na ako hindi ko na rin kayang buksan ang mata ko dahil sa sobrang sakit ng saksak sa akin ang lungkot dahil hindi ako nakapag-paalam sa kanila, pero mahal na mahal ko sila..
Lord, kung oras ko na salamat sa lahat-lahat, Ikaw na ang bahala sa pamilya ko, Huwag na huwag mo silang pababayaan. Pakisabi nalang Lord na pasensiya na kung hindi ko masuklian ang kanilang sakripisyo sa akin. Salamat sa lahat, Lord gabayan mo ang mga kaibigan ko dito...
"P-paalam." Ang aking huling salitang nabanggit bago ako mawalan ng hininga...
A/N: New Year pero ganito ang sinapit ni Belle ouchy! Ang sakit-sakit sa pakiramdam na may bumawas sa kanila. Btw HAPPY NEW YEAR pala guys! Thank you ulit sa pagbabasa top #150 na tayo sa Mystery/Thriller! Hindi tayo makakapasok sa ranking kung wala kayo! Kaya maraming salamat sa lahat ng nagbabasa at magbabasa pa lang I love you guys! Salamat!
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...