Chapter 78

607 25 0
                                    

Vanessa's Point of View

Bumaba na kami at muling inibalik 'yung mga kinuha naming pampalinis na galing sa C.R.

Nagulat ako sa narinig ko, Doon sa ikinuwento ni Adelaide sa amin. Kung bakit siya nahimatay at kung bakit nagulat siya no'ng makita niya kami ni Kelly ng magising siya.

Isang hindi magandang umpisa sa araw na ito ang nangyari sa amin. No'ng una nawala si Lei tapos ngayon naman nahimatay si Ade tapos kinuwento sa amin 'yung nakaka-pangilabot na naranasan niya.

Sa araw na ito marami na kaming naranasan, Hindi ko na nakayanan kanina dahil sa sobrang pag-iyak.

Halos buong araw kaming umiiyak kanina dahil sa pagka-wala ni Lei. Wala na siya, Tuluyan niya kaming iniwanan, Ang lungkot kasi hindi manlang siya lumaban. Pero baka sad'yang malakas lang 'yung Killer.

Nagluto na lang kami ni Kelly ng kakainin namin ngayon para naman may laman ang tiyan namin.

Adobo, Ang napili naming lutuin ngayon bukod sa ayan na lamang ang maaaring maluto dahil papa-ubos na ang laman sa ref. kaya kailangan na naming bumili kasi kung wala, Tiyak na magugutom kami.

Nang maluto na namin, Agad na kaming nag-prepare para makapag-kain na kami.

At matapos maglagay ng mga pinggan, Kutsara't tinidor ay agad na kaming umupo.

Kukuha na sana si Zayn ng kanin ngunit agad itong hinarangan ni Ade kaya agad kaming napa-tingin kay Ade habang naka-taas ang kilay.

"Hindi ba't kailangan muna nating magdasal bago kumain?" Aniya.

Bigla na lang akong napayuko kasi naka-taas kilay ko habang nakatingin sa kan'ya. Sila rin naman e!

Magdasal muna tayo, Lalo na't kailangan natin ng tulong sa kan'ya ngayon.

Sa ngalan ng ama, anak at espiritu santo, Amen.

Si Adelaide na ang nag-lead ng prayer habang kami ay seryosong nagdadasal.

Sana 'yung mga tulong na hiningi namin ay matupad.

"Oh ayan, p'wede na tayong kumain. Basta't huwag lang natin kakalimutan ang mag-dasal bago kumain at matulog pati na rin paggising, Ang lungkot lang na hindi na masyado nating naaalala ang pagdadasal bago kumain."

"Sorry, Ade. Hindi ko na naalala gutom na gutom na kasi talaga ako e." Pag-uumanhin ni Zayn.

"Okay lang 'yun, Basta lagi nating tatandaan na magdasal, okay?"

"How if mag-rosary tayo after kumain? Ipag-pray natin na sana maayos ang kalagayan nila doon, At kailangan rin natin ng tulong niya, Dahil kung hindi baka isa-isa na talaga tayong maubos dito." Suhestiyon ni Kelly.

"Maganda ideya 'yan, Kels!" Sambit ko.

Tinignan naman namin ang mga boys na abala sa pagka-kain na tila 'walang naririnig sa mga sinabi namin.

"James! Zayn! At Marlo!" Sigaw ni Ade.

Agad naman silang napatigil sa pagka-kain dahil tinawag sila ni Ade.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon