Chapter 26

1.1K 51 0
                                    


Vanessa's Point of View

May sasabihin muna ako kay author hehe Hi auhtorr tagal ko na rin bago magkaroon ulit ng POV buti naalala mo ako labyo owtor mwehehe..

A/N: Lab ka ba Vane? de charot. di kita nakakalimutan ano ba HAHAHA

***

After naming kunin ang mga damit ni Lei upang ilagay sa silid nila Marlo at Shan dahil nga ito ang inutos ni madam Adelaide kaya agad naman kaming sumunod.

Buti nalang at nakakakain na si Lei dahil kung titignan mo ay halatang hinang-hina na siya nakaka-awa siyang tignan dahil kanina ayaw talagang tumigil humagulgol buti nalang at tumahan na siya.

Pinilit namin siyang kumain dahil sinabi namin na para kay Belle din naman ito agad naman siyang sumunod kaya medyo gumaan din ang aming pakiramdam.

Mga ilang sandali lang ay nakatulog na si Lei dahil siguro sa pagod, Pinabayaan nalang muna namin siyang magpahinga para naman kahit kahit papa'no ay maging okay na rin ang kaniyang pakiramdam.

Bababa na sana kami ngunit bigla nalang nagsalita si Marlo. Sinabi niya hindi namin pwede iwanan si Lei dahil delikado at dapat din naming sundin ang aming usapan na kailangang 2 ang tao sa bawat silid.

Nagpasya si Steve na maiwan upang bantayan si Lei na mahimbing na natutulog. Siguro gusto niyang magbantay kay Lei dahil gusto din dalhan ng pagkain dito pa-espesyal kasi masyado pero bahala siya.

Ang mga iba naming kaibigan ay sumang-ayon na si Steve nalang daw ang magbantay kay Lei, Wala naman akong ibang nagawa kundi tarayan nalang siya pa'no kasi papansin. nakakainis.

Pagkatapos ko siyang tarayan lumabas na ako ng silid nila Marlo upang bumaba na at makakain na rin ng hapunan para mabilis ng makapag-pahinga.

Bumaba na ako at nasa likuran ko naman na naglalakad ang iba naming mga kaibigan para kumain na ng hapunan siguro nga ay gutom na rin sila kaya gusto ng kumain.

Pumunta na kami ng kusina at naghanda na ng mga pinggan at kung ano-ano pa para makakain na.

"Kelly at Shan dalhan niyo muna doon si Steve tapos magdala na rin kayo ng tubig para naman kay Lei." Ani ni Ade.

"Sige, Ade." Pagsasang-ayon ni Shan.

Pagkatapos nun ay umupo na kami isa-isa sa aming mga upuan kung saan kami nakaupo. Kitang-kita yung bakanteng upuan kung nasaan nakaupo si Belle halos lahat kami at natulala sa upuang walang nakaupo.

Kitang-kita din kung gaano ka lamya ang iba naming kaibigan na tila hinang-hina na at nakatulala sa upuan ni Belle.

Inumpisahan kong kumuha ng kanin at nilagay sa aking pinggan para naman sa pagkain na matuon ang kanilang atensyon. Ilang minuto pa ay kumuha na rin sila at nagsimulang kumain.

Pero napansin kong wala silang ganang kumain at tila tinitignan lang ang pinggan nilang may nakalagay na kanin at ulam. Mga iba naman ay iniikot-ikot lang ang kutsara't tinidor nila na walang balak kumain.

Siguro nga wala silang ganang kumain dahil sa nangyari kay Belle dahil kung tutuusin nasa utak ko pa rin kung ano'ng itsura kanina ni Belle. Wala rin namang pumiling magsalita kaya binasag ko ang katahimikan sa pagitan naming lahat.

"Uhmm.. G-guys kumain na kayo kahit onti lang sayang naman 'tong ulam at yung bagong saing na kanin." Ani ko.

"W-wala akong gana kumain, Gusto ko ng matulog." Ani ni James.

"Ako din." Sambit naman ni Zayn.

"Kahit konti lang kumain naman kayo guys, Kung si Lei nga kumain 'diba? Edi kumain na rin tayo para din naman ito sa kalusugan natin guys." Ani ko.

Alam kong napilitan lang silang kumain dahil sa sinabi ko pero at least kahit papa'no ay nakakain naman sila.

Ayaw ko lang kasi nung hindi sila kakain dahil sayang yung pagkain na hinain at niluto tapos hindi naman pala kakainin.

Pagkatapos namin kumain kahit hindi ubos yung sa iba nagsimula na kaming maglinis ng lamesa at para makatulog na rin kami.

Akala ko ay aakyat na ang iba sa taas ngunit nanatili pa rin sila sa salas, Ang mga iba naman ay sa Swimming pool area na nagchi-chill dahil malakas din naman ang hangin doon.

Ang iba naman ay nasa front door na nakaupo binuksan lang kasi namin yung pinto para mahangin din at para hindi mainit sa loob ng bahay.

Ako naman ay pumunta sa tapat ng pool dahil doon ang magandang pwesto at mahangin pa inilagay ko ang aking binti sa pool para naman ay maging maayos ako, Tumingin ako sa langit kung saan ay maraming bituin na nagniningning ang ganda nilang tignan as in nagshi-shine sa mata ko.

Nung tinitignan ko ang mga bituin biglang pumasok sa isip ko si Belle 'di ko alam kung bakit, Isa siya sa mga naging mabuti kong kaibigan, Tapos bigla nalang siyang mamamatay ng ganun-ganun grabe ang bilis ng pangyayari.

Nakakalungkot isipin na halos mamatay na rin si Lei sa kakaiyak kanina, Grabe din kasi e. Bakit gano'n? Ang unfair ng buhay. Bakit inuuna ni Lord kuhanin ang mga mababait na tao sa mundo? Onti na nga lang mawawala pa. Napaka-bata pa ni Belle para mamatay marami pa siyang pangarap at pwedeng magawa sa buhay niya.

Pero sa isang iglap ay bigla nalang siyang nawala. Hayss, Ang alam ko kasi kinukuha ni Lord ang isang tao kapag tapos na ang misyon niya. Pero wala e, Wala na si Belle hindi ko naman kayang buhayin siya muli. Kung pwede lang talaga ginawa ko na para sa ikasasaya ng aming kaibigan na si Lei.

Hindi ko rin napansin na tumutulo na pala ang aking luha dahil siguro sa kakaisip ko kay Belle. Basta ang alam ko lang ay kasama na niya si Lord at masaya na siya doon sa taas.

Alam ko rin na mayroong siyang plano para kay Lei, Sana naman makita namin muli ng aking mga kaibigan ang nag-iisang ngiti ni Lei at sana makita naman ulit namin siya Humalakhak yung parang dati 'pag kasama niya si Belle? Pero sana kahit wala na si Belle tumawa pa rin si Lei. Alam kong makakabangon ulit siya dahil matapang siya.

Gabi na rin at tinanggal ko na ang aking binti sa pool para makatayo na rin. Pumunta na ako sa salas at onti nalang silang nandoon siguro ang iba ay umakyat na, Hindi ko na rin nakita si Adelaide sa salas kaya siguro umakyat na rin yun. Sinabihan ko ang mga natira kong kaibigan na walang matitira dito kahit isa at agad naman silang sumang-ayon.

Pagkatapos ko silang bilinan agad na akong umakyat sa aming silid ni Steve. Bago ako pumunta do'n pinuntahan ko muna si Lei para ma-check kung okay na ba siya.

Pagpasok ko doon ay nakita ko si Ade nandito lang pala 'to akala ko natulog na tinutulungan niya si Shan na mag-ayos ng higaan ni Lei. Si Steve naman ay nakaupo pa rin kung saan siya kanina nakaupo.

"Uy, steve ano balak mo? Wala akong kasama do'n sa silid ano oras ka ba matutulog?" Ani ko habang nakapameywang.

"Wait lang uma-attack pa ako dito hintayin mo ako Vane." Aniya habang naglalaro ng coc.

Ayan nanaman siya sa laro niya. Kung si Dave Mobile Legends si Steve naman Clash of Clans ang nais. Grabe naman. Paghihintayin pa ako nito.

Ilang sandali lamang ay natapos na rin siya sa attack kuno kaya pwede na akong matulog dahil may kasama na ako sa silid pero magkahiwalay naman.

Kaya makakatulog na ako hindi ko alam kung maayos ba or hindi dahil ang sama ng araw ko ngayon grabe. Pero sana makatulog pa rin ako at sana pag gising ko okay na kahit hindi Hayss. goodnight.

A/N: HOY MGA KA NONAT! LABYU TALAGA SALAMAT SA PATULOY NA PAGBABASA LAM NIYO NAMAN LAB KO KAYO MWAH!

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon