Chapter 81

648 27 0
                                    

James' Point of View

Naiyak ako ng bigla na lang namin nalaman na patay na si Kelly.

Hindi ko alam kung bakit, Iba ang pagka-matay ni Kelly dahil sa pagsuka niya.
Mas okay nga kung mamatay ng ganun kaysa naman sa sasaksakin or kung ano pa ang gagawin sa katawan mo na sobrang sakit.

Nakita ko na naman si Collen na nakahiga sa silid nila Lei at Belle dati na 'walang malay.

Sunod-sunod sila doon na nakahiga, Sobrang nangangamoy na nga e, Kasi habang tumatagal mas umaalingasaw ang amoy doon, Hindi naman namin p'wedeng ilabas kasi baka kung ano-anong sabihin ng mga tao.

Baka akalain nila pinatay namin sila, Hindi ko lang kasi talaga alam kung bakit pumapatay ang Killer, eh wala naman kaming nagawang kasalanan.

Nagbakasyon lang kami dito para makapag-pahinga sana, Kaso lang imbes na makapag-pahinga mas lalo nga talaga kaming na-stress. Hays.

Bumaba na lang kami at nilisan ang silid na 'yun kung saan ay nandoon nakalagay ang nga bangkay ng nga namatay naming kaibigan na 'walang-awang pinatay, At isa pa ang mas masakit ay pinatay sila ngunit inosente naman sila, Kaya nga kaming mga natira dito ngayon ay lalaban at aalamin kung bakit ba pumapatay ang killer.

May konti na kaming alam about dito, Lalo na 'yung killer, Napag-alaman naming babae pala ang pumapatay.

At ang pangalan niya ay Anna. Kung papakinggan isang simple at magandang pangalan lang ito at halatang para sa mabait na babae nababagay ang pangalang ito.

Ngunit hindi ko inaasahan na ayun mismo ang pangalan ng pumapatay dito, Ang nga pumatay sa inosente ang walang kalaban-laban na mga kaibigan namin.

Bumaba na kaming tatlo boys na kung saan ay kaming tatlong lalaki na lang ang natitira ngayon na dati anim pa kami at buo.

Nakita naman namin na nandoon pa rin sila Vanessa at Kelly na lang ang natira na 'walang emosyon at nakatulala lang sa kama na kung saan ay nandoon kanina nakahiga si Kelly.

Pumasok na kaming tatlo dito sa silid at umupo na lang rin. Gano'n rin kami, Tulala at tila hindi alam ang gagawin kundi ay ang umiyak lang hanggang sa mabuhos ang lahat ng sakit at bigat na nararamdam sa lahat ng masamanh karanasan na nangyari sa amin dito sa bahay na ito.

Nakaka-binging katahimikan ang bumalot sa aming lahat, Ni isa ay 'walang balak magsalita kundi umiyak lang at tumulala, Kaya sobrang tahimik dito ngayon na parang 'walang tao.

Sa sobrang tahimik napag-pasyahan ni Zayn na magsalita sa aming lahat.

"Sorry to say guys, Pero matira matibay." Aniya.

Kanina lang ay umiiyak siya ngunit ngayon ay medyo kumalma na rin siya kaya hindi na siya umiiyak.

Pinunasan ko na lang gamit ng kamay ko ang mga luhang hindi maawat sa pagtulo sa aking mukha.

"Gano'n talaga.... Dahil kapag hindi tayo malakas..... Edi wala na.." Sambit ko naman.

Napa-buntong hininga muna si Marlo bago magsalita. "Kaya kailangan, Maging malakas tayo pati na rin ang katawan natin.. Kasi kapag hindi..." Tugon niya.

"Alam niyo, Mas gusto ko pa kung mamamatay ako na magka-sakit na lang at sumuka rin ng dugo kagaya ni Kelly... kaysa naman sa paoahirapan ka pa at sasaktan.. Mas gusto ko ang mamatay ng mapayapa." Seryosong tugon ni Adelaide at napa-tingin sa amin.

Si Vanessa naman ay agad na lumipat, Nandoon kasi siya sa kama kanina ni Kelly tapos si Adelaide nasa upuan sa pagitan ng dalawang kama, Umupo lamang siya sa sahig kagaya ni James at Marlo, Kami naman ni Zayn naka-upo dito sa kabilang kama which is kama ata ito ni Vanessa.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon