Adelaide's Point of View
Agad naman ni Kelly ininom ang ibinigay kong tubig sa kan'ya at makalipas ang ilang minuto ay medyo kumalma na rin siya.
“He's safe.” Ani ko kasabay ng pag-ngiti sa aking labi.
“Alam ko, Ade. But i j–just can't...” Aniya.
“Everybody please sit down. Kailangan na nating mag-usap.” Ani ko.
Agad naman silang sumunod at umupo na. Ang iba ay nasa sofa at ang iba naman ay naka-indian sit kagaya ko. Pinabayaan ko na lamang si Kelly na umupo sa sofa.
“Kailangan na nating mag-usap kung ano'ng gagawin natin.” Pasimulan ko.
“Eh ano ba'ng balak?” Pagtatanong ni Steve.
“Iyon ang dapat nating gawin. Hindi bat nasabi ko na sa inyo ang gagawin natin?” Ani ko.
“Ade? Anong gagawin?” Nalilitong tanong ni Kelly.
Oo nga pala, Hindi niya pa pala alam ang dapat naming mga gawin.
“Madali lang naman 'yun, Kelly.” Ani ko.
“No one will ever use Earphones or Speaker in this house.” Ani ni Marlo.
“Dahil sa lahat ng nangyaring krimen ay lagi natin itong gamit kaya'y hindi natin napapansin ang paligid.” Ani ko.
“Noong namatay si Belle hindi ba't naka-earphones tayo noon? Kaya no'ng nagpaalam siya'y hindi natin narinig.” Pagpapatuloy ni James.
“Pangalawa no'ng kay Collen, Hindi natin siya napansin dahil puro tayo gadgets isama mo na rin yung earphones na ating suot.” Ani ni Lei.
“Pangatlo no'ng kay Dave hindi bat naka-speaker tayo? Kaya ay hindi natin agad napansin or narinig siya.” Pagpapatuloy ni Zayn.
“Kaya starting today wala ng gagamit ng gan'yan.” Ani ni Vane.
“Kahit na ay mahilig sa music kagaya nila Zayn, James at Lei ay iwasan pa rin ito.” Paliwanag ni Shan
“Next. Laging pansinin ang paligid, Huwag masyadong mag-focus sa isang bagay dahil nawawalan ng pansin sa paligid.” Pagpapatuloy ko ulit.
“Like you, Kelly alam naman nating lahat na ikaw ang taga-luto dito, Alam rin namin na focus ka lang diyan kung magluluto ka, Ngunit ngayon ay 'wag kang masyadong gano'n dahil hindi mo napapansin ang paligid.” Sambit ni Marlo.
“Yep. Pansinin mo lagi ang paligid Kelly. 'Wag ka masyadong mag-focus sa pagluluto I mean okay lang na magluto ka ngunit pansinin mo ang paligid bawat oras.” Dagdag ko.
“Upang maging handa rin tayo kaya ay kailangan nating pansinin ang paligid.” Ani ni Zayn.
“A–ah ganun ba. Sige okay lang sa akin 'yun.” Ani ni Kelly.
“That's the only thing i told you all earlier. But i forgot to tell you something...” Dagdag ko.
“What's it, Ade?” Pagtatanong ni Vane.
“First avoid your Earphones and Speaker Next pansinin lagi ang paligid, Then the last one i will tell you is..”
“Ano Ade? Pabitin pa e” Ani ni Shan.
“At pinaka-importante sa lahat ay kailangan lagi nating i-check kung kumpleto tayo. Alam niyo naman siguro ang mga itsura ng isat-isa hindi ba? Kaya kung may hindi kayo nakitang mukha ay agad na sabihin. Upang malaman agad natin. Maliwanag ba?” Ani ko.
“Ah, ganun ba. Sige masusunod!” Ani ni Lei.
“Okay lang sa akin.” Sambit ni Steve.
“Ano kabisado niyo ba ang mga dapat at hindi natin dapat gawin dito?” Pagtatanong ko naman upang masiguro kung alam nila ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...