Chapter 57

640 33 0
                                    

      James' Point of View

Nagulat na lang kami nila Zayn at Lei ng biglang dumating si Mang Feliciano.

Ni hindi ako nakagalaw at nakasalita no'ng kinakausap niya kami dahil natatakot ako tsaka baka mautal-utal lang ako tapos baka hindi niya ako maintindihan kaya pinili ko'ng tumahimik na lang.

ang makaalis siya ay agad akong napapunta sa salas at napaupo na lang sa sofa.

"B–bakit hindi kayo nagsalita?" Ani ni Vane habang humihikbi.

"Delikado na kung magsasalita pa tayo, He'll know na may problema tayo sa bahay na 'to kaya it's better to kept it as a secret." Ani ni Ade habang patungo dito sa salas.

"Kept it as a secret? Eh tignan niyo naman hirap na hirap na tayo dito, 'diba dapat lang naman talagang sabihin natin?" Pagsingit ni Shan.

"So, Bakit hindi niyo sinabi kanina? Kung gusto niyo malaman ni Mang Feliciano bakit hindi niyo agad sinabi?" Sambit ni Ade at umupo rin sa sofa.

"Kasi natatakot kami. Baka kasi magalit kayo kapag sinabi namin 'yun." Ani ni Vane.

"Okay. Tapos na e, Wala na rito si Mang Feliciano umalis na siya. So, tapos na." Ani ni Ade.

"Hali na kayo dito sa kusina, Kakain na tayo." Sigaw ni Kelly.

"Let's talk about it later." Dagdag ni Ade.

Agad na kaming pumunta sa kusina upang kumain dahil wala pa kaming kain simula kaninang umaga.

Habang ngumunguya ako bigla namang nagsalita si Adelaide.

"Daming nangyari ngayon ah? Una namatay na si Steve tapos biglaang dumating si Mang Feliciano." Aniya.

"Kaya nga e, Ano na ba ang susunod nating gagawin?" Pagtatanong ni Lei.

"Adelaide, Paano mo nagawa'ng hindi mautal habang kausap si Mang Feliciano? Para kasing chill ka lang habang sinasagot ang mga tanong niya." Pagtatanong ni Zayn.

"Kapag nagpadala tayo sa takot natin mapapansin niya na natatakot tayo sa kan'ya kaya nga ako na lang yung sumasagot sa inyo kanina kasi alam kong kinakabahan at natatakot kayo, Dapat kapag kaharap niyo ang kinatatakutan niyong tao wag kayong kakabahan kasi syempre macu-curious sila kung bakit 'diba? Kaya dapat chill lang kayo habang nagsasagot sa kan'ya." Aniya.

"Tama naman pero kasi kanina hindi ko talaga kayang sumagot sa kan'ya, Kinakabahan ako, Sobra kasing natatakot ako sa kan'ya lahit wala naman siyang ginagawa." Ani ni Zayn.

"Kaya ako na lang ang sumagot kanina kasi ako lang naman yung kayang masagot ang mga tanong niya, I admit kinabaham rin ako pero i choose to be positive para hindi ako kabahan ng sobra." Ani ni Ade sabay subo ng pagkain na nakalagay sa kan'yang kutsara.

"Ang problema kasi is yung kay Dave." Singit ni Kelly. "Siya lang naman yung nag-iisang tao na hinahanap palagi ni Mang Feliciano 'diba? How if pumunta ulit siya dito? Paano na?" Dagdag niya.

"Kung pumunta siya muli sa pangalawang pagkakataon tapos kapag hinanap niya pa rin si Dave sa tingin ko kailangan na nating sabihin ng totoo." Aniya.

"Sa tingin niyo pupunta pa kaya ulit siya?" Pagsingit ko.

"Syempre, Pero hindi ako sure ha. Bahay niya kasi ito kaya may karapatan siyang pumunta kahit kailan niya gusto." Ani ni Ade.

"Wala na ba talaga tayong paraan para maka-alis dito? Nakakapagod na kasi 'yung lahat-lahat bawat maling kilos mamamatay agad pati rin kay Mang Feliciano may problema rin tayo sa kan'ya." Sambit ni Vane.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon