Adelaide's Point of View
Wala ako sa sarili ngayong gabi na 'to. Hindi na ako nagpa-alam sa kanila na matutulog na dahil ayaw kong magsalita pa. Hindi ko kaya dahil sa mga nangyari ngayong umaga.
Tumuloy na akong pumunta sa taas na agad naman akong hinabol ni Zayn upang sabayan ring umakyat, Oo nga pala bawal ang mag-isa. Hindi ko na 'yun naisip dahil sa sobrang stressed.
Nang maka-akyat agad na akong pumasok sa silid namin upang makatulog na.
Hindi na ako kumibo at nagsalita dahul lutang na lutang ako ngayong araw kaya agad na akong humiga upang makapagpahinga na.
Si Zayn naman humiga na lang rin sa kan'yang kama upang magpahinga na rin. Kaya ay agad ko ng pinikit ang aking mata upang magsimula na'ng matulog.
Nang nasa kalagitnaan ng pagtulog na-alimpungatan ako kaya agad akong napagising mayroon kasi akong narinig na parang kalabog ba 'yun? Basta may narinig lang ako.
Tinignan ko ang buong paligid dito sa loob ng aming silid ni Zayn ngunit wala naman akong napansin na nahulog na bagay, Si namn Zayn ay mahimbing ng natutulog, Hindi ko na lamang ako sa pagkakahiga at hindi na lamang pinansin ito dahil baka naman wala talagang nahulog na gamit siguro nagising lang talaga ako ng biglaan.
Tinuloy ko na lamang ang aking pagtulog dahil antok na antok pa rin ako at hindi ko kayang bumangon.
***
Nagising na ako at nakita ang sinag ng araw na nasisilawan ang aking balat na pahiwatig na umaga na. Si Zayn naman naman ay walang nagbago sa kan'ya dahil hanggang ngayon ay mahimbing pa ring natutulog.Kinuha ko na lang muna ang aking Cellphone at tinignan kung ano'ng oras na.
9:30 na pala ng umaga, Ngunit hindi muna ako bumangon at nag-Instagram muna upang makita kung ano na'ng nangyayari sa mga taong finallow ko rito.
Scroll down ng scroll down lang ako at taga-puso ng mga picture nila.
Napahinto ako sa isang imaheng aking nakita. Si Collen. Yung nagselfie siya doon banda sa Swimming Pool Area, Ang ganda-ganda ni Collen sayang lang dahil wala na siya.
Kahit wala na siya pinusuan ko pa rin ito at in-istalk ang kan'yang IG. May mga nasa isang daan mahigit ang kan'yang posts mayroong 16K followers at nasa libo rin ang following niya.
Sayang naman yung kasikatan at ang maganda niyang mukha dahil hindi na siya makaka-post pa ulit sa IG.
May mga nabasa ako sa comment na “Miss na kita, Collen! See you pagbalik mo dito.” Isang mensahe na ikinalungkot ko dahil hindi na niya muling maaaring makita si Collen.
In-exit ko na lang ang Instagram ko at pumikit muna at napabuntong hininga na lamang ako sa mga nangyari.
Umupo na ako at sinuot ang tsinelas na malambot sa aking paa, Ginising ko muna si Zayn bago ako umalis upang alam niya.
“Hoy! Zayn!” Pagsigaw ko sa kan'ya upang magising siya. Ngunit hindi naman ito nag-work kaya tinry ko ulit siyang gisingin.
“Zayn! Gising! Hoy! Anong petsa na!” Sigaw ko ulit sabay sampal ng malakas sa kan'yang pisngi.
At buti nalang nagising agad siya akala mo kung may multong nakita dahil gulat na gulat siya no'ng nagising siya.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...