Chapter 92

702 31 10
                                    

Vanessa's Point of View

"Nawawala 'yung papel." Ani Ade.

"N-nawawala?!"

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nawala ang kaisa-isang papel na 'yun. Maliit pa naman iyon tapos nawala pa.

Kailangan namin iyon dahil ito'y isang clue at tiyak na makakatulong sa amin dito, Hindi man namin agad na-decipher pero sure kami na malaking tulong iyon.

Hindi naman talaga kasalanan 'yun ni Adelaide, Hindi niya naman kasi kasalanan na biglang mawala 'yun.

Kasalanan namin 'tong lahat, Kasi hindi agad namin inasikaso, Eh paano ba naman kasi ang daming problema paano namin 'yun made-decipher?

Kanina nagsagutan sila Marlo at Adelaide about doon sa papel dahil nga nawala na papel.

Ayun medyo masakit kasi parang onti-onting dumadagdag ang problema namin dito.

Sana pala tumulong na lang akong i-decipher 'yun edi sana na-crack na namin ngayon, Edi sana nalaman na agad namin.

Pero 'wala e! Sa huli talaga ang pagsisisi kaya nga ngayon ay nanginginayang ako sa nangyari, Imbis na mag-usap kami ng panibagong plano eh kailangan pa muna namin hanapin 'yung papel which is nakalagay ang code na hindi namin madecipher.

So ayun hindi naman ako nainis kay Adelaide dahil nawala niya 'yung papel, Kasi kung maiinis ako edi mas lalong lalala ang sitwasyon kaya pinabayaan ko na lang.

Ang reaksyon naman ni Zayn e parang 'wala lang, Ewan ko dun puro tanong lang rin e. Puro naman 'walang k'wenta.

Pero ang nawe-weirduhan na medyo nakakatakot na reaksyon sa amin is si Marlo which is parang galit kay Adelaide, Halata naman kasi kung paano ito tumingin ng diretso sa mata ni Adelaide.

Pati rin nung sa akin, Hindi ko alam pero parang gusto niyang magwala, Namumula rin kasi ang mukha niya at tila pinapakalma niya lamang ang sarili niya, Pero hindi naman siya nagwala.

Ewan ko, Ang sabi niya lang kasi ay umalis raw muna kami at iwanan siya rito kahit sandali lang, Hindi ko alam kung ayaw niya lang ba talaga tumulong or nag-iinarte lang.

Kaya ayun sabi niya naman hindi naman daw siya nag-iinarte, Gusto niya lang daw muna mapag-isa kahit daw ilang minuto lang. Gusto niya lang daw muna ang magpahinga kahit sandali.

Hindi ko alam kung ano'ng gusto ni Marlo pero agad akong tumayo at tumabi kay Adelaide which is nasa pintuan, Habang siya naman ay namumula pa rin.

Parang iba 'yung nararamdaman ko ngayon, Parang feeling ko kasi talaga galit si Marlo, Halata naman kasi sa itsura niya pero parang pilit niyang pinapakalma ang sarili niya.

Medyo kinabahan ako kasi nagagalit na ito, Actually hindi ko pa nakikitang magalit ang isang Marlo, Oo. Hindi pa talaga, Kasi kung titignan mo parang hindi naman siya nagagalit kasi 'yung mukha niya ay laging masaya at lagi siyang nakangiti.

Pero ngayon? Hindi ko alam e pero parang may masama akong kutob na parang..... ewan ko ba hindi ko naman talaga alam ang gusto ni Marlo.

Basta ang sabi niya lang daw is gusto niyang mapag-isa kaya naman sinunod na lang namin, Eh no'ng tinanong namin ayaw naman sumagot kaya hinayaan na lang muna namin at binigyan siya ng ilang minuto para mapag-isa since ayun naman ang gusto niya.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon