Chapter 28

1K 34 9
                                    

              Dave's Point of View

Isa nanamang umaga ang dumating. Napaganda ng sikat ng araw at sana walang mangyaring masama ngayong araw.

Ito ang pinaka-unang araw ng wala si Belle at sa tingin ko ay hindi pa gaanong mabuti ang pakiramdam ni Lei kaya sana maging maayos na siya.

Pagkatingin ko sa aking kaliwa kung saan ay ang higaan ni Kelly, Wala na siya do'n siguro nga maaga nanamang nagising dahil yun naman ang palagi niyang ginagawa dahil magluluto pa siya para sa 'min.

Minsan ko na nga rin siyang sinabihan na 'wag magluto at hayaan nalang ang mga kaibigan namin na magluto mag-isa nila para matuto sila dahil hindi naman na sila bata.

Pero wala naman akong nagawa no'n hindi ko manlang nakumbinsi si Kelly dahil ayaw namang makinig.

Hobby niya daw talaga ang pagluluto since birth daw kahit no'ng nasa tiyan pa siya ng mama niya kinwento niya yan sa 'kin puro kashitan alam pero magaling naman magluto sana all.

A/N: HOY DAVE MATUTO KA MAGLUTO AH! I WILL SABUNOT YOU TO YOUR KILAY GIGIL SI OTOR. HEHEHE.

Joke lang naman yun author ikaw naman kala mo naman kung nagluluto tsss. Joke lang ulit author labyu! Okay. Balik na tayo sa storya.

...

Tumayo nalang ako sa aking higaan para makababa na at makapag-almusal kasama ang aking mga ka alien este kaibigan.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng biglang may nagbukas nito kaya ayun natamaan ng sobra yung ilong kong matangos nakaka-puta naman ang aga-aga.

Halos maiyak na ako sa sobrang sakit no'n pero syempre dahil matapang ako tiniis ko ng medyo kumalma na ang aking ilong nakita ko si Shan na tayo habang naka-crossed arms pa, Aba hindi manlang ba 'to nag-sorry?!

"Hoy, Shan! Ang sakit nun ah! Uso kasing kumatok 'diba?! Buti nalang 'di ako na-nose bleed!" Ani ko.

"E sorry naman! Di ko naman kasalanan yan e! Ikaw kasi tanghali kana nagigising kaya kailangan umakyat pa dito at gisingin ka! Hindi ko naman alam na nasa pintuan ka na rin!" Pagtataray niya.

"So ano? Ako pa may kasalanan! Ikaw yung naka-sakit SHANDEIA STONE! Ikaw ang liit-liit mo lang e pasalamat ka mabait ako kung hindi nako!" Ani ko.

"Ano naman kung maliit ako?! At least cute e ikaw!! Gwapo ka nga bobo ka naman sa english nako Dave kung hindi lang talaga kilala nako!" Ani kiya habang umiikot-ikot pa yung mata sarap kunin grrrrrr!

"Shan, grabe ka naman sa 'kin pati yung problema ko pinagkakalat mo away lang walang bunyagan ng sikreto! Ayan tuloy nalaman na ng mga readerss!!!" Ani ko.

"Ewan ko sa'yo baka mamaya masapak pa kita bumaba ka nalang do'n hinihintay kana ni Kelly!" Aniya.

"Kala mo naman kung malakas sumapak parang hangin lang naman sapak mo e oh ano! Try mo nga dali!" Ani ko habang pinaharap sa kaniya ang aking brasong matcho.

"Fuck off!! Bumaba kana nga! Marami pa akong tatawagin na kaibigan natin epal ka talaga e akala mo naman kung gwapo che!!" Aniya sabay irap.

"Luh may sinabi ba akong gwapo ako? Ikaw naman akala mo kung maganda ka e ang liit-liit mo naman hays!" Ani ko sabay halakhak.

Habang tumatawa ako bigla niya akong hinampas, Aba! Bastos 'to ah nanghampas ng walang pasabi!

"Ewan ko sa'yo ang pangit mo!" Aniya habang paalis sa aking harapan at papunta sa kabilang silid upang tawagin ang iba naming kaibigan.

"Bumili ka kasi ng Cheriffer!" Sigaw ko sa kan'ya at tumakbo nalang bigla sa hagdan baka kasi mamaya hampasin ulit ako nito ang sakit pa naman manghampas no'n e ang liit-liit naman kala mo kung maganda. 

Wala na akong pake kay Shan na maliit na yun. Kaya tumuloy na akong pumunta sa baba gaya ng sabi ni liit hinahanap daw ako ni Kelly kaya bumaba na talaga ako.

Nakita ko na nagpe-prepare pa lang sila at kung titignan bilang ko pa yung mga tao dito sa baba dahil onti pa lamang sila na nandito at gising. Siguro nagpuyat nanaman yung iba.

Dedma nalang ako kaya dire-diretso nalang akong pumunta sa Lababo para maghilamos at para naman makita nilang lahat ang napaka-pogi kong mukha.

Pagkatapos kong maghilamos umupo na agad ako para maka-kain na dahil nakakagutom kasi ang bango-bango ng niluto ni Kelly amoy na amoy ko talaga yun kaya nakakapag mouth watering hmmm! Sigurado akong masarap 'to basta luto ni Kelly my love.

"Uy, Kelly my love baka naman may lason 'to ah?" Pagbibiro ko sa kan'ya.

"Para kang tanga! Ba't ko naman yan lalagyan ng lason! Masama yun ano ba! Kumain ka na lang d'yan pasalamat ka ng pinaglutuan ka pa." Pagtataray niya.

Hindi na ako nakasabat pa dahil bigla nalang dumating ang mga iba naming kaibigan na kagigising pa lang ang iba ay nagtatanggal pa ng muta sa kanilang mga mata, Ang iba naman ay naghihilamos, Ang iba din naman ay tumitingin kung ano'ng ulam.

Pero sa mga nakita kong mukha nila hindi pa kami kumpleto dahil may mga blankong upuan pa kaya dedma nalang tinuloy ko nalang ang pag kain dahil ang sarap talaga ng luto ni Chef.

Habang kumakain ako bigla na ring dumating sila Zayn at Lei na magka-akbay pa, Wow bestfriend goals ampf ang aga-aga e pero okay na rin yan.

Napansin kong medyo naka-recover na rin si Lei dahil parang mas naging okay na siya ngayon kaysa naman kahapon.

Agad naman na umupo si Zayn katabi ni Adelaide dahil do'n naman ang kan'yang upuan kapansin-pansin din ang nag-iisang upuan na walang nakaupo kung saan ay ang katabi ni Lei. Eto ang unang araw almusal na kakain kaming wala si Belle.

Halos mapatulala nalang ulit kami sa sa upuan na yun. Pero iniwas ko nalang ulit yung tingin ko do'n dahil baka maging malungkot nanaman si Lei dahil nakikita niya kaming malungkot.

Tumuloy nalang ako sa pag kain ko para matapos na rin ako at maka-exercise naman dahil matagal na rin akong hindi naka-exercise.

Naging okay na rin kami dahil dumami na ang aming kain hindi katulad kagabi na halos kahit isang butil ng kanin hindi pa kayang malunok. Siguro sa sarap ng luto ni madam Kelly. Hayss sana all marunong magluto hindi kagaya ni author na hindi naman nagluluto. Joke lang author i lab you! Hehehe!

A/N: AT DIYAN NAGTATAPOS ANG CHAPTER TUWENIEYT! SALAMAT PO ULIT SA PATULOY NA PAGBABASA ALA UNA NA NG UMAGA PERO GORA PA RIN PARA SA INYO. I LOVE YOU NGA NONAT KO!!! HART HARTTT

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon