Chapter 46

691 39 1
                                    

                Lei's Point of View

Ako si Adelaide at Zayn ang natira dito sa baba dahil kaming tatlo ang magkakapartner. Bawat floor kasi ay tigta-tatlo lamang kami kaya ay ang iba naming kaibigan ay umakyat na sa taas kung saan sila naka-assign.

“So, Are you guys ready? Let's start na.” Pangunguna ni Ade.

“I'm ready!” Sambit ni Zayn sabay ayos ng kan'yang t-shirt.

“Ako rin! Handa na ako!” Ani ko naman.

“Sa lahat ng parte ng bahay na ito, Dito sa first floor ang may pinaka-malawak kaya kailangan nating maghanap ng maayos.” Ani ni Ade.

“Eh teka sa sobrang laki nito saan tayo magsisimula?” Pagtatanong ni Zayn.

“Saan nga ba? Siguro sa Swimming Pool Area muna?” Pagsu-suggest ko.

“Yes, you're right, Lei! Sa labas muna yung unahin natin sa Swimming Pool Area muna tayo tapos after doon ay sa garden naman at kung saan yung sasakyan ni Dave.” Ani ni Ade.

“Well, Let's go.” Pagsingit ni Zayn.

Agad na kaming tatlo pumunta sa Swimming Pool Area dahil doon kami magsisimulang maghanap.

Ng makarating na dito ay agad na kaming nag-usap muli kung saan kami isa-isang maghahanap.

“We're here, So, ngayon saan tayo maghahanap?” Pagtatanong ko.

“Ikaw Zayn sa mga sulok-sulok ng bawat bagay dito sa Swimming Pool Area, Ikaw naman Lei sa part ng mga upuang hinihigaan natin marami kasing upuan dito kung saan tayo nagchi-chill, At ako naman ay iinspeksiyunin ang bawat bagay dito na aking makikita.” Seryosong sambit ni Ade.

“Sige!” Tugon ni Zayn.

A/N: Taktee hindi ko alam yung tawag sa parang upuan na naka-straight yung madalas makita sa Swimming Pools, ayun yun. Pasensiya na hindi ko talaga alam e HAHAHAAHAHA!

Agad na rin akong pumunta sa mga part ng mga upuan dito na kung saan ay madalas naming pag-chillan kapag kami'y nagpapahinga.

Nasa 6 na upuang higaan ang nandito sa Swimming Pool Area kaya ay sinimulan ko agad na maghanap ng maayos.

Pumunta muna ako sa right side ng pool kung saan ay tatlong upuan na higaan ang nakalagay inuna ko ang pang-unang upuan chineck ko ang bawat parte nito upang masiguro kung mayroon ba akong matatagpuan dito. Ng wala akong nakita ay agad naman akong humiga at tumingin sa babang parte ng upuan na ito ngunit talaga kaya ay agad na akong lumipat sa pangalawang upuan kung saan ay katabi lamang ng pang-una.

Gano'n din ang ginawa ko kanina sa pang-una, Chineck ko muna kung mayroon ba akong sakaling makikita dito at ng wala na naman sa upuang ito ay tinignan ko rin ang ilalim nito at sa kasamaang-palad wala parin akong nahanap na kahit anong bagay dito sa ikalawang beses.

Sana naman ay sa pangatlong upuan na ito ay may mahanap na ako upang hindi na kami mahirapan pa dito sa bahay na ito.

Check sa bawat gilid, Check sa bawat taas at baba ng upuan. Kapa-kapa at ang tangi ko lang nakapa ay alikabok kaya agad ko namang pinagpag ang aking dalawang kamay ng magkadikit, Pagkatapos ay check ko naman ang sa ilalim na parte nitong pangatlong upuan ngunit wala parin talaga akong nakita kahit ano maliban nalang sa sapot ng gagamba at alikabok.

Agad naman na ulit akong tumayo at pinagpagan ang aking t-shirt na nalagyan ng alikabok, Tinignan ko muna sila Zayn at Adelaide at kitang-kita mo naman na busy sila kaya ay pinabayaan ko nalang at itinuloy ang aking paghahanap.

Ngayon ay tapos na ako sa tatlong upuan sa right side. Ngayon ay nandito naman ako sa left side kung saan ay tatlo rin ang nakalagay na upuan.

Sinimulan ko naman ang paghahanap muli at sa pagkakataong ito ay nagbabaka-sakaling may makita na akong kahit maliit na bagay na makakatulong sa amin.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon