Chapter 71

663 33 6
                                    

James' Point of View

Umaga na naman. At gigising na naman kami ng panibagong araw, Panibagong araw na naman, Edi panibagong pagsubok na naman ang haharapin naming lahat.

'Yung tipong gigising ka ng malungkot kasi alam mong marami pa kayong problema na kailangang harapin, Para tuloy wala ng excitement 'yung buhay ko because of this problem.

Hindi katulad dati na mukha ni Collen ang bubungad sa akin kaya agad akong napapangiti kapag nagigising, Pero ngayon? Wala na e. Iniwan niya na ako. Ang lungkot dahil namatay siya or should i say sila ng wala man lang hustisya.

But we can do our best para mabilis malaman 'yung mga clues na binigay nila sa amin.

Bumuntong hiniga muna ako bago tumayo upang bumaba na ako gisingin na rin itong mga 'to. Tanghali na rin kasi.

Nang makatayo ako ramdam ko pa rin ang pagod kahit na'y kagigising ko pa lang. Tinignan ko rin muna sila isa-isa habang natutulog ng mahimbing.

Nalungkot ako sa mga itsura nila habang natutulog kasi pansin mo talaga 'yung sobrang pagod nila, Hindi ko na lang muna sila ginising dahil naaawa ako sa kanila at kailangan pa nila ng tulog.

Kahit nanghihina at kulang sa tulog ay pinilit ko'ng bumaba na upang makapag-kape na rin ng mabuhayan naman ako.

Pagkababa ko sila Adelaide, Vanessa at Kelly pa lang ang nandoon na nasa kusina at abala namang nagluluto.

"Good morning, girls." Bati ko sa kanila.

"Walang good sa morning, James." Ani Vane.

"Ah–eh sorry naman."

"Good morning rin." Bati sa 'kin pabalik ni Kelly.

"Good morning, Bitch. Aga mo ata magising ngayon?" Ani Ade.

"Sorry, bitch. Nagising na lang agad ako e, Malay ko ba tsaka hey! Tanghali pa ba tingin mo dito? Anong petsa na kaya!" Ani ko.

"Share mo lang?" Ani Ade.

Napakunot noo na lang ako sa sinambit ni Adelaide, Paano ba naman kasi ang aga-aga lakas mantrip. Aba'y nakakainis 'diba?

"Bitch! Share ko lang 'no! Hindi ko na lang muna sila ginising kasi ang sarap ng tulog nila at halatang pagod na pagod sila kaya hinayaan ko na lang muna." Sambit ko.

"Pero after namin magluto nito, Gisingin mo na sila ah." Ani Vane.

Tumango na lang ako at nagtimpla ng kape ko. Nang makapag-timpla agad naman akong umupo sa lamesa upang makapag-isip muna ng kahit ano.

Wala akong ginawa kung hindi ay ang tumingin-tingin lang sa paligid at nagbabaka-sakaling may makita pa ako habang nagkakape.

Sa ilang minutong pagtitingin sa paligid e wala naman akong napala nagmukha lang akong tanga pero okay lang, Sanay naman ako mag-mukhang gano'n.

Biglang sumigaw si Adelaide kaya agad ko naman itong kinagulat.

"James! Tawagin mo na sila! Tapos na kami maglutooo!"

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon