Collen's Point of View
Mahimbing akong natutulog dahil ang ganda-ganda ng aking panaginip ngayon kasama ko daw kasi si Katy Perry at nag-picture pa kami kaya ayaw ko ng magising.
Biglang nagulat ako ng may sumigaw ng malakas kaya ayun nagising ako ng wala sa oras, Syempre nakaka-highblood dahil ang ganda ng tulog ko tapos may eepal.
Tinignan ko kung saan nanggaling yung deputang sigaw na yo'n pa'no kasi epal nakakainis.
Nakita ko si Zayn, Oo. Boses 'yun ni Zayn kaya siya ang sumigaw, Bakit kailangan pa'ng sumigaw e magkaharap lang naman sila hindi naman ata bingi si Lei e! Nakakainis naman ang aga-aga. Damn it!
Sinigawan ko si Zayn dahil ang ingay-ingay e ang aga-aga tulog pa mga tao. Sayang ang ganda na sana ng panaginip ko. Ang epal kasi nito e! Nakakainis!
Ako pa ang sinisi niya dahil daw tanghali na hindi pa rin ako gising. Wow ha? kasalanan ko pa ba?! E siya ang ingay-ingay nakakainis na umaga tuloy ang bumungad sa 'kin. Errrrrr.
At dahil ayoko'ng ma-highblood ngayon ako nalang yung nag-adjust lagi naman e tss! Iniwan ko na sila sa silid at ako'y bababa na para maka-almusal.
Bumaba na ako at pag ka baba ko sumalubong sa akin si Shan na papunta sa taas."Hi! Gising kana pala! Akala ko gigisingin pa kita e! Hihihi, Good morning bebe Collen ko." Nakangiting sambit niya sabay kiss sa 'king pisngi.
Medyo nawala ang galit ko dahil sinalubong ako ni Shan ng gan'to ewan ko ba. Ngayon lang naman yan naging gan'yan sa 'kin siguro masaya ang tulog niya kaya gan'yan siya. Binati ko rin naman siya pabalik.
"Good morning din Bebe Shannn!! Ano'ng gagawin mo sa taas? Ikaw lang ang mag-isa ang liit mo pa naman pero cute ka pa rin naman hihihi." Ani ko sabay tawa na parang tanga lang.
"Cute naman hehehe. Aakyat ako sa taas para gisingin yung magagaling mong kaibigan dahil anong petsa na tulog pa rin sila tsaka umaga naman kaya kahit akong mag-isa lang." Aniya.
"Ah ganun ba. Sige, Shan gisingin mo na sila at ako'y maghihilamos na para maka-almusal na tayong lahat." Ani ko.
"Sige, Bebe." Aniya at umakyat na sa taas para nga matawag at magising na ang mga iba naming kabigan na tulog pa.
Dumiretso na ako sa kusina at hindi na pinansin ang mga iba kong kaibigan dahil may pinagkaka-abalahan sila sa sarili nilang buhay. Hindi ko rin naman hobby ang mangealam ng mga buhay nila kaya dedma nalang ako at dire-diretso sa kusina.
Naglakad ako ng pang-model habang papunta sa kusina kasi trip ko lang with matching ikot ng katawan sabay pagpunta sa lababo pose.
Hawak ulo pose. Duck face pose. Hawak buhok pose with hangin effect. Upo in the lababo at ngiting tagumpay pose. Naka-fierce with hawak buhok pose. kunwari may camera kaya pak ganern!
"Umayos ka nga, Collen! para kang tanga diyan naka-drugs ka ba? ang aga-aga hays." Ani naman ng epal na si Kelly.
"Tss. Ano ba Kelly! Nagpa-practice lang naman ako mag-pose pake mo ba? Hayss isa ka ding epal e makapag-hilamos na nga lang." Naiiritang sambit ko sa kan'ya.
"Maghilamos ka nalang kaysa sa mag-pose ka d'yan muntanga lang 'te?!" Aniya.
Hindi ko nalang siya pinansin dahil pare-parehas naman silang epal kaya naghilamos nalang ako.
At dahil wala pa sila nagkusa nalang akong maglagay ng mga pinggan at kung ano-ano pa sa lamesa para naman ready na sa mga Senyorita at Senyorito dito.
Medyo umingay na dahil ang mga iba ay pumunta na dito upang kumain at ako naman ay umupo nalang agad at kumuha na ng aking pagkain. Ang bagal nila e mauuna nalang akong kumain. Wapakels. I'm so gutom na kaya i will eat na at walang makakapigil to me hihihi.
Ilang minuto din ang lumipas at dumating na ang iba kaya kompleto na kami. Ay oo nga pala kulang kami ng isa kasi wala na si Belle.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na agad ako sa salas pero joke lang naglinis muna kami ng mga pinagkainan namin baka kasi magreklamo nanaman sila kaya nagkusa nalang akong tumulong.
At pagkatapos nga no'n ay pumunta na talaga akong salas at nag-selfie muna sabay post sa Instagram para naman dumami na followers ko do'n.
Ilang minuto ang lumipas at biglang nakaramdam ako ng init sa aking katawan dahil nga sa init ng temperatura ngayon. Kaya naisipan ko'ng maligo muna para makapag-selfie ulit at ma-post sa Instagram.
Umakyat muna ako sa taas para makuha ang aking towel sa silid namin ni James.
Natulog ako kagabi do'n sa silid nila Shan kasi may ginawa kaming importante at hindi ko naman namalayan na nakatulog na ako kaya ayun. Pero okay naman ngayon si James wala naman masamang nangyari kaya okay na.
Binilisan ko lang ang pagkuha ng towel sa silid namin sabay takbo ulit pababa para akong aso na hingal na hingal pagkadating ko sa baba pero dedma nalang dumiretso nalang ako sa CR dahil gusto ko ng maligo para maging fresh na ako.
Pagkapasok ko ay binuksan ko agad ang tubig upang maipon sa bathtub pinabayaan ko muna ito nagsalamin para maghilamos ulit ng aking mukha.
No'ng mapuno na ito pumunta na ako at nagchill muna. Nakahiga ako habang nakapikit na nasa bathtub para mas lalo kong maramdaman ang tubig na malamig na dumadaloy sa aking katawan.
Mga ilang minuto ang lumipas ay may narinig akong yapak kaya bigla akong napaupo at tingin sa pintuan kung may tao ba doon.
Tinignan ko ng mabuti ngunit wala naman kaya dedma nalang ako baka may nahulog lang na gamit sa labas.
Ipinikit ko ulit ang aking mata para matuloy ang aking pagchi-chill nang may narinig ulit akong yapak na mas malakas kaysa sa una kong narinig. Medyo kinabahan na ako kaya binuksan ko na ang aking mata.
Pagka-bukas ko ng aking mata ay may nakita akong babae sa aking harapan halos magkadikit na ang aming mukha sa sobrang lapit.
Namumula ang kan'yang mukha puro dugo din ito at ang creepy ng kan'yang pagngiti.
Sa puntong ito wala na akong ibang nagawa kundi ang matulala at halos tumulo na rin ang aking mga luha.
Katapusan ko na at wala na akong magagawa, Bakit ako pa ang sinunod? Dahil ba wala akong kwentang anak at kaibigan? Deserve ko ba 'to kaya ako ang sinunod?
Sinakal niya ako ng sobrang higpit, Pinipilit ko'ng tanggalin ang kamay niya para mapigilan siya ngunit wala na akong lakas. Nabitawan ko ang kamay ko sa kamay niya dahil hindi ko na kaya. Hindi na rin ako makahinga kaya ilang minuto nalang ay mamamatay na ako at mawawala sa mundong 'to.
S–sorry Mom at D–ad. Unti-onting lumabo ang aking paningin at yan lamang aking huling nasabi at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.
A/N: 2 tao na ang nawala nakakalungkot man isipin. May you rest in peace, Collen Devarra. Btw salamat po ulit sa patuloooooy na pagbabasa. Sa tingin niyo sino kaya ang susunod? Well. stay tuned mga nonats!
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...