A/N: 3 Down. Who do you think is the next victim..?P.S: WE ARE RANK#74 IN MYSTERY/THRILLER! I JUST WANNA SAY TO ALL READERS THANK YOU SO SO MUCH!! I LOVE YOU ALL!!! WE DID IT! SANA AY TUMAAS PA ^_^
***
Lei's Point of View
Ng matapos ni Adelaide reply-an si Shan agad na ulit kaming tumungo sa Garden upang doon naman maghanap dahil tapos na kami sa Swimming Pool Area na walang nahanap. Hays!
Sa ilang minuto ay nakarating na ulit kami dito. Pansin mo naman kung gaano katahimik ang paligid dito sa Garden kitang-kita mo rin kung gaano kaga-ganda ang mga makukulay at magagandang uri ng mga halaman at bulaklak.
“Medyo maliit lang naman itong Garden kaya ay kahit isang tao ay pwede dito.” Ani ni Ade.
“Tapos yung dalawa sa labas ng Garden.” Pagpapatuloy niya.
“Huh? Eh ang laki-laki kaya nito, Ade.” Sambit ni Zayn.
“Eh kung dalawa kasi diyan ay matatagalan pa tayo baka nakakalimutan niyo sa labas pa lang tayo wala pa tayo sa loob kaya kailangan nating kumilos ng mabilis.” Pagtataray niya.
“Zayn, Ikaw nalang diya sa loob.” Sambit niya.
“Tapos si Lei sa labas banda. Ako naman sa labas ng side ng Garden.”
“O-okay sige. Saan ba muna tayo magsisimula?” Pagtatanong ni Zayn.
“Sa right side muna tapos kapag natapos ka na ay magsalita ka lang dahil rinig naman sa labas.” Aniya.
“Okay, sige.” Sambit ni Zayn.
“Lei, Doon na banda sa labas wag ka lang lalayo ha?” Ani ni Ade.
“Oo.” Tugon ko at umalis na sa loob ng Garden dahil si Zayn lang naman ang naka-assign sa loob.
Ng makalabas kami sa Garden ay tinuro ni Ade kung saan ako banda.
“Dito sa entrance ng Garden, Lei. Dito ka lang maghanap.” Aniya.
“Ah, sige Ade.” Sambit ko.
Agad naman na akong nagsimula, Kung sa kabilang side ng bahay ay Swimming Pool Are dito naman sa side na ito ay ang Garden, Well, medyo may kalakihan din kasi itong Garden tapos tatlo lang kaming naghahanap dito, Pero kahit na ay gano'n kaya parin naman namin.
Ngayon ay nandito ako sa pinaka-front or entrance ng Garden medyo malaki rin ang bawat sulok dito kaya ay kailangan ko'ng maghanap ng maayos.
Inumpisahan ko ng maghanap dito banda sa gilid ng bahay, Hindi lang kasi sa Garden ang may mga halaman pati na rin sa Bawat gilid ng bahay pati na rin sa harap ng gate kaya sa tingin ko ay matatagalan kaming maghanap.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...