Zayn's Point of View
Nakaupo pa rin kami ngayon sa salas habang nag-iisip sa kung paanong paraan namin malalaman ot makikilala ang killer.
"Guys p'wede ba'ng magluto muna ako? Mukha na kasi tayong balisa at namamayat na dahil hindi na tayo nakaka-kain sa tamang oras. Magluluto muna ako." Ani ni Kelly.
"Oh, sige lang samahan na kita, Kels, Vanessa and Shan magpahinga muna kayo ha? Kayo naman boys tumulong rito yung iba bahala na." Ani ni Ade.
"Sige lang, Girls." Sambit ko.
Umalis na sila Kelly at Shan upang magluto muna ng aming tanghalian dahil totoo namang namamayat na kami dahil wala sa tamang oras ang pagkain namin.
"Bro's punta tayo sa Swimming Pool Area! Tara jamming muna tayo." Pagya-yaya ni Lei.
"Tara James! Ano? G!" Ani ko.
"Tagal na rin natin hindi ito nagawa ah? Well, sige! Tara!" Aniya.
Pumunta na kaming Swimming Pool Area upang mag-jamming dahil nga matagal na naming hindi nagagawa ito.
Sa paraan na lang pala na ito ako magiging masaya. Kasi ito naman talaga ang gusto ko.
Inumpisahan ni James na patunugin ang kan'yang gitara si Lei naman hindi niya kayang dalhin dito yung Kit Drum niya kaya taga-hampas na lang siya ng box na malaki na maganda naman ang tunog.
"Kahit ano na lang kantahin mo, Zayn." Ani ni James.
"G!"
Nagstart na silang patunugin ang mga instrumento nilang hawak.
Kaya ay sinimula ko na ring umawit.
It's been a long day without you, my friend...
And I'll tell you all about it when I see you again...
We've come a long way from where we began...
Oh, I'll tell you all about it when I see you again...
When I see you again....
Pagkatapos no'n ay agad naman akong napaluha sa aking kinanta dahil relate ako/kami sa kantang 'yun para 'yun kila Belle, Collen, Dave at Steve na namatay naming mga kaibigan.
"Mga pre hindi ko na rin kaya dito. Suko na ako." Ani ko.
"Kahit ako rin, Zayn. Hindi ko na rin kaya dito. Nagpapakatatag lang ako para sa inyo." Malungkot na tugon ni Lei.
"Kayo lang ba? Sus! Syempre ako rin. Ayaw ko na rin. Wala na si Collen ang sakit nun mga tol, Sobra." Ani ni James.
"Kahit lalaki tayo syempre ang sakit pa rin kasi onti-onti na tayong nauubos. Ako rin naman e, Nagpapakatatag lang para sa inyo." Ani ko.
"Kailangan natin maging matapang dahil lalaki tayo, Oo, alam naman natin 'yun 'diba? Pero syempre tao rin tayo nasasaktan." Ani ni Lei.
"Kamusta na kaya si Belle? Si Collen? Dave at Steve? Nakakamiss na sila, Sobrang miss ko na sila." Sambit ko.
"Si Collen, Sobrang miss na miss ko na siya. Shit naiiyak tuloy ako." Sambit ni James.
"Naalala niyo ba guys, 'Yung kompleto pa tayo no'ng papunta dito, 'yung wala pang problema. 'yung masaya lang tayong lahat." Ani ko.
"Pero sa isang iglap onti-onti na tayong nababawasan." Ani ni Lei.
"Ang saklap kasi hindi pa naman nila oras pero nawala na sila sa mundong 'to sayang naman yung mga pangarap nila." Sambit ni James.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...