EPILOGUE

1.3K 35 19
                                    

Adelaide's Point of View

Nagising ako ng nakatali ang kamay at binti ko dito, Si Anna/Killer lang naman ang gumawa nito.

Kasama namin si Mang Feliciano na nakatali rin ang kamay at binti ng mahigpit na lubid.

Ang tanging nagawa ko lamang ay ang humagulgol habang ginagawa ni Anna ang gusto niya.

Pinatay niya si Mang Feliciano, Gusto ko man tumulong ngunit hindi ako makaalis dito dahil sa mahigpit ang pagkakatali ng lubid.

Parang nanonood ako ng live na pagmu-murder ngayon parang katulad ng napanood namin ni Vanessa sa deep web na site.

Gusto ko man tumulong pero hindi ko magawa. Kaya napahagulgol na lang ako habang nakatingin sa kanila.

Nagulat ako ng biglang makaalis si Zayn sa pagkakatali ng lubid sa kaniyang kamay at binti, Mas lalo akong kinabahan ng sinugod niya si Anna na may hawak na baril.

Teka?! Saan naman niya nakuha ang baril? Hindi kaya't nagdala siya? Or baka naman nasa likod niya? Hindi ko alam ngunit nakita ko na lang na biglang sinugod ni Zayn si Anna.

Sa kasamaang palad ay nakuha ni Anna ang baril kay Zayn at agad na ipinutok, Natamaan si Zayn sa tagiliran dahilan upang siya'y matumba kaya mas lalo akong kinabahan.

"ZAYYYNNNN!!"

Tanging sigaw lang ang kaya kong gawin ngayon habang umiiyak, Mas lalo akong kinabahan ng sumunod namang tumayo si Marlo at kinalaban si Anna.

"MARLLOOOO!!!"

Sigaw ko ng tinutukan si Marlo ng baril ni Anna, Sinampal niya ng sobrang lakas si Marlo kaya ito'y napaluhod, Ngunit hindi pa siya nadala at sinaksak rin si Marlo sa tagiliran.

Kapag nasaksak ka sa tagiliran, Halos hindi kana nito maaaring makatayo sapagkat sobrang lakas ng damage nito sa iyong katawan.

Si Marlo at Zayn ay may tama sa tagiliran kaya sila'y napahiga, Si Mang Feliciano naman ay diretso sa dibdib kaya 'wala na siyang laban pa.

Habang nagsisigawan sila Marlo at Anna napansin ko na dahan-dahang lumalapit sa akin si Zayn, Alam kong nahihirapan na rin siya ngunit pinipilit niya pa rin mabuhay.

"Z–zayn, Pakawalan mo a–ako..." Pag-iyak ko habang nakatingin sa kaniya na papalapit sa akin, Nakita ko namang tumango lang siya, Gumagapang lang si Zayn kaya medyo nahirapan na tanggalin ang lubid.

Puno ng dugo ang buong katawan ni Zayn pati na rin ang kaniyang kamay, Kahit na nanginginig ito ay pinilit niya pa rin tanggaling ang lubid sa aking katawan na nakalagay.

Tinignan ko muna sila Anna at Marlo na nagsisigawan pa rin ngayon, Kahit na nakahiga na si Marlo sa sahig ay sinasaktan pa rin siya at sinisigawan ni Anna kaya mas lalo akong napuno.

Ilang saglit lang ay natanggal na ni Zayn ang lubid sa kamay ko kahit na'y nakahiga siya.

Dali-dali kong itinanggal ang lubid sa kamay ko at sa binti, Tatayo na sana ako ngunit agad ni Zayn hinawakan ang kamay ko.

"Mag-iingat ka.." Aniya kaya napaiyak muli ako ay tumango bago tumayo upang harapin ngayon si Anna, ako naman ngayon, Grabe na ang ginawa niya kila Zayn, Marlo at Mang Feliciano.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon