James' Point of View
"Huwag kang magsalita ng gan'yan, James... Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, Baka mamaya masaktan siya at hindi magdalawang-isip na isunod ka." Ani Marlo.
"Tama naman kasi talaga ang sinabi ni Marlo! Huwag kasi kayong magsalita ng kung ano-ano! Huwag kayong bato ng bato ng salita! Lalo na ang mga masasakit na salita tungkol sa kan'ya! Hindi natin alam... Pero baka nasa paligid lang natin siya..." Seryosong tugon ni Adelaide.
Hindi ko naman kasi kaagad na-preno 'yung sinabi ko, Kaya dire-diretso kong nasabi 'yun, Hindi ko naman kasi alam na nakakasakit ng damdamin ang sinabi ko.
Actually 'wala naman talaga akong pake sa mga sinasabi ko kahit na masakit pa ito, Kapag ako nainis, Straight to the point talaga kaya i don't fucking care kung matamaan sila.
Pero parang tama naman siguro 'yung sinabi ni Marlo at Adelaide na dapat magdahan-dahan sa pananalita lalao na't nakakasakit ito.
Sa Killer ko pa naman 'yun sinabi, Pero 'wala rin naman akong pake kung nasa paligid lang siya, Pero to be honest nagsisi ako sa sinabi ko kanina kasi totoo naman talagang nakakasakit 'yun.
Nadala lang naman kasi ako sa galit kaya nasabi ko ang mga 'yun kanina, Pero promise hindi ko naman talaga sinasadya ang mga 'yun. Nadala lang talaga ako sa galit.
Kaso nga lang bigla namang nagsalita si Zayn na ituloy na raw namin ang paglilinis at agad naman na silang nagsilabasan.
Hindi muna ako nakalabas kasi nakaupo pa rin ako dito ngayon at dinadamdam pa ang sinabi nila, Paano kaya kung ako na talaga ang maaaring isunod ng Killer?
Hindi p'wede, Hindi ko p'wedeng iwanan ang mga kaibigan ko lalo na't onti na lang kami ngayon, Hindi ko matatanggap 'yun. Ayaw ko ng gano'n please naman sana hindi ako ang isunod.
Pero okay na rin, At least makakasama ko na si Collen na matagal ko ng gustong makita muli, Ang tagal na rin namin kasing hindi nagkita magmula no'ng pinatay siya ng hinayupak na killer na 'yun.
Lumabas na kami ni Zayn upang ituloy ang paglilinis dito dahil nga hindi pa kami tapos, Paano ba naman kasi sila Adelaide at Marlo eh agad na umakyat na tila hingal na hingal kaya natigil 'yung paglilinis pero ngayon tutuloy na rin naman namin.
Pagkalabas namin ni Zayn sa silid pansin na abala ang mga ito sa paglilinis kaya hindi ko na lamang itong pinansin baka mamaya magalit pa, Eh seryoso kung titignan mo e.
"Tara, Bro! Dito na lang tayo sa silid namin ni Adelaide maglinis." Pagyaya ni Zayn kaya agad akong sumunod.
Si Adelaide nasa silid namin nag-aayos ng mga gamit samantalang si Vanessa naman ay nandoon rin at nagpupunas, Oo nga pala pa rin pala kami doon tapos. Si Marlo naman ay nagwawalis dito sa labas at the same time nag-aayos rin ng mga gamit.
Pumunta na lang kami ni Zayn dito sa silid nila since busy naman 'yung iba doon sa kabila, Eh dito lang ang tanging space so it means dito kami maglilinis.
"Taeng 'to sobrang daming kalat ah? Saan tayo magsisimula nito, Bro?" Tanong ko sabay kamot ulo.
"Uhmm.... Ganito na lang walisan mo muna dito tapos ako ang magbubuhat ng mga gamit para ilagay sa labas tapos magmo-mop rin dito."
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...