Shandeia's Point of View
Ngayon ay naka-upo pa rin kami dito sa 3rd floor at medyo um-okay na rin. Ngunit bigla na lang akong may na-receive na text.
Agad ko namang kinuha ang aking cellphone upang makita kung sino ang nagtext.
Agad namang bumungad ang aming GC kung saan ay lahat kami na nandito ay kasali sa GC na iyon.
TROPAPIPS ❤
Adeng
Guys, bumaba na kayong lahat kung tapos na kayo maghanap dumiretso kayo dito sa salas.
Yan ang nabasa kong message na nagmula kay Adelaide nakita ko rin na sineen na ito ni Vanessa at Steve siguro'y tapos na rin sila maghanap.
“Guys nagchat si Adelaide sa GC, kung tapos na raw tayo maghanap bumaba na tayo.” Ani ko.
“Naiinis ako sa kanila bakit kasi kayo pa ang kasama ko ditong naghanap.” Ani ni Marlo.
“Okay lang naman 'yun sa akin Marls, Kahit masakit pinilit ko pa rin. Hayan mo na.” Sambit ni Kelly.
“Sus, kahit ako nga rin nang-gigigil dahil pinapasok pa talaga tayo sa silid nila Lei at Belle.” Pagsingit ko.
“Parang gusto ko na lang na manatili rito dahil baka hindi ako makapagpigil mamaya baka magkagulo pa.” Ani ni Marlo.
“Guys, Alam kong galit kayo pero kung kakayanin relax lang muna.” Sambit ni Kelly kasabay ng pag-tingin sa amin ni Marlo.
“Tara na guys, Bumaba na tayo. Baka sakaling may nahanap sila.” Ani ko.
Hindi ma sumabat ang dalawa at agad na lang kaming tumayo at inayos ang aming t-shirt at sabay-sabay ng bumaba.
Sa ilang minutong paglalakad ay nakarating na agad kami dito sa baba halata naman na halos lahat sila ay nandito na, Hindi ko naman mapigilan ang ngumiti ng plastik dahil sobra din akong nainis sa nangyari. Hindi ko alam kunh bakit pero hindi ko talaga kayang kontrolin ang aking sarili. Ayaw ko'ng magalit. Ayaw ko.
Napansin ko naman na nakatingin silang lahat sa aming tatlo at dinedma ko na lamang ito na parang walang pake. Umupo na lang ako sa sofa na may space agad naman akong sinundan nila Marlo at Vanessa. Ngunit hindi na kasya ang space na 'yun sa aming tatlo kaya nakatayo na lamang si Marlo.
At dahil naka-simangot lang kaming tatlo agad naman silang na-curious kung bakit kaya agad naman na silang nagtanong.
"What's the problem, guys?" Pagtatanong ni Ade.
Sa tanong na 'yun medyo uminit na ang dugo ko. Hindi ba nila talaga alamn?! Wow ha! Ang mamanhid!
"Shan? Kelly? Marlo? Okay lang ba kayo? Ano'ng nangyari?" Pagtatanong muli nitong si James.
“Hindi.” Yan lamang ang sinabi ni Marlo no'ng tinanong muli nila kung okay lang ba kasi.
Naka-simangot. Sa tingin nila okay lang kami? The fuck! Isn't it obvious?! Nakakagigil sila e.
Agad namang sumagaw si Kelly na aking ikinagulat. “Ang sakit!” Aniya.
Kahit ako ay napatahimik na lang bigla dahil ang akala ko'y mapipigilan niya ang kan'yang sarili. Pinabayaan ko na lang siya at si Marlo na sumigaw sa kanila dahil wala naman akong magagawa kung aawatin ko eh isa ako sa mga galit.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...