Chapter 99

790 24 15
                                    

Zayn's Point of View

Sa araw na ito, Sobrang dami naming nalaman na misteryo about sa nangyari dito noon.

Sa pamamagitan ng mga litratong nakita namin at pati na rin ang dyaryo ay halos alam na namin ang buong nangyari noon.

Si Anna o kaya'y ang buon pangalan ay Anna Faye Wallace ay ang Killer ngayon na nakilala namin.

Hindi mo aakalaing sa ganda niya ang magagawa niyang pumatay? Ng inosenteng tao na 'wala man lang alam tungkol sa nangyari, Pero ngayon alam na namin.

Nandito pala sila dati nakatira ng kasintahan niyang si Allen Samseon, Masaya silang naninirahan dati dito, Pero sa isang iglap ay grabe pala ang dinanas nila rito.

Si Anna ay na-raped at the same time ay pinatay. Nabasa ko na no'ng oras na 'yun ay umalis si Allen at doon na pinasok ang bahay nilang dalawa ng tatlong lalaking hindi makilala mula ngayon.

After no'n 'wala na muling balita pa sa bahay na ito, Ang huling balita lamang ay may isang matandang lalaki na nag-aalaga nito sapagkat 'wala nang pumayag pang pumunta rito

Kaya simula no'n, Pinili na lamang ng mga tao rito na manahimik na lamang at 'wag magsalita sa nakaraan nitong bahay na 'to.

"Sino ba namang hindi magugulat kung ito ang natuklasan?" 'Rining ko'ng sambit ni Marlo.

"Hindi ko 'to halos kayananin, Sobra naman pala ang nangyari dito, I just can't.... Ugh!" Tugon naman ni Adelaide.

Hindi na ako nakasabat dahil nakatitig lang ako sa mga litratong nandito sa harap namin.

Solo picture ni Anna at Allen. Tapos 'yung magkasama sila na magkayakap. 'Yung picture dito ng pamilya ni Dave na kasama rin si Mang Feliciano.

At ang nakakapanindig balahibong maraming litrato na tatlong lalaking naka mask habang nasa harap nila si Anna na umiiyak.

Mas nainis nga ako ng may nakitang picture ni Anna na umiiyak habang nakatitig sa camera na tila nagmamakaawa ngunit nangyari na ang hindi dapat mangyari.

"So it means.... After all these years, Tayo lang talaga ang pumunta dito at tumira or nagbakasyon?" Tanong ni Ade habang nakatitig pa rin sa mga litratong nasa harap namin.

"Nope.. I think 'yung pamilya ni Dave?" Ani Marlo.

"Did something bad happened to them?" Tanong ko.

"Well.. I think 'wala naman, Dave didn't told us anything bad happened here naman no'ng nagbakasyon rin sila dito ng pamilya niya." Suhestiyon ni Ade.

"Oo nga naman, Pero why is this happening to us? Bakit pinapatay niya tayo isa-isa? Did we do something wrong? I think 'wala naman... 'diba?"

"Wala naman talaga e, I'm not sure kung ano ang pumasok sa utak niya na patayin tayo rito isa-isa, All we want lang naman is to chill and rest then we'll leave pero 'wala e."

Habang nakikinig sa usapan ni Adelaide at Marlo bigla na lang ako may nakapa sa aking bulsa kaya agad akong napakunot noo at kinuha ito.

Bigla na lang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita ito, Napalunok muna ako bago ito tignan. Oo nga pala, May cellphone pala akong nakita dito.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon