Vanessa's Point of view
So ayun nga, Tinry naming i-decipher 'yung nakasulat sa papel na mga numbers, Actually hindi talaga ako magaling sa mga gan'yan-gan'yan kasi 'wala naman akong pake sa mga pinag-aaralan namin, No. I mean... nag-aaral naman ako ng mabuti pero minsan kasi kapag 'yung topic namin is boring para sa akin, Hindi ako makikinig.
Eh ayaw ko pa naman ng A.P kasi puro history lang pinag-uusapan! Eh sabi nga nila 'wag na daw balikan 'yung nakaraan pero 'wala e, pilit pa rin kasing binabalikan ang hindi na dapat, dapat kalimutan na kasi tapos na 'yun.
Ngayon alam ko na kung bakit hindi ko alam ang pagde-decipher ng mga codes, Ugh! Kasalanan ko naman talaga ito e, tamad lang talaga akong estudyante.
Sila Marlo at Adelaide pa naman ay isa sa mga magagaling kong kaklase na kaibigan. Si Adelaide lagi ang top 1 hindi 'yan nawawala sa numero unong top. Tapos pangalawa naman si Marlo kaya ayun, Edi silang dalawa na ang nakaka-alam. Sana all matalino, hyas.
Pero ganito kasi 'yun e, Kapag nag-aral ka ng mabuti 'walang mahirap na subject sa'yo kaya dapat lagi ng makinig, Hays! nagsisisi tuloy ako ngayon! Sana pala nakinig ako no'ng mga panahon na topic namin ay pagde-decipher ng code.
Gusto ko lang naman pumasok dahil sa baon pati na rin sa mga cute boys na nasa university. lol. Pero hindi ko naman ine-expect na kay Steve ako mahuhulog, ehem! Ewan ko lang talaga kung bakit pero kasi kung titignan parang si Steve 'yung ideal boy na pinapangarap ng mga girls.
Bukod sa matalino pogi pa 'yan tapos may six pack abs pa! 'diba? Kaya nga laging napapa-aga 'yung almusal ko kasi naman e! Aarrghh!
Gan'yan si Steve, Oo, matalino siya kaya nga lang tamad. I mean parang 'walang inspirasyon sa pag-aaral 'yung tipong pumapasok lang para sa attendance kagaya ng mga boys. Hays na-miss ko na tuloy sila pati na rin si Steve.
Pero kung tutuusin, Matalino naman talaga silang lahat, Hindi nga lang inaayos 'yung pag-aaral parang nga timang, Pero himala ah. Nakapasa pa sila.
Akala ko nga hindi ako kasama sa mga papasa this year buti na lang nakapasa pa! Hays nakapasa akong 'walang maalalang isang lesson man lang namin. Kapag tapos na kasi ang lesson kinakalimutan ko na.
Kaya ayun, Bagsak sa exam buti na lang source ko sila Kelly, Collen, Shan, Belle at lalo na si Adelaide.
Pasa-pasahan lang kami ng papel tapos beng! Ilan lang mali namin e HAHAHA!
Pero syempre para hindi kami mahalata iniiba namin 'yung iba naming sagot para masaya like.. 'Uy tanginers ibahin niyo 'yung iba niyong sagot! mahahalata tayo niyan!' kaya ayun iniba namin.
Kaya syempre si Ade lagi ang highest kasi siya 'yung source namin tapos kami na lang 'yung naga-adjust na ibahin 'yung iba naming sagot. O 'diba? Bff goals lang ang peeg!
"Hoooooooy! Kanina ka pa nakatulala d'yan, Vane ah? Okay ka lang ba?" Tanong ni Adelaide kaya agad naman akong natauhan.
"Ah--Eh... O-okay lang ako 'no!"
"Talaga? Eh kasi nakatulala ka habang naka-ngiti e, Ano ba nangyari sa'yo?" Tanong ni Marlo.
HAAAAAAAA?!?!?!?! WHAT THE FUUUUUCKKKKK!
WAIT......
WHAT THEEEE! Nakatulala pala ako kanina paaaaaaaa habang naka-ngiti??!! Shit! another kahihiyan na naman ang ginawa mo, Vaneeessssssaaaaaa!!
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...