Marlo's Point of View
After naming maglinis, At nakitang 'wala doon sila Adelaide sa salas pumunta na lang kami sa taas kasi sure naman na lumipat sila doon.
Nagboluntaryo kasi ako na ako na lang ang magmo-mop at si Zayn naman ang naghugas ng mga pinggan at si James naman ang nag-ayos ng lamesa at kung ano-ano pa.
To be honest, At aaminin ko na hindi naman kasi talaga ako marunong maglinis at mag-ayos ng mga tungkol sa bahay.
Pinalaki kasi akong may katulong sa bahay at kung minsan nagkukulong lang ako sa kwarto ko at manood lang ng anime or kaya maglaro ng maglaro at ka-chat si Shan.
Kaya hindi talaga ako sanay sa mga ganito, Pero sinabihan ako nila James at Zayn na kailangan kong matuto, Tinuruan pa nga muli nila ako kung ano'ng gagawin e, Pero okay rin kasi agad naman akong natuto kaya ako na lang ang nagmop sa halos buong kusina plus 'yung sa C.R pa.
Medyo nakakapagod siya, Ngayon ko lang na-realize na siguro lagi talagang pagod ang mga katulong namin sa bahay ng hindi man lang ako tumutulong, At 'wala akong ginawa kundi magkulong lang sa kwarto ko at gawin ang mga 'walang kwentang bagay.
Greatest Achievement na rin ito sa akin na makapag-linis man lang sa buong buhay ko, 'Wala namang pake sa akin si Dad e kasi busy siya sa work and si Mom?
Oh shit. Naalala ko na naman. Iniwan na kami ni Mommy when i was 5 years old, Kaya maaga akong nawalan ng ina. Pero i don't fucking care! Nandito naman si Dad para sa amin ng mga kapatid ko.
Wala na akong paki sa Mommy ko na 'walang ginawa kundi iwanan lang kaming lahat, Hindi ko alam pero nagagalit ako sa kan'ya at kahit ngayon 18 years old na ako, Hindi pa rin maalis ang sakit at poot sa puso ko.
Ewan ko ba, Sadyang hindi ko lang siguro talaga kayang kalimutan 'yun.
So, ayun na nga, Umakyat na kami sa taas upang tignan si Kelly kung okay na ba siya ay kung kamusta naman siya kasi kanina ang init-init siya and sumuka siya ng dugo.
I admit medyo nasuka at nandiri ako nung makita ko 'yun kasi naman, Akala ko kanin or whatever lang ang sinuka ni Kelly pero nung makita naming dugo pala na sobrang dami e halos hindi ko alam gagawin ko, Nakakadiri kasi siya.
Pero wala ng diri-diri pa! Nilinisan na lang namin ito at sa wakas ay natapos rin kami agad.
Tinignan namin ang silid nila Zayn at napansin na wala naman doon sila kaya sinarado na lang namin 'yun.
Next naman ay ang bukas na silid nila Vanessa kaya sure na kaming nandoon sila.
Ang yes, Hindi naman kami nagkakamali dahil nandoon nga sila.
Nakita namin na nakahiga doon si Kelly sa kabilang kama which is kama niya siguro.
Katabi niya rin doon sila Adelaide at Vanessa na nagku-kwentuhan pa sila.
Nang maka-pasok kami doon agad naman nila kaming tinignan at ngumiti, Pansin ko rin na ngumiti rin si Kelly kahit na ay hinang-hina na siya at namumutla.
Nagtanong-tanong kami sa kan'ya nasagot niya rin naman ito.
Pero nawe-weirduhan ako kay Kelly kasi 'yung mga lines niya para namamaalam siya? Ewan ko ba, Puro kasi siya 'Masaya akong nakilala ko kayo, pati na rin ikaw at ikaw thank you sa lahat achuchcuhu' kaya medyo napakunot noo ako doon, Pero hindi ko na lang pinansin, Baka trip niya lang 'yun sabihin sa amin kasi nandito kaming lahat sa tabi niya at binabantayan siya.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...