Chapter 38

717 37 5
                                    

               Dave's Point of View
                   

Habang napagpasiyahan naming magpahinga muna sandali ay naisipan ko namang linisin ang kotse kong matagal ko ng hindi nalinis magmula no'ng pumunta kami dito, Kawawa naman kasi ang kotse ko dahil parang luma na tignan dahil sa hindi nalinis kaya nilinisan ko muna ito dahil oras naman para magpahinga.

Nakaka-stress na rin kasi dito dahil marami kaming kailangan gawin lalo na ang problema kay Mang Feliciano at lalo na ang pagkapatay namin dito isa-isa.

Nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta muna ako sa labas upang linisan ang aking kotse at agad naman silang pumayag dahil nga oras naman upang kami'y magpahinga.

Habang ang iba ay nasa Swimming Pool Area Halos lahat na ata sila nandoon na lumalangoy at kumakain at kung ano-ano pa ang ginawagawa nila, May natira rin naman sa loob. At ako ay nandito lang sa labas kasama ang aking kotse upang linisan.

Ipinasok ko muna ang susi upang bumukas ang sasakyan ko. Pagkatapos non ay pumasok na ako sa loob at tinignan ang bawat sulok kung may sira ba. Ngunit wala naman akong napansin na may sira dito kaya agad na akong lumabas upang simulan ng linisan ang aking kotse.

Pinasok ko sa gripo ang hose at inikot-ikot upang mahigpit ito at para hindi matanggal. Inumpisahan ko ring buksan ang gripo upang malinisan ko na anh kotse ko.

Since mahaba naman ang hose ay hinila ko pa ito papunta sa kotse ko.

Ng okay na ang lahat ay sinarado ko muna ang kotse ko pati na rin ang bintana upang hindi pumasok sa loob ang tubig at para ay maka-simula na akong maglinis.

Binasa ko na ang lahat ng parte sa labas ng aking sasakyan upang malinisan na. Pagkatapos kong basain sa bawat sulok ng labas ng sasakyan ko ay agad ko ng kinuha ang sponge na may sabon upang ipahid sa aking sasakyan.

Natapos ko ng sabunan ang unang parte ng sasakyan kung saan ka tumitingin kapag ika'y nagda-drive. Ngayon naman ay papunta na ako sa likuran ng kotse ko dahil ito ay aking isususnod na sasabunan upang mapabilis na.

Ng makapunta ako likod na part ng aking kotse ay bigla nalang tumaas ang aking balahibo at napako sa aking kinatatayuan dahil may nakita akong babaeng nakangisi at tanging puti lang ang kan'yang damit ngunit ito'y puro dugo at may kahabaan ang kan'yang buhok hindi ko man gaanong makita ang kan'yang mukha pero kita ko ang isa niyang mata na pulang-pula na.

Sa puntong ito ay wala talaga akong nagawa dahil sobrang natakot ako at nagulat sa kan'yang mukha. Grabe nakakatakot siya. Sa tingin ko ay siya ang tinutukoy ni Marlo. Oo, siya ang killer. Ang mukha niya ay tila pamilyar sa akin at parang nakita ko na siya dati. Ngunit hindi ko maalala kung saan at kung kailan basta ang alam ko lamang ay nakita ko na siya.. Kung gano'n sino siya?

Bigla nalang akong nabuhayan kaya agad naman akong nagsalita.

“S–sino ka?! H–hayop ka! Pinatay mo ang nga k–kaibigan ko! Hayop ka! D–demonyo!” Pasigaw kong sambit sa kan'ya at sa tingin ko ay hindi ito maririnig ng aking mga kaibigan dahil nagpapatugtog sila sa speaker ng sobrang lakas.

“S–sino ka!! Su–sumagot ka!” Muli kong sambit sa kan'ya.

Wala akong narinig ni isang salita na lumabas sa bibig niya at posisyon niya ay nakangisi pa rin sa 'kin at nakatingin ng diretso. At ang hawak ko namang sponge ay nakaharap sa kan'ya kahit na hindi ito matulis ay hinarap ko pa rin ito sa kan'ya dahil ito lang ang aking hawak ngayon.

Dave.......”

Isang matigas na tinig ang aking narinig na tila sobrang nagpataas ng aking balahibo at onti-onti ng lumalamig ang kamay ko at agad namang umagos ang aking mga pawis sa aking katawan. Hindi na ako mapakali dahil sobrang na akong nanginginig sa takot ang mga tuhod ko naman ay nanginginig na rin at maya-maya ay maaari na akong matumba ngunit pinipilit ko pa rin tumayo.

“S–sino ka! Gago ka! Ha–hayop ka!” Pasigaw ko muling sambit sa kan'ya at nag-umpisa ng tumulo ang mga luha ko hindi ko alam kung bakit siguro ay katapusan ko na kaya ako napaiyak nalang bigla. pero hindi pwede. lalaban ako.

Agad niya akong sinakal ng sobrang higpit at halos mabuhat niya na ako dahil sa sobrang higpit nito at hindi na ako makahinga dahil wala ng hininga ang lumalabas. Ngunit agad niya akong itinapon sa damuhan sobrang sakit sa likod ko lalo na sa aking ulo dahil sa ulo ko ang may mas malakas na damage kaya nahihilo na ako at blurred nalang ang aking nakikita, Ngunit kahit gano'n ay pinilit ko pa rin ang tumayo habang hinahabol ang aking hininga ngunit hindi ko na kayang makatayo dahil ako'y natutumba at hindi ko na kayang i-balance ang aking sarili.

Naramdaman ko naman na agad niya akong sinaksak sa tiyan ko na sobrang hapdi halos mapakagat nalang ako sa aking labi at tinitiis ang sakit nito hinawakan ko lang ang aking tiyan ng mahigpit upang hindi ako maubusan ng dugo ngunit agad niya ulit akong sinaksak sa aking binti na halos hindi ko na talaga kinaya at pagkatanggal niya nong kutsilyo ay lalo pa itong sumakit kaya napaubo nalang ako ng may kasamang dugo. Hindi ko na kayang lumaban sa kan'ya dahil walang-wala na talaga akong lakas.

“P–pagbabayaran mo... i–ito..” Ito nalang ang aking tanging nasabi sa kan'ya at umubo ulit ako ng sunod-sunod na may kasamang dugo.
Hindi ko na nakayanan pa kaya nabitawan ko na ang aking kamay ko sa aking tiyan at hiyaan nalang na umagos ang dugo ko.

Ang lungkot ng aking pagkamatay dahil sa tingin ko ay hindi ito mabibigyan ng hustisya at mahihirapan na naman ang aking mga kaibigan na ayusin pa ito dahil isa-isa na talaga kaming nauubos. Sana ay hindi sila sumuko at kay Kelly naman, Sana ay hindi siya mai-stress na ngayon ay mawawala na ako. Alam kong matapang si Kelly kaya kayang-kaya niya ang lumaban ng wala ako sa kan'yang tabi. Habang sila ay nagsasaya doon hindi nila alam kung ano na ang nangyari sa akin. Ang lungkot dahil nagsasaya sila ngayon tapos mamaya ay bigla silang malulungkot dahil ay makikita nila akong nakahiga dito na wala ng buhay. Sa pamilya ko naman ay nagpapasalamat ako sa kanilang ginawa.. Sa lahat-lahat ng sakripisyong ginawa nila lalo na kay Mom.. hinding-hindi ko siya makakalimutan hanggang ako'y nasa langit na.. Pati na rin kay Mang Feliciano. Naging isang mabuting lolo siya akin.. Ngunit paano kung malaman niya na wala na ako? Sana naman ay magpakita na siya at matulungan ang aking mga kaklaseng lutasin ang problemang ito.. Sana ay makilala na agad nila ang killer at Sana ay mag-iingat sila palagi.. Mahal na mahal ko sila lalo na si Kelly. Lord, Ikaw na ang bahala sa kanila 'wag na 'wag mo silang pababayaan. Gabayan mo sila dito sa impyernong bahay na ito. Salamat sa lahat. Salamat Lord. Makakamit din namin ang hustisya sa pagkamatay ko lalo na ng dalawa kong kaibigan.

Hindi na rin ako makahinga at wala na talaga akong nakikita kung hindi ay isang liwanag lamang at ito'y langit. Agad na rin akong nawalan ng hininga at tuluyan ko ng ipinikit ang aking mata.

A/N: Shit. Naiiyak ako! Ayaw ko na huhu. Rest In Peace, Dave. Mahal ka namin mahal kita.

Salamat ulit sa patuloy na pagbabasa mga nonat salamat! mwah!

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon