Ngayon ay nakaupo kami sa sofa ngunit ang iba naman ay nasa tabi pa rin ni Steve kagaya ni Vanessa at Shan.
"Ano ba'ng nangyari?! 'diba kayo-kayo lang ang natira kagabi tapos kaming tatlo nila Shan at Vane umakyat na upang matulog? Bakit naganyan si Steve?" Tanong ni Marlo.
"Lutang rin ako kagabi! After niyong umakyat umalis na rin ako para makatulog na dahil lutang na lutang ako at hindi ko kaya." Sambit ko.
"H–huh? So, sino ang mga natira dito?" Pagtatanong ni Shan.
"After kong umakyat sumunod agad sa akin si Zayn, So, kung sino ang naiwan sila ang nakaka-alam kung ano'ng nangyari kagabi." Dagdag ko.
"Lutang rin ako kagabi kaya napag-pasyahan namin ni James na umakyat na rin upang matulog." Pagsingit ni Lei.
Agad akong napaisip sa mga sinabi nila. Kung umakyat sa sila Shan, Marlo, Kelly ako at si Zayn pati na rin sila James at Lei, Edi si Vanessa at Steve na lang ang natira kagabi.
"Vanessa?" Sambit ko sabay tumingin kay Vane na hindi pa rin matigil sa kakaiyak hanggang ngayon.
"B–bakit?" Aniya.
"Kayong dalawa si Steve ang natira rito kagabi, Ano'ng nangyari?" Pagtatanong ko.
Pinunasan niya muna ang kan'yang luha at humarap sa akin bago magsalita.
"Oo, kami ang natira ditong dalawa
k–kinakausap ko siya pero a–ayaw niyang su–sumagot kaya nainis ako at umakyat n–nalang, Hi–hindi ko agad naisip y–yung mangyayari, Pa–pasensiya na." Aniya habang humihikbi."Hindi mo kasalanan 'yun, Vane. Oo, lahat tayo lutang kagabi kaya pinili na lang natin ang matulog kaya yung Killer naka-chamba." Dagdag ko.
"Guys bago tayo mag-usap-usap sa nangyari p'wede ba'ng iakyat niyo muna si Steve?" Pag-utos ko.
"Alam niyo naman na kung saan ilalagay 'diba?" Dagdag ko."Vanessa, umupo ka muna rito sa sofa at tahan na baka mamaya kung ano na ang mangyari sa'yo, Wag ka mag-alala nandito pa kami, Okay?" Sambit ni Kelly habang inaalalayan si Vane sa tumayo at pumunta sa sofa.
Binuhat na rin ng mga boys si Steve at pumunta na sa taas upang dalhin siya sa silid dati nila Lei kung saan ay apat na ang bangkay doon.
Belle > Collen > Dave > Steve
Apat na ang nawala sa amin at onti na lamang kaming natutira, Hindi ko alam kung bakit isa-isa na kaming nawawala. Dahil na naman siguro ito sa aming kapalpakan dahil hindi namin naisip ang paligid, Inuna namin ang aming sarili at hindi namin alam na may naiwan pala.
Hindi naman rin 'yun sinasadya ni Vanessa na iwan si Steve dahil si Vane ay lutang rin kagabi sa awayan na nangyari. Ngunit sa tingin ko ayos na kaming lahat nila Marlo, Shan at Kelly kaya hindi ko lang 'yun iisipin.
"Shan, Halika samahan mo ako kumuha ng maliit na towel para malinis itong dugo." Ani ko.
"Sige, Ade. Tara." Anito.
Tumayo kaming dalawa ni Shan upang kumuha muna ng maliit na towel sa kusina para ipang-punas sa dugo na nakakalat sa sahig sa salas.
"Aray!!!" Isang sigaw ang narinig ko na nanggaling kay Shan kaya agad naman akong napatingin sa kan'ya.
"Shan! Ano'ng nangyari sa'yo?" Pagtatanong ko.
"Shit!" Aniya sabay napaupo sa sahig.
Tinignan ko siya na nakahawak sa kan'yang paa na dumudugo.
"What the fuck! Anon'ng nangyari sa paa mo?" Pagtatanong ko habang nagpapanic dahil baka hindi siya makalakad.
"May bubog, Ade! Mag ingat ka!" Aniya.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...