Lei's Point of View
Napansin naming umiiyak si Ade at nagsasalita habang natutulog. Hindi namin alam kung ano'ng nangyayari sa kan'ya kaya agad naming siyang pinuntahan upang gisingin.
Baka kasi nababangungot si Ade, Delikado pa naman 'yun tsaka mas masama kung matutulog kang pagod dahil may posibilidad na mabangungot ka.
Pumunta kami sa tabi ni Ade habang pinipilit siyang gisingin. Sumigaw lamang kami ng pangalan niya para marinig niya ito at magising na siya.
"Ade!" Sigaw naming lahat sa kan'ya.
Hindi naman kami nagkamali dahil agad naman siyang gumising ng umiiyak at hinihingal. Siguro nga nabangungot siya.. Ay! Hindi ko alam kung ano ba'ng nangyari sa kan'ya siguro nga mas mainam na i-kwento niya ito sa amin.
Nang kumalma si Ade isa-isa na kaming nagsimulang magtanong sa kan'ya kung ano ba talaga 'yung nangyari sa kan'ya.
Halos lahat kami ngayon ay tila nagpa-panic dahil sa mga sumunod na nangyari.
"They gave me a clue." Ani Ade.
Lahat kami ay napa-kunot noo sa kan'yang sinambit. Hindi ko malaman kung ano'ng clue ba ang binabanggit ni Ade. At tsaka sabi niya rin napanaginipan niya Sila, Wait! Who the heck is them? Sinong sila ang tinutukoy ni Ade?
Isa-isa kaming nagtanong sa kan'ya kung ano ito, Hinayaan rin muna naming mag-explain siya sa amin ng malaman namin ang kan'yang nais sabihin.
Umani ng katahimikan ang paligid naming lahat, Walang pumiling magsalita kundi si Ade lang na patuloy pa ring nagpapaliwanag sa amin.
"So, napanaginipan mo talaga sila?" Pagtatanong ni Kelly na tila sabik na sabik makinig kay Ade.
"Oo."
"We're curious, Ade. Can you please tell us the clue that they told you." Ani Zayn.
"Okay..." Aniya at humingang malalim na makapag-explain ng maayos.
"Sinabi nila sa akin ang pangalang Anna at ang Daanan paababa." Dagdag niya.
Napakunot noo na naman ako sa kan'yang sinabi, Dahil sa mga sinabi niya ni isa wala akong naintindihan at lalong hindi ko ma-gets kung ano'ng nais nilang iparating sa aming clue.
"S–sandali hindi ko ma-gets!" Pagsingit ko.
"T–teka nga! Ano rin hindi ko ma-gets, Ade." Ani Vane.
"Eh kahit ako rin naman guys hindi ko ma-gets 'yung mga sinabi nila sa akin. 'Yan nga ang dapat nating alamin." Ani Ade.
"P–pero paano natin aalamin 'yung mga sinabi nilang clue?" Pagtatanong ni Zayn.
"Mai-istressed na naman tayo nito, guys." Sambit ni James.
"Kaya natin 'to, Malalaman rin natin agad 'yung mga binigay nilang clue sa atin kapag magtu-tulungan tayong lahat." Ani Ade.
Hapon na rin kasi ngunit sabi nila kailangan na naming malaman muli 'yung mga clue na 'yun.
"Kung hindi natin agad ito malalaman, Maaaring mamamatay tayo dito isa-isa ng walang nalalaman." Ani muli ni Ade.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...