Kelly's Point of View
After naming maligo sa Pool agad na akong umahon kasi nilalamig na ako. Pati rin naman ang iba kong kaibigan ay umahon na rin dahil may gagawin pa daw at marami pang aasikasuhin.
"Hoy, Lei! Tama na 'yan tara na! Kakain na tayo." Sigaw ni Zayn.
"Oo ito na!"
Si Lei na lang kasi 'yung natitirang nasa Pool pero agad na rin siyang umahon no'ng tinawag ni Zayn.
Pumunta na kaming lahat sa kusina pagkatapos magbihis upang kumain ng tanghalian.
Habang kumakain ay agad naman akong sumingit.
"Buti na lang kahit hindi na tayo kompleto nagagawa pa rin nating maging masaya."
"Syempre naman, Hindi naman 'yung palagi na lang tayong ma-drama." Ani James.
"Kaya nga! Tsaka sana maka-alis na rin tayo dito para maging safe na tayo." Sambit ni Lei sabay subo ng kanin.
"That's the problem, We don't even know how to leave here e." Ani Ade.
"Maraming problema, Masyado ng complicated." Tugon ni Zayn.
"Eh mamaya ano'ng gagawin natin?" Pagtatanong ni Vane.
"Ayun, let's talk about this place kung paano tayo makaka-labas dito." Ani Ade.
"Eh si Mang Feliciano, guys?" Pagsingit ni Shan.
"Oh, ano'ng gagawin kay Mang Feliciano?" Pagtatanong ni Lei.
"Can we try to ask kung saan 'yung labasan dito?"
"Huwag na 'wag niyo 'yan tatanungin! Lalo na sa kan'ya! Bakit? Kasi after niya 'yun sagutin iisipin at iisipin niya kung bakit natin 'yun tinanong. So, in the end malalaman niya na gusto nating umalis dito." Seryosong sambit ni Ade na halatang hindi natawa sa sinambit ni Shan.
"Huh? Ah–eh sorry naman. Pasensiya na." Pag-uumanhin ni Shan.
* * *"So, paano na 'yan? Wala tayong magagawa." Ani James.
"Kung kakailanganing lumabas ang dalawa sa atin, Then go! Kailangan rin naman nating malaman 'yung exit dito." Ani naman ni Marlo.
"Right now? As in?" Pagtatanong ni Vane.
"Oo, Kailangang may lumabas ngayon para malaman 'yung exit." Ani Ade.
"Magvo-volunteer ako. Tayong dalawa na lang, Ade." Ani ko.
"Oo nga kayong dalawa na lang ni Kelly. Hindi naman kayo dito mawawala tsaka hapon naman oh! Mabuti kung gabi doon ako sasama." Sambit ni Zayn.
Tinignan lang ako ni Adelaide sabay tumango. Na ang ibig-sabihin ay tumayo na kami upang makalabas dito para mahanap ang labasan.
"Sige, Kelly. Tayong dalawa na lang ang lalabas ngayon." Aniya.
"Sure. Okay lang." Ani ko.
Tumayo na kaming dalawa. "I hope we can get any answers kung paano makalabas dito." Ani Ade.
"Mag-ingat kayo ha. Pasalubong na rin." Ani Lei.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Misterio / SuspensoC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...