Chapter 35

784 41 3
                                    

Agad naman kaming tumakbo ni Dave sa bahay dahil sobrang init na talaga at hindi ko na kakayanin kaya hingal na hingal akong pumasok sa bahay pati na rin si Dave.

"Ano guys? May nalaman ba kayo? Nasaan si Mang Feliciano?" Ani ni Marlo na tila akala ay may nakuha kaming impormasyon.

Tumingin naman silang lahat sa 'min ni Dave at ang expression ng mukha ko ay tila malungkot kaya agad naman ni Zayn na hinagod ang likod ko dahil siguro ay pawis na pawis ako at hinihingal.

"Oh shit, Wait lang kukuha lang ako ng tubig, Ade." Ani ni Kelly.

Agad na ulit kaming umupo at binigay na rin sa 'kin ni Kelly ang hawak niyang tubig maraming tubig ang natapon sa sahig dahil nagmamadali masyado si Kelly na iabot sa 'kin ang tubig.

"Sorry, Wala kaming nakuhang kahit onting impormasyon." Ani ko.

"Eh? Paanong wala?" Sambit ni Kelly.

Tinignan ko si Dave upang sabihin niya kung ano'ng nangyari at agad naman niyang na-gets ang tingin na 'yun.

"Pumunta kami doon sa kabilang baryo at pumunta sa bahay nila Mang Feliciano kung saan ay naroroon siya. Ngunit wala kaming nakitang mukha ni Mang Feliciano." Ani ni Dave.

"Ano'ng ibig sabihin mo?" Ani ni Zayn.

Sabi ko na nga ba ay malungkot ang madadatnan namin sa mukha nila dahil wala kaming nakuhang kahit isang katutak na impormasyon. Kaya tuloy nalulungkot na rin ako dahil mahihirapan kaming malaman ito.

"Pumunta kami doon sa bahay nila Mang Feliciano. Ilang katok na rin ang nagawa namin bago ito mabuksan ngunit isang babae ang sumalubong sa 'min. Sinabi niyang wala doon si Mang Feliciano." Ani ko.

Nagtataka namang nagtanong si Shan ngunit wala rin ako doong masasagot dahil hindi ko alam kung bakit hindi sa 'min nagpakita si Mang Feliciano.

"Mukhang mahihirapan tayong malaman ang past nito ah?" Ani ni Vane.

Tama. Mahihirapan talaga kaming malaman ang nakaraan ng bahay na ito. Hindi ko rin alam kung paano namin ito malalaman ng madalian at habang dalawa pa lang ang nawala sa 'min.

"Ngunit sa tingin ko'y nandoon talaga sa loob si Mang Feliciano. Dahil base sa aking obserbas'yon ay nangsisinungaling siya dahil in-obserbahan ko ang bawat pagkilos at pagsasalita niya." Seryosong sambit ko.

'Yun ang aking na-obserbahan sa babaeng 'yun dahil halata talagang nagsisinungaling siya dahil hindi ki pinalampas ang bawat galaw at pagsasalita niya. Nakita ko na ang kamay niya ay nanginginig at pautal-utal din siyang nagsasalita. At yung tinignan niya ako mula paa hanggang ulo ay halatang kahina-hinala. Kaya mabilis ko'ng nahalatang nagsisinungaling lang siya. Magsisinungaling na nga lang hindi pa ginalingan. slow clap kay ate.

"Ang talino mo talaga, Ade. 'no?" Ani ni Kelly.

Nginitian ko na lang si Kelly upang pagsasalamat sa sinabi niya. Dahil ako lang din naman ang inaasahan nila dito pagdating sa mga gan'yan kaya sanay na akong mag-entertain ng tao.

"I think he really knew the past." Ani ni Zayn.

Tama si Zayn. Alam na alam ni Mang Feliciano ang past nitong bahay at kung ano nga ba ang totoong mangyari dati ngunit bakit ayaw niyang malaman namin? Bakit hindi niya nalang sabihin?

"Bakit ayaw niya'ng magpakita sa inyo? 'Yun lang ang tanging tanong na bumabagabag sa 'kin." Ani ni Vane.

Hindi lang kay Vane kung hindi ay sa akin rin. Kung nandoon siya bakit hindi siya lumabas? Kung gano'n may sikreto nga talaga sa bahay na ito.

"We don't even know." Ani ni Kelly.

"Well, Walang makakatulong sa 'tin kung hindi ay tayo-tayo lang din. Kailangan nating magtulungan upang malaman agad habang wala pang biktima na susunod." Ani ni Marlo.

Tama si Marlo. Kami at ang sarili lang namin ay tanging makakatulong sa paglutas nitong problemang ito. At kailangan talaga naming magtulungan upang mabilis namin malaman.

Sumang-ayon din naman sa kan'ya si Dave. Pagkatapos no'n ay napatahimik nalang ulit kami katulad ng kanina at iniisip kung paano namin ito maaayos.

"Guys lalamig na ang niluto kong ulam. Kumain na muna tayo, Wala kasi tayong kain kahapon." Ani ni Kelly.

Binasag ni Vane ang katahimikan at agad naman napunto doon ang aming atensyon. Oo nga kahapon pa kaming walang kain dahil nawalan kami ng gana dahil sa nangyari kahapon kay Collen.

Agad naman kaming tumayo upang kumain na dahil nadatnan na rin ako ng gutom. Agad naman kaming umupo dahil gutom na kami.

"Uy, tawagin niyo muna sila Lei at James sa taas." Ani ni Kelly.

"Tara Vane tawagin natin sila." Ani ni Shan.

"Okayyy." Ani ni Vane.

Agad namang umakyat ang dalawa upang tawagin sila Lei at James, Agad naman akong kumuha ng kanin at ulam na halos mapuno na ang pinggan ko.

Na-shookt ako ng lahat sila dito ngayon ay nakatingin sa 'kin at agad ko naman silang tinaasan ng kilay dahil hindi ko alam kung ano'ng problema ng mga 'to.

"Oh, Bakit parang mangangain kayo kung makatingin ha?" Ani ko.

"Uy, Ade. Dahan-dahan lang sa kain mamaya mabulunan ka." Ani ni Zayn habang nakangiti sa 'kin at kitang-kita ang kan'yang napacute na dimple sa kanang pisngi niya. Namula ako no'n kaya yumuko nalang ako at nagsimulang kumain dahil nagba-blush ang ate mo.

"Gutom na gutom ba, Ade?" Ani ni Steve.

"Obvious ba, Steve?" Pagtataray ko.

"Malamang, Tumakbo yan kanina e kaya gutom na gutom." Ani ni Dave.

"Sino ba naman kasi ang hindi magugutom e ang sarap ng luto ni Kelly! Adobo ba 'to kaya kumain nalang din kayo mga epal." Pagsusungit ko ulit sa kanila.

"Oo nga! Ang sarap-sarap ng luto ko e! Tikman niyo kaya! Baka mamaya gan'yan kadami katulad kay Ade yung pagkain niyo." Ani ni Kelly.

"Hindi naman kami sobrang patay gutom, Kelly ano ba!" Ani ni Steve.

"Hoy! Steve hindi ako patay gutom hindi ba pwedeng gutom na gutom na gutom lang ha! epal 'to kumain ka na nga lang!" Ani ko naman sa kan'ya.

"Hayaan mo nalang kasi Steve." Patawang sabi ni Zayn kaya tinarayan ko ulit siya.

Nakarinig kami ng mga footsteps galing sa hagdan kaya malamang ay sila na 'yun.

"Oh! James kain kana! Okay ka naba?" Ani ni Zayn.

"Hmm.." Tanging nasagot ni James at umupo nalang.

Ngayon ay nakaupo na kaming lahat. Kung no'ng una ay isa lang ang bakanteng upuan ngayon ay dalawa na. Sana bukas ay 2 pa rin ang upuan na bakante dito, Dahil bawat araw kasi ay may nangyayaring masama at may namamatay. Sana naman pagpahingain kami no'ng killer. Sana wala na siyang patayin pa dahil onti nalang kami dito. At hindi namin kaya kung may mawala pang isa.

Marami na ang nagdurusa naming mga kaibigan marami na ang nasaktan at naapektuhan sa nangyari paano pa kaya kung may mabawasan pa sa amin? Sobra na kaming kulang kaya sana hindi na ulit mabawasan. Dahil hindi na namin kakayanin 'yun.

A/N: I see my future in your eyes.. Iyak nanaman ako naaalala ko na naman diyan si Crush! yan kasi yung kanta ngayon e. Lagi talaga akong naka earphones habang nagsusulat at kung saan man pumunta. skl.
Stay tuned mga nonat salamat sa patuloy na pagbabasa i love you all!!

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon