Chapter 89

561 26 5
                                    

Adelaide's Point of View

"AHHHHH!!!"

Isang sigaw na nanggaling sa baba ang aming narinig na tila pamilyar ang boses. Napansin kong boses ito Zayn kaya agad akong kinabahan.

Sinabi ko na bumaba na muna kami at iwan si Kelly at mamaya na lang asikasuhin dahil sa tingin ko mas kailangan naming tignan kung ano'ng nangyari sa baba kung saan nandoon si Zayn.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyari, Nakita na lang kasi namin na biglang sumigaw si Kelly tapos nakatingin sa harapan ng silid kung saan namin nilalagay ang mga bangkay ng mga namatay naming kaibigan.

Tapos nakita namin na nakahiga doon si Kelly sa sahig habang naliligo sa kan'yang sariling dugo, And the worst part is may naiwang kutsilyo sa noo niya dahilan upang kumalat ang dugo niya dahil ito'y umaagos.

Ngunit may narinig nga kaming sigaw sa baba kaya kailangan naman namin doong pumunta upang i-check kung ano ang nangyari.

Ang sakit isipin na iiwanan muna namin si Kelly upang tignan ang nangyari dito sa baba. Habang pababa hagdan kami huminto muna ako sa hagdan at tinignan si Kelly.

Babalik kami, Kelly.

Kahit na hindi ko gaanong makita ang paligid ng maayos pinilit ko pa ring bumaba, Natatakpan kasi ng luha ko ang mata ko kapag tumingin ako pababa ngunit nagpa-tuloy pa rin kami sa pagbaba ni Vanessa, Nauna kasi si Marlo sa aming bumaba.

Hindi ko alam kung ano'ng meron pero hindi ko na lang ito pinansin kaya dali-dali kaming bumaba.

Kahit na medyo hindi ako makakita ng maayos pinilit ko pa ring bumaba, Si Vanessa naman agad na nanikip ang dibdib dahilan upang hindi siya makahinga ng maayos kaya mas lalo na akong nagpanic.

Nahirapan kaming makababa dahil inaalalayan ko si Vanessa dahil nanghihina na siya na tila matutumba na pero patuloy pa rin siya paglalakad kaya inalalayan ko na lang siya kahit na ako'y nahihirapan ring bumaba.

Salamat sa diyos dahil nakababa na kami ni Vane at nandito kami ngayon sa ikalawang palapag kung saan namin narinig ang sigaw ng isang lalaki which is boses ni Zayn.

Dahan-dahan kaming pumunta kung nasaan sila, Pansin na nakatayo si Marlo sa pintuan at nakatulala sa loob ng silid namin ngayon ni Vanessa since 'wala na si Kelly dito na ako ngayon matutulog kasama si Vane.

Nanghihina pa rin si Vanessa dahil 'wala pa rin ang gamot niya na inutos ko kay James kaya iniwan ko muna siya dito sa labas ng silid nila at nauna akong pumasok.

Papasok na sana ako ngunit agad akong hinampas ni Marlo sa balikat ng mahina, Mahina naman 'yun kaya hindi naman masakit.

'Yung tila nagsasabi siyang 'Okay lang 'yan, Ade.' Pansin ko rin kasi na umiiyak siya ngunit nginitian niya ako kaya ako naman ay ngumiti pabalik sa kan'ya, Ang ngiti namin ay tila hindi totoo dahil sa bawat problema na aming nararating dinadaan na lang namin ito sa ngiti, Ngunit ngiting hindi naman talaga too.

Iniyuko ko ang ulo kay Marlo na sinasabing ako'y papasok na sa loob kaya agad naman rin siyan um-oo.

Pagkapasok ko inilibot ko ang mata ko at dumiretso ng lakad papaloob, Pagkatingin ko sa harap ko agad akong napatakip sa aking bibig sa aking nakita.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon