Chapter 27

1.1K 39 1
                                    

               Zayn's Point of View

Umaga na kaya ako'y nagising na ang ganda-ganda ng sikat ng araw na tila natatamaan ang aking balat para akong tangang nakangiting abot hanggang tenga kaya sa wakas naisipan ko ring tumayo at bumababa na dahil wala na rin si Ade sa higaan niya siguro maaga siyang nagising.

Pagka-baba ko ay agad akong naghilamos nakita ko namang busy agad si Kelly sa pagluluto habang ang iba ay na sa salas napansin ko ring onti pa lang sila dito kaya ay malamang tulog pa ang iba.

At habang may ginagawa sila sa buhay nagpapatugtog pa sila ng Perfect ng One Direction. Sabi ni author wag na daw yung perfect ni Ed Sheeran kasi naaalala niya dun crush niya kaya pagbigyan, de joke lang author. Balik tayo sa storya.

Wala akong magawa kaya naisipan ko'ng umakyat sa taas oo may isip ako Umakyat ako alangan naman bumaba de seryoso na talaga sorry author. Pumunta ako sa silid nila Marlo at Shan para din tignan ang kalagayan ni Lei kung okay na ba siya.

Kumatok muna ako 'gaya ng ginagawa nating lahat dito sa mundong ibabaw.

Pinagbuksan naman ako ni Marlo na halatang kagigising pa lang tinanong ko siya kung okay na ba si Lei.

"Oy goodmorning Fafa Marlo ano okay na ba si Lei? Kamusta naman lagay niya?" Ani ko habang nakangiting tagumpay pa.

"Para kang gago, Zayn. Andun si Lei nakahiga nanonood ng T.V." Aniya

Wow ha? Ang aga nanonood 'to? Well pumasok na ako ng kanilang silid para makita kung ano ang pinapanood nito at kung okay na ba siya.

Nakita kong nanonood siya ng Spambab syempre dahil slow yung mga readers ni author Spongebob yung pinapanood ni Lei, Nakita ko rin dun si Skwidward na lablab ni Author kahit na hindi naman siya lab de joke lang author lab naman kita e yieeee.

A/N: Kanina ka pa Zayn ah? Ano suntukan nalang tayo? De joke lang AHAHHAHA. (balik sa storyaaaa).

Pinuntahan ko si Lei kung saan ay tutok na tutok sa kaniyang pinapanood parang hindi na nga ata 'to kumukurap.

Tinignan ko siya as in tingin talaga hinarangan ko yung T.V para makita niya ako iwinagayway ko na rin ang aking kamay sa kan'yang mata ngunit parang kaluluwa lang ang nakikita hindi niya ako tinitignan kundi ang T.V pa rin. Sana lahat tinitignan ng seryoso de joke lang author.

At dahil nagpapapansin ako kay Lei na hindi naman ako pinapansin tinapik ko ang kan'yang balikat tinawag ang kaniyang pangalan ng malakas at baka mabuhayan siya.

"Uy, Lei!" Ani ko.

Agad naman siyang nag-react na parang gulat na gulat.

"Bakit ba, Zayn? Nanggugulat ka naman e!" Aniya habang nagkakamot ng ulo.

"Hoy ano ba naman yan, Zayn! Kailangan ba'ng sumigaw? Alam mo namang may natutulog pa dito 'diba?! Ang epal naman nito!" Ani naman ni Collen na nagising sa aking pagsigaw.

"Hala sorry na Collen tsaka bakit nandito ka?! ayaw kasi akong pansinin ni Lei e. At ikaw naman Lei!anong nanggugulat? Kanina pa kaya ako nagpapa-pansin sa'yo tas parang wala ka namang napapansin para tuloy akong tanga hays Lei." Ani ko.

"Lumipat lang ako dito dahil may importante kaming ginagawa ni Shan! Kaya nakatulog nalang ako dito bigla Hays! Makababa na nga epal kasi e!" Ani naman ni Collen na padabog pang lumabas Hayss!

"Huh? Sorry naman, Zayn. Hindi ko naman napansin e masyado siguro akong maraming iniisip pansensiya na nadamay pa tuloy si Collen." Aniya.

"Hayaan mo na si Collen tanghali na rin naman kaya dapat na ang magising, Teka ano ba kasi yang iniisip mo?" Ani ko naman.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon