Adelaide's Point of View
Sobrang lungkot ng umaga naming ito ngayon, Paano ba naman kasi bubungad si Kelly na wala na.
Nagising na lang kasi agad kami ni Zayn no'ng biglang may sumigaw kaya dali-dali naman kaming tumakbo, Tapos ayun, Nakita namin na humahagulgol si Vanessa sa harap ni Kelly 'yun pala 'wala na siya.
Kaya mas naging mabigat ang nararamdaman ko ngayon, Feeling ko nga 'wala na talagang makakatulong pa sa amin dito para makalabas.
Kami. I mean. Sarili na lang namin, Sarili na lang namin ang nag-iisang makakatulong sa sarili namin na bumangon muli at sariling tanggol na rin.
Kasi everytime na may nawawala sa amin 'wala namang nakakakita, nakakarinig or whatever. Wala. Palagi na lang kaming huli nakakarating.
Makakarating na lang kami na 'wala ng buhay ang isa naming kaibigan, Naliligo sa sariling dugo at iiyak ng todo.
Kaya nga kanina eh sobrang sakit ng nadarama mo, 'Yung tipong madudurog na ang puso ko dahil sa nangyari.
Kagabi okay pa naman si Kelly. Hindi naman halata na iiwan na niya kami kasi 'yung pinainom namin ng gamot naging okay naman 'yung pakiramdam niya tapos ngayon malalaman ko na lang na 'wala na siya, Hays. Lahat nga naman nang-iiwan.
K
aya pala medyo weird ang kinikilos kagabi ni Kelly na parang namamaalam na sa amin 'yun pala totoo talaga mga sinabi niya, Kaya pala nagpapa-salamat na sa amin kasi last day niya na 'yun, Hindi man lang siya nagasabi. Wala e, Gano'n talaga.
Hindi ko na lang pinapansin 'yung mga sinabi niya kasi akala ko nagpapa-salamat lang siya sa amin kasi hindi namin siya pinabayaan kaya hindi ko na lang 'yun inintindi kasi akala ko masaya siya dahil nasa tabi namim siya, At hindi iniwan, 'yun pala iba 'yung meaning ng lahat ng 'yun.
Kaya pala..
"Masaya ako... Masaya ako na kompleto na tayo dito... At makakatulog na ako..."
"Maraming salamat sa lahat... Sa lahat-lahat.. Naging mabuti kayong kaibigan.."
"Thank you ulit guys..."
"matulog na kayo.. Magpapahinga na rin ako.."
"Salamat sa lahat, Paalam.."
Bigla na lang pumasok sa isip ko 'yung mga sinabi na 'yun ni Kelly kagabi. Nauna na kasing umalis sila James at Marlo.
Tapos sabi sa akin ni Zayn mauuna na raw siya.
Kaya kami na lang ni Vane kagabi ang natira kagabi doon sa silid. Nag-aayos si Vane ng kama niya per ako naka-upo pa rin sa tabi ni Kelly.
"Mauuna na ako, Kels ha?" Ngiti kong sabi.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay ng mahigpit habang naka-ngiti, Bakas sa kan'yang mga mukha ang malungkot na damdamin, At namumutla pa rin siya.
"Ade... Proud ako sa'yo.. Sobra.. Sobrang galing mo sa lahat ng bagay Ade, Kaya idol kita e..." Naka-ngiti niya pa ring sambit.
"Kaya ngayon.. Kahit onti na lang kayo... Gusto ko lang sabihin na... Kaya mo 'yan, Ikaw ang inaasahan namin dito palagi, Ade. Ikaw ang matapang sa ating mga girls.. Kaya nga proud ako sa'yo e.. Kahit na onti na lang kayo... Alam ko na kakayanin mo naman 'diba? Nandiyan pa naman sila... Si Zayn.. Hayaan mo, Babawi ako sa lahat ng ginawa mo sa aking mabuti... Isa kang tunay na kaibigan Ade.. Salamat sa lahat.. Kahit na minsan baliw ako at makulit.. Kahit na matigas ang ulo ko... Hindi mo pa rin magawang magalit... Ade gusto ko lang sana na alagaan mo ang sarili mo hindi kagaya ko na ganito ang nangyari kasi hindi inalagaan ang sarili ko... Pero ikaw.. Alagaan mo ha? Ikaw ang importante sa ating lahat dito.. Nasa sa'yo palagi ang desisyon na ginagawa natin.. At hindi mo naman kami binigo dahil worth it lahat 'yun... Salamat sa lahat-lahat Ade... I love you so much.." Malungkot niyang tugon sabay yakap sa akin.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Misteri / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...