Chapter 36

806 37 0
                                    

               James' Point of View

                   

Ang lungkot ko dahil hindi ko na makikita muli ang mga ngiti at ang masungit mukha ni Collen dahil wala na siya..

Nakatulala at halos hindi ko na kayang tumaya ngayon, Nakatulala lang ako at halos napakaraming iniisip lalo na si Collen. Hindi ko kasi kaya ang mawala siya ngunit wala na akong magagawa dahil wala na ang mahal ko. Mas mainam siguro kung tatanggapin ko nalang ang pagkawala niya dahil alam kong nasa langit na siya kasama ni Lord.

Ngayon ay kasama ko dito si Lei na nalulungkot rin sa pagkawala ni Belle. 'Yung tipong nararamdaman namin ang isa't isa dahil parehas kaming nawalan ng mahal.

Umupo si Lei sa kama niya at tumulala na lang din kagaya nong sa akin.

"Alam mo James, Makaka-move on rin tayo balang araw kahit na mahirap alam kong kayang-kaya natin ang bumangon muli sa pangyayaring ito." Aniya.

At dahil parehas kaming malungkot ay nagsalita nalang din ako upang makapag-usap rin kami ni Lei.

"Hindi ko alam kung magagawa pa natin 'yun Lei. Isa-isa na tayong nauubos oh. Sa tingin mo ba may makakaligtas pa?" Ani ko.

"Kung mag-iingat tayo may posibilidad na maligtas tayong mga natira." Aniya.

"Alam mo, Lei. Parang gusto ko na ring mawala dahil wala na rin namang kwenta yung buhay ko. Sana kung may mamatay pa sa 'tin ako nalang ang isunod dahil wala naman akong kwenta." Ani ko na bigla nalang bumuhos ang mga luha sa aking mukha.

"Alam mo naman na masama ang mag-hiling ng gan'yan 'diba James? Gan'yan din yung gusto kong mangyari no'ng nawala si Belle ngunit nagpakatatag ako para sa inyo, Dahil ayaw ko ang nakikitang malungkot kayo dahil sa akin kaya naging matatag ako para din kay Belle sana ikaw din. Kaya mo yan Bro." Aniya.

"Sana nga kayanin ko, Lei. Grabe din kasi yung sakit na nadarama ko ngayon dahil hindi ko naman inaasahan na mawawala na agad si Collen, Hindi ko man lang siya nakasama sa silid namin no'ng nawala na siya. Ang unfair non. Grabe."

"Sasabihin ko sa'yo mga sinabi niyo sa akin dati no'ng gusto ko ng mawala. Una. Isipin mo ang mga taong nagmamahal sa'yo like nung mga pamilya mo. 'diba't ayaw ka nilang mawala? Sunod isipin mo kaming mga kaibigan mo lalo na ako na nagpakatatag para kay Belle. Yan lang James. Yan lang." Seryosong sabi niya sa 'kin. 

"Lagi ko yang iisipin. Salamat do'n Lei, Gagawin kitang inpirasyon para makabangon at maging matatag muli hindi lang para kay Collen ngunit para sa inyo rin." Ani ko sa kan'ya at sinamahan ko naman ito ng may ngiti sa labi.

Oo, tama si Lei dapat nga ay maging matatag at maging malakas ako dahil para naman 'yun kay Collen at sa kanila. Hindi ko dapat pinapakita na malungkot ako dahil magiging malungkot din ang mga kaibigan ko kaya kailangan kong bumangon muli. Ipapangako ko sa sarili ko 'yun hindi man ngayon ngunit darating din ang araw na magiging masaya ulit ako kahit wala na si Collen, Alam ko naman na masaya din si Collen kapag nakikita niya akong masaya. Siya kasi yung tipong susuportahan ako kung saan ko man gusto basta ay masaya ako.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Lei ay bigla namang dumating sila Vanessa at Shandeia at tinawag kaming dalawa na bumaba na upang kumain dahil sabi nila ay hindi pa kami nakaka-kain magmula kahapon. Tumayo na si Lei at nilisan ang higaan upang bumaba ngunit hinintay niya muna akong tumayo bago kami umalis sa silid.

"Okay ka na ba James? Kamusta naman ang lagay mo?" Pagtatanong ni Vane habang kami'y naglalakad pababa.

"Medyo okay na rin ako, Vane. Dahil sa tulong ni Lei." Ani ko.

"Aba mabuti naman!" Ani ni Shan.

"Ano ba yung niluto ni Kelly?" Pagtatanong ni Lei.

"Adobo ang niluto niya sinarapan niya daw 'yun para marami ang makain natin dahil kahapon ay hindi tayo kumain." Ani ni Vane.

"Aba. Paano kung hindi 'yun masarap?" Pagbi-biro naman ni Lei.

"Basta kapag luto ni Kelly ay tiyak na masarap yan, Wala ka bang tiwala sa kan'ya Lei? Nako baka kapag natikman mo yun dumami kain mo lalo na ikaw James na mas nanga-ngailangan." Ani ni Shan.

"Nako. Syempre naman kakain yan si James siya pa ba?" Sambit ni Vane.

Ng makababa na kami ay agad na kaming pumunta sa kusina at agad naman namin nakitang kumakain na sila. Kaya agad na rin naman kaming umupo upang kumain na rin.

"Oh! James kain kana! Okay ka naba?" Ani ni Zayn na kan'yang pamungad na tanong at pansin ko rin na pagkatanong non ni Zayn ay lahat sila'y biglang napatingin sa 'kin.

"Hmm.." Tanging nasagot ni ko at agad na rin umupo dahil medyo wala pa akong gana magsalita. Agad na rin naman nilang iniwas ang tingin nila sa 'kin non dahil alam nilang kakain muna ako bago sagutin ang mga tanong nila kung okay na ba ako at iba pa.

"Wow.. ang sarap nga ng luto mo Kelly! Akala ko may lason 'to e." Pagbibiro ni Lei na napatawa naman sa akin ng konti.

"Ikaw ang kapal mo talaga Lei 'no? Siguro kung nandito si Belle ay kinotongan ka na niya hays!" Pagtataray ni Kelly.

Pagkatapos ng konting asaran ay tumahimik nalang kaming kumain dahil siguro ay gutom or baka ay dahil sa nangyari kahapon kay Collen.

"Uhmm.. Lei and James may hindi pa pala kami nasasabi sa inyo." Biglang nagsalita si Steve.

Napukaw ko naman ang atensyon niya at sabay na napatingin sa kan'ya dahil may sasabihin daw sila sa 'min kaya medyo na-curious ako.

"Sorry to say but it's all about Mang Feliciano." Pag-uumanhin ni Ade.

"It's okay lang naman. Handa kaming makinig 'diba James?" Ani ni Lei at tumingin sa 'kin.

At dahil dakilang curious ako sa sasabihin nila ay sinagot ko nalang rin ito dahil gusto ko rin malaman kung ano ba ang meron kay Mang Feliciano.

"Yes. It's okay for me. Ano ba 'yun?" Ani ni na may kasamang ngiti sa labi.

"Teka, Ngayon na ba guys?" Ani ni Zayn.

"Gusto niyo na ba ang malaman ito ngayon?" Pagtatanong sa 'min ni Ade.

"Hmm.. Oo." Maikli kong tugon.

"Naisip namin ang alamin ang past nitong bahay upang malaman kung ano nga ba'ang meron at para malaman na rin natin kung bakit may pumapatay at kung ano'ng dahilan niya." Ani ni Ade.

"Naisip namin agad doon si Mang Feliciano dahil siya lang naman ang matagal nang nakatira dito at siguro ay alam niya nga 'yun." Pagpapatuloy ni Dave.

"Pinuntahan namin siya sa Kabilang baryo ngunit may babaeng nagsabing wala doon si Mang Feliciano." Ani ni Ade.

"Ngunit sa obserbasyon ni Ade ay nandoon talaga sa loob si Mang Feliciano at tila magsisinungaling lang ang babaeng yun." Ani ni Dave.

"Ang akala pa nga namin ay may makukuha na tayong kahit onting impormasyon ngunit wala pala." Ani ni Zayn.

"Kaya mahihirapam tayong malaman ito." Ani ni Vane.

"Ngunit kung magtutulungan tayo ay maaari nating malaman ito ng mabilis." Ani ni Shan.

"Isa nalang sana ang makakatulong sa 'tin ngunit tila ayaw niyang tumulong at hindi ko alam kung bakit." Ani ni Dave.

"May tinatago din siguro siyang sikreto kaya ay nagtatago siya at ayaw ipaalam sa 'tin ang katotohanan at ang nakaraan ng pamamahay na ito." Ani ni Ade.

"Yun lang ang kailangan nating gawin guys. Ang magtulungan upang malaman ang mga nangyari dito dati at para wala na ring madamay." Ani ni Ade.

"Tama nga. Pwede na kaming makatulong diyan ni James lalo na't kami ang nawalan ng mahal sa buhay." Ani ni Lei.

"Oo nga. Okay lang sa akin. Don't mind me guys." Ani ko.

"Sige. Ngunit tapusin muna natin ang kumain." Ani ni Kelly.

A/N: Chapter 36 doneee! He giving me dat gud shiit that make me not quit dat gus shittt Oh he give it to me everyday everyday everyday he give it to meeee... ajuju. Yan kasi yung song ngayon. HAHAHAHA So ayun nga bukas naman ulit ang isang Chapter. salamat ulit sa lahat. Stay Tuned nonats!

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon