Zayn's Point of View
Habang nasa silid ako nila este namin kasi nga 'diba lumpit na ako? So it means namin na.
So ayun nga, Habang nandoon ako sa silid namin nililinis muna ang mga dumi-dumi pati na rin ang kama ko.
Paano ba naman kasi burara 'tong mga boys ni hindi man lang naglinis dito kaya ang kapal-kapal ng alikabok na nililinis ko. Partida hindi pa ako tapos maglinis.
Gwapo na, Matalino na, May 6 pack abs at Masipag pa. O, Sa'n ka pa?
Pinupunasan ko ngayon ang maliit na lames dito sa gilid kasi marumi ng biglang.
"GGGUUUUUYYYSS!"
Isang sigaw ang narinig ko mula sa labas kaya agad akong napatayo pero pakshet bigla akong nauntog ng malakas.
Abayga!! Nakayuko nga pala ako, Tae naman kasi kinabahan ako bigla kaya nauntog ako what the fuck ang sakiit!
Kaya ayun nagdahan-dahan kong itinaas ang ulo ko sabay upo at hawak dito, Ang sakit kasi talaga huhu.
Napatingin na lang muli ako sa labas sabay tayo, Pagkatayo ko nahilo ako 'yung biglang naging black ang paningin ko kaya hinawakan ko ang mata ko sabay pikit.
Sa ilang segundong pagtakip ko sa aking mata agad ko na itong tinanggal at nagbalik na ang paningin ko, umiling muna ako at humingang malalim bago lumabas.
Pagkalabas ko nakita kong nakatayo sila Vanessa at James sa harap ni Adelaide at Marlo na nakaluhod at umuubo.
Agad akong napatakbo sa kanila upang itayo sila, Abayga! Eh tinignan lang naman ng dalawang ito sila.
"Uyy! Tumayo kayo! Ano'ng nangyari?!" Tanong ko at inalalayan muna si Adelaide tumayo at si Marlo.
Ubo pa rin sila ng ubo ngayon habang tinatakpan ang bibig at ilong.
"Hoy! Tulungan niyo sila! Mga ugok talaga 'to tinignan lang imbes na tulungan!" Sigaw ko kaya agad naman sila James at Vanessa lumapit upang alalayan ang dalawa.
"Sorry naman! Na-shookt lang naman kasi kasi kararating lang nila tapos biglang sumigaw then ubo!" Ani Vane.
"Kaya nga naman! Sorry na!" Isa ring sigaw ni James.
"Ah bastaaa! Dalhin na niyo na lang muna sila sa silid niyo Vanessa." Utos ko na mala Adelaide lang.
Agad naman nila itong sinunod at pumasok na sa silid nila Vanessa sabay sara. Naiwan muna ako dito upang itayo ang mga bagay na natumba kanina.
Napaubo na lang rin ako dahil sa deputang alikabok na ito at inayos muna ang mga natumbang gamit at agad na sumunod sa kanila.
Pagpasok ko pansin naman na okay na ang dalawa which is Marlo and Adelaide.
"O, Ano ba kasi talaga ang nangyari?" Tanong ni James.
"Kaya nga! Kalma lang guys, Explain niyo ito sa amin." Ani Vane.
Nakatayo parin ako dito sa harap ng pinto habang nakatingin kila Adelaide at Marlo na tila hingal-hingal na kala mo'y hinabol ng kabayo.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...