Chapter 50

681 37 0
                                    

Zayn's Point of View

Salas check! Kusina Check! At ang ibang bahagi ng bahay dito sa baba. Or sa first floor. But nothin' happens.

Yep! Wala kaming nahanap kasi isang bagay man lang. I was like.. Bakit?! Masyado ata kaming pinahihirapan ah. Kasi wala talaga kahit saan. Naghanap naman kami ng mabuti pero wala talaga kaya nakakapa-nginayang!

Ngayon ay nandito kami sa Salas nakaupo sa sofa nila Adelaide at Lei.

"Tapos na kaya silang maghanap?" Pagtatanong ni Lei.

"Well, Ilang oras na rin ang lumipas, I'm sure tapos na rin sila." Sambit ni Ade.

"Tawagin na kaya natin?" Pagsingit ko.

"Sa GC natin magchat ka doon, Ade." Ani ni Lei.

"K fine."

"May nahanap kaya sila? Sana naman meron." Ani ko habang pinagdadasal na sana may nahanap sila sa ilang oras na paghahanap.

"Let's see." Tugon ni Lei.

"I already tell them na bumaba na." Ani ni Ade.

"Sana naman may mahanap talaga sila." Pahabol niya.

"Well, SANA nga." Ani ko.

Sa ilang minutong pag-uusap naming tatlo ay may narinig kaming mga tunog sa hagdan na mga footsteps. Well, sila na ata ito kaya hinintay na lang namin.

Unang nakababa sila Vanessa, Steve at James.

Agad naman silang pumunta sa amin at umupo rin sa sofa.

"Hi guys! Kamusta? May nahanap ba kayo?" Pagtatanong ko.

Nang tinignan ko sila sinalubong nila ako ng nakasimangot na mukha at tila walang salitang kahit ano ang kaya nilang mailabas sa kanilang bibig.

"Guys?" Sambit ni Ade.

"W-wala e. Pasensiya na kayo, Wala kaming nahanap sa tatlong silid sa pangalawang bahagdan." Malungkot na tugon ni Vanessa.

Akala ko pa naman ay ngi-ngiti ako sa sasabihin nila 'yun pala ay lalo akong lumungkot dahil maski sila ay walang nakitang kahit ano sa second floor.

"Sorry guys. Wala talaga e. Naghanap naman kami ng maayos ngunit wala talaga." Dagdag ni Steve.

"It's okay! Kami nga rin ay walang nahanap dito but then, wag tayong mawawalan ng pag-asa." Ani ni Lei.

"Yes, right." Ngumi-ngiting sambit ni Ade.

Sa oras na 'yun may pababa na naman kaya agad kaming lahat napatingin sa hagdan. At 'yun ay sila Kelly, Marlo at Shan na sa Third floor naghanap. Papunta rin sila dito sa salas.

Pamungad naman nila sa amin ang malungkot at namamaga nilang mata, Kaya agad kaming na-curious kung bakit.

"What's the problem, guys?" Pagtatanong ni Ade.

Umupo na lang rin sila sa sofa at kitang-kita naman ang kanilang pagka-malamya. Ano kaya ang nagyari sa kanila?

"Shan? Kelly? Marlo? Okay lang ba kayo? Ano'ng nangyari?" Ani ni James.

"Hindi." Maikling tugon ni Marlo.

"Hindi? Bakit naman?" Pagtatanong ni Lei.

Tinignan ng masama lang kami ni Marlo. At hindi ko alam kung bakit. May problema ba sila?

"Ang sakit!" Pagsigaw ni Kelly na ikinagulat naman naming lahat.

"H-huh? A-anong nangyari?" Ani ni Vane.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon