Kelly's Point of View
Sa gitna ng pagdadalamhati ay nanatili parin akong matatag upang lumaban muli. Para din naman sa akin ito kaya ay nanatili akong malakas. Kahit na wala si Dave alam ko namang ginagabayan niya ako.
Sa araw na ito ay napag-pasiyahan naming mahanap nalang ng mga bagay-bagay na sakaling makakatulong sa amin upang maka-alis na sa imperyong bahay na ito.
Sa napag-usapan ay tigta-tatlo kami sa bawat silid na naka-assign at kami nila Marlo at Shan ang naka-assign sa 3rd floor kaya ay agad na kaming umakyat sa taas upang makapaghanap.
No'ng nandoon na kami nag-usap muna kaming tatlo.
“Ano ang uunahin natin, Guys?” Agad na tanong ni Marlo.
“Sandali lang. Kahit ba ang silid nila Lei dati ay papasukin natin? Eh sobrang masangsang na talaga ang amoy doon at hindi ko kakayanin.” Sambit ni Shan.
“Hindi ko kayang makita si Dave na wala ng buhay.” Ani ko.
“Sandali, Dala niyo ba ang cellphones niyo?” Pagtatanong ni Marlo.
“Oo.” Sambit ni Shan.
“Itext mo si Ade at itanong mo kung papasok parin ba tayo sa silid nila Lei dati at kung papapasukin ba si Kelly doon.” Pag-utos niya.
“Sige sandali lang.” Ani ni Shan at inilabas na ang kan'yang telepono.
Agad naman kaming lumapit kay Shan upang makita ang kan'yang ise-send kay Ade.
Agad niya namang pinindot ang Messages upang makapag-text.
“Ade si Shan ito nasa 3rd floor kami ngayon nila Marlo at Kelly papasok parin ba kami sa dating silid nila Lei? At tsaka paano si Kelly ayaw niya daw kasing makita ang bangkay ni Dave.”
“Ano guys ito lang ba? Isend ko na ba?” Pagtatanong niya.
“Sige, Okay na yan hintayin nalang natin ang reply ni Ade.” Ani ni Marlo.
At hinintay nga namin ang responce ni Ade na nasa baba. At hindi katagalan ay agad naman tumunog at telepono ni Shan at sa tingin ko'y text ito ni Ade kaya agad naman namin itong binasa.
“Yes, Papasok parin kayo doon at i-check ng maayos ang silid nila maglagay nalang kayo ng panyo sa inyong bibig upang hindi niyo maamoy ang kanilang bangkay na nabubulok na. Si Kelly naman kung hindi niya kaya pumasok buksan niyo na lamang ang pinto sa silid at siya na ang magche-check sa labas. Mag-usap kayo ng kahit ano upang alam niyo kung saan ang bawat isa. Huwag kayong maghihiwalay.”
Pagkatapos namin 'yun basahin ay agad na kaming kumilos at alam ko na rin kung ano'ng gagawin ko.
“So, Where do we start?” Pagtatanong ni Marlo.
“P'wede ba'ng ihuli nalang natin ang silid nila Lei?” Pagre-request ko.
“P'wede naman. Kung gano'n saan tayo magsisimula?” Pagsingit ni Shan.
“Sa silid nalang muna natin Shan.” Sambit ni Marlo.
“Osige. Ano pa'ng hinihintay niyo? Tara na.” Ani ko.
Agad na kaming pumunta sa kanilang silid ni Shan upang masimulan na ang paghahanap ng bagay-bagay.
“Paano ang gagawin natin?” Pagtatanong ni Shan.
“Bawat side nalang ng silid ay tig-iisa nating i-check.” Sambit ni Marlo.
“What do you mean?” Nalilitong tanong ko.
“Okay, ganito nalang. Buksan lang natin ang pintuan sa bandang side ng pintuan ay ikaw Kelly tapos dito naman banda sa bintana na side ako. Ikaw naman sa iba Shan.” Aniya.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...