Chapter 11

1.9K 69 8
                                    

             Lei's Point of View

Ang bagal naman ni Belle mag-ayos ng mga gamit niya! Kaya nagpaalam ako na mauna na ako sa baba para malibot ko 'tong buong bahay kasi parang masayang trip 'to eh! Okay lang naman kasama si Belle dito sa kwarto kaso nga lang medyo madaldal parang tanga pero cute naman siya Hahaha.

"Belle mauna na ako bumaba ah, Gusto ko na din kasi libutin 'tong bahay." Ani ko.

"Ah sige lang, Tapos ka na ba magligpit ng gamit mo?" Aniya.

"Oo, Tapos na ako." Sambit ko.

"Ah Sige, Mauna ka na susunod nalang ako pagkatapos ko dito mag-ayos." Aniya habang nag-aayos ng kaniyang damit.

"Sige." Ang tanging sinabi ko sabay umalis sa kwarto.

Si Marlo, Shan, Vanessa pa lang ang mga naglilibot sa bahay, Grabe kitang-kita mo kung gaano ka seryoso mga mukha nila Hays! Makapaglibot na nga lang din.

Una kong tinignan ang sala maraming mga frames dito ni Mang Feliciano at isang babae kung hindi ako nagkakamali asawa niya ata iyon. Ngunit may bagay na kakaiba dito, May nakita ako sa sala na bote at may mga laman na hindi ko maintindihan kung ano ang mga nasa loob nito isa-isa ko 'tong pinagmasdan, To be honest parang pangkulam ito medyo natakot ako kasi ang creepy dito ultimong pagpasok ko pa lang kanina parang ang bigat na ng pakiramdam ko..... para bang may kakaiba dito at sobrang tahimik pa, Ako kasi ayoko ng sobrang tahimik nakakabingi eh! At kung tahimik trip ko laging magpatugtog ng mga rock songs like mga kanta ni Avril Lavigne at mga banda na Paramore, The Vamps, One Direction, 5SOS at iba pa. Yes mahilig talaga ako sa mga songs. At hindi ko kayang hindi makinig ng isang kanta sa isang araw.

At pagkatapos kong maglibot sa sala di ko napansin halos lahat na pala kami nandito sa baba dami ko na atang naiisip Hay naku!

"Hi guys! Busy ata kayo ngayon? Napagod ba kayo? Well! Ako na bahala magluto ng ating dinner! Kelly Ash Sheldon nga pala your future chef!" Ani ni Kelly na ngiting tagumpay kaya lahat ng atensyon namin ay napunta sa kanya.

"Girl! Hindi ka ba maglilibot muna dito? Magluluto ka kaagad? Pwede namang mamaya na ah?" Sambit ni Collen.

"Sorry Collen gutom na daw si Dave eh, Napagod daw sa byahe kaya magluluto na ako, Wait lang guys ano ba masarap lutuin ngayon?" Ani naman ni Kelly.

"Sinigang nalang! My favorite!" Ani ni Belle.

"Wag! Bukas nalang yung sinigang! Sopas nalang!" Ani ko naman.

"Tanga! Pag almusal na 'yung sopas!" Ani ni Steve.

"Adobo nalang kaya? May chicken pa naman dito sa ref eh."
Ani ni Shan.

"Kayo na bahala guys! Busy ako dito eh Hehe" Ani ni Marlo habang pinagmamasdan ang mga bagay dito sa loob ng bahay.

Habang ang mga iba ay busy sa paglilibot sa loob ng bahay, Sila Collen at James naman ay naghaharutan hays! Kaya bagay 'tong dalawa eh! Hanggang sa muntikan ng mahulog si James sa Basement.

"Aray ko Collen! Tama na!" Ani ni James habang tumatawa.

"Hahaha! Talo ka na!" Ani ni naman Collen sabay halakhak.

"Aray!" Sambit ni James nang biglang itulak ni Collen at ng bumukas ang pinto sa likod niya.

"James!" Ang tangi kong nasabi at agad na tumakbo sa kanya para hilain ang kaniyang damit upang hindi siya mahulog.

"Pasalamat ka nahila ko agad yung kamay mo! Eh kung hindi baka matuluyan ka diyan!" Pahabol na sabi ko.

"S-Sorry James." Pautal-utal na Sambit ni Collen.

"Ano 'yan? Basement? Bakit Hindi natin agad napansin 'yan? Ano bang meron sa loob niyan?" Ani ni Vanessa habang nakatingin pa hagdan pababa.

"Kung basement nga 'yan bakit Hindi natin agad napansin kanina?" Ani ni naman ni Zaynn habang nakangisi.

"Oo nga, Bakit Hindi natin napansin?" Ani ni Steve.

A/N: Idol ko po talaga si Avril Lavigne hehehe Hi sa mga LBS dyan! Alabyuuu 💜 sorry again kung maikli. Lab ko po ang nonat sana yung nalang kinain niyo guys AHAHAH Nonat (Donut) is harrrrt!

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon