Adelaide's Point of View
Sobrang daming nangyari ngayong araw. Grabe 1 day ago si Steve 'yung nawala tapos ngayon si Shan naman? Bakit ba gano'n?! Ano ba talaga ang nangyayari dito?! Nakakainis naman! Bakit ganito na? Habang tumatagal kami rito mas bumibili 'yung pagpatay at onti-onti na kaming nababawasan.
What the hell! Hindi ko na rin alam kung ano'ng gagawin dahil stressed na stressed na rin talaga ako. Hindi ko na kaya pa, Grabe na kasi ang nangyagari ngayon sobrang lala na talaga at hindi ko alam kung ano na'ng gagawin namin.
Lahat na lang ng naiisip ko palpak. 'yung bawat rulea dito wala ring kwenta kung may maiiwan pang isa. Nakakainis naman sobra-sobra na talaga sa tingin ko kailangan na talaga naming umalis dito hangga't maaga pa pero ang problema nga lang e hindi namin alam ang palabas.
Hindi namin alam ang daan palabas ng impyernong lugar na 'to. Bakit ba kasi dito pa kami nagbakasyon! Imbis na magsaya at mag-enjoy lang kami wala e, Mas lalong na-stressed lang kami.
Grabe na nga 'yung dinanas namin no'ng school year e paano pa kaya ngayon? Mas malala pa 'to. Hindi ko talaga 'to kakayanin. Wala rin naman talaga kaming magagawa kundi ang humagulhol lang kapag may nawala ayun lang wala na.
Inakyat na rin ng mga ibang boys si Shan sa taas, binihisan muna namin siya ng mga girls dahil basang-basa siya dulot ng pagligo sa Swimming Pool.
Ngayon ko lang na-realize na siya pala 'yung nagyaya na magswimming pero narinig kong ayaw nila kaya siguro mag-isa na lang si Shan na lumangoy then ayun na do'n na nangyari 'yung hindi namin inaasahang mangyari.
Ngayon ay nandito lang kaming lahat sa salas habang nakaupo na balisa at tulala lang. Ni wala man lang kaming magawa ngayon dahil wala talaga kaming maaaring gawin.
Nabasag ang katahimikan naming lahat ng may naisipang magsalita.
"Habang patagal ng patagal onti-onti tayong nababawasan o nauubos." Ani Zayn.
"Yun nga e, Kailangan na talaga nating kumilos ngayon." Ani James.
"Ang problema nga kasi hindi natin alam kung paano sisimulan! Tama nga 'yung sabi niyo dati e! Puro na lang tayo sabi ng wala ng susunod pang mawawala pero tignan niyo naman sunod-sunod na 'yung pagpatay!" Ani ko na humihikbi-hikbi pa.
"Ade, dahan-dahan lang." Ani Kelly.
"Onti na lang tayo natitira ngayon, Grabe na guys, Hindi ko na ata 'to kakayanin." Ani Vane.
"G–guys?" Napatingin na lang kami kay Marlo na nagising na ngayon.
Agad naming pinuntahan si Marlo upang tignan kung okay na ba siya.
Inalalayan namin siyang umupo dahil parang nahihilo pa rin ito ngayon."M–marls kamusta ka naman?" Pagtatanong ni Lei.
Nagsimula na namang tumulo ang nga luha sa mata ni Marlo habang nakatingim sa aming lahat.
"Si Shan...... N–nasaan si Shan?"
Agad naman akong napatingin sa baba habang bumagsak muli ang aking luha. Hindi ko kasi kaya na nakikita ko silang malungkot.
Pinunasan ko na lang ito at tumingin muli kay Marlo na umiiyak pa rin hanggang ngayon.
"Marls nandito pa kami oh! W-wag ka namang gan'yan!" Ani ko ngunit agad pa ring tumulo ang luha ko at hindi ko na ito napigilan.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...