Chapter 43

706 37 0
                                    

Vanessa's Point if View

Sobra din akong nagsisi dahil alam kong ako naman ang may pakana kaya namatay si Dave. Paano kaya kung hindi ko sila niyayang magpahinga muna? Edi sana ay buhay pa si Dave.

Hindi ko rin alam kung bati ba ako ni Kelly dahil hindi ko siya kayang kausapin baka kasi ay magalit sa 'kin dahil nga ako ang may pakana no'ng pahinga namin. Sobra ko talaga sinisi ang aking sarili dahil naisipan ko pa ang magpahinga, Siguro ay napagod na rin kaya ay naisipan ko 'yun agad. Ngunit kung alam ko namang may mawawala sa amin na si Dave ay sana hindi ko nalang sila niyaya.

Kaya kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil ang dami kong iniisip. Unang-una na yung problema namin dito halos lahat 'yun ay sumagi sa isipan ko kagabi, Sinusubukan kong matulog ngunit ginugulo talaga ako ng aking konsesiya kaya hindi talaga ako nakatulog ng maayos. 

Halos sabay-sabay kasi ang mga problema namin dito. Alam kong pagod na pagod na rin silang lahat ngunit pinipilit parin magpakatatag para sa aming lahat.

Pati si Adelaide, Alam kong hirap na hirap na ang aking kaibigan sa kakaisip kung ano'ng gagawin namin.
Siya lang kasi ang inaasahan namin dito dahil matalino siya pagdating sa mga pago-obserba ng bagay-bagay at siya rin ang nagdedesisyon ng aming gagawin, At alam naman naming tama ang kan'yang bawat linyang sinasabi kaya ay agad naman kaming sumusumod sa kan'ya.

Kahit hindi mo tanungin ay halatang pagod na rin siya sinabihan ko na nga siyang magpahinga muna kahit ilang oras lang dahil pagod na ang utak niya, Ngunit sinuway niya lang ako at sinabing okay lang daw siya. At dahil hindi ko siya mapilit ay hinayaan ko lang dahil hindi naman ito susunod sa akin. Mas mahalaga kasi talaga sa kan'ya ang problema upang malutas daw agad at wala dapat sinasayang na oras. Oo, tama naman ngunit balisa na siya e pero lumalaban pa rin.

Hindi lang si Adelaide kung hindi halos lahat na rin kami kung makikita mo ay halos wala ng lakas at pinipilit nalang lumaban, Puyat narin dahil ang laki na ng eyebags naming lahat dahil nga ay hindi rin makatulog ng maayos, Ang iba naman ay tulala dahil sa kakaisip sa mga pumanaw naming kabigan.

Believe ako kay Lei at James pati na rin kay Kelly na pinipilit parin ang bumangon sa mundong kanilang ginagalawan na kahit ay wala na ang kanilang mga ka-partner na iba naman naming kaibigan.

Sobrang bilis ng oras parang kahapon ay buo at masaya na parang pamilya kami tapos ngayon ay nagdurusa kami sa mga sumunod na nangyari.

Sabi niya nila "Cherish every moment and every person in your life, Because you never know when it will be the last time you see someone." Na sa aking palagay ay tama. Dapat ay sulitin natin ang bawat araw na kasama natin ang mga mahal natin sa buhay, Bakit? Dahil hindi natin alam kung kailan natin sila huling makikita.

Sa umagang ito wala akong nakitang Kelly na aming cooker na halos araw-araw ay nakatambay sa kusina, Nasanay kasi ako or kami na lagi siyang nando'n dahil nga hobby niya ang pagluluto. Ngunit napansin ko naman na ang iba kong kaibigan ay gising na kaya agad na akong nagtungo sa lamesa upang maghilamos. Natagpuan ko lamang siya sa salas na nakaupo at tulala sa pinapanood na T.V siguro ay malungkot parin siya sa nangyari kahapon kay Dave. Sana ay maging okay na siya dahil kino-comfort ito nila Lei at James alam kong nag-uusap sila tungkol sa mga nawala naming kaibigan buti nalang ay matatag at malakas loob nila James at Lei kaya ay proud ako sa dalawang ito e. Napansin ko namang tumingin sa akin si Lei binati ako ng goodmorning. At siya namang nginitian ko lang at pumunta na nga kusina.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon