Chapter 76

615 23 1
                                    

Nagsimula na silang maglakad patungo sa taas upang ilagay na doon si Lei.

Habang kaming tatlo nila Vanessa at Kelly ay nanatili pa ring naka-upo ng walang emosyon.

Nakatulala lang kami at nakatingin sa dugong naka-kalat sa buong paligid namin, Kahit kami nga ay puno na ng dugo.

'Yung damit namin halos puro dugo na, Puti pa naman itong damit ko, Hindi ko alam kung matatanggal pa 'to.

Sa ilang minutong pagka-tulala namin, Bigla na lang akong napapikit ng malamim at dumilat muli.

Bumuntong hininga ako bago magsalita.

"Girls, Tara na kumilos na tayo, Marami pa tayong lilinisin."

Sa sinambit ko agad na akong tumayo, Nilapitan ko sila at inabot ang dalawa kong kamay upang makatayo sila.

Kinapitan nila ito at agad na nakatayo. Syempre pumunas muna sila ng luha.

Ngitian ko silang dalawa, Ngiting hindi ko alam kung totoo ba, Ang galing ko talagang mag-pretend kahit ang sakit na.

Humingang malamin muna sila bago magsalita. "Okay. Okay na, Tara na." Ani Kelly.

Pumunas muli si Vane ng luha. "Sige, Tara na para matapos na agad tayo."

"Kunin muna natin sa baba 'yung mga ka-kailanganin natin na pang-linis." Ani ko.

"Oh ano pa'ng hinihintay niyo? Tara kunin na natin." Ani Kelly.

Bumaba na kami, Ako ang nasa gitna habang nasa left naman si Vane at sa right si Kelly.

Naka-akbay ako sa kanilang dalawa para naman hindi nila ma-feel ang lungkot kahit papa'no.

Nang makababa agad na kaming dumiretso sa malawak na C.R upang kunin ang nga kailangan namin.

Syempre basang towel, Isa 'yan sa mga kailangan. Mop at Tubig na nasa Balde.

"W-wait lang! Ang dami naman nito." Ani Kelly.

"Para hindi na tayo mahirapan, Vane ikaw na lang 'yung magdala sa Mop at Basang towel. Kels tara buhatin natin 'to. Alalayan mo na lang kami Vane." Ani ko.

"Okay, Sige. Tara na." Ani Vane.

"Sandali lang mabigat masyado e. Wait lang." Ani Kelly at ang patunog muna ng daliri.

"Ayan okay, na. Tara na."

"Let's go." Ani ko.

"W-wait! Vane bakit ka nangunguna? Dito ka sa likod namin kaya nga aalalayan mo kami 'diba?" Dagdag ko.

"H-huh? Ah-eh sorry naman." Aniya sabay punta sa likod namin.

"Tara na!" Ani Kels.

Pumunta na kami patungong taas habang buhat-buhat ang napakabigat na baldeng may lamang tubig.

"S-sandaliiii! Ade! Baba muna natin! Shit!" Ani Kelly.

Agad naman akong napatingin sa kan'ya ng nalilito kaya agad kong binaba ang balde.

"Ano'ng nangyari Kels? Okay ka lang ba?" Tanong ni Vane na nasa likod namin.

"Sakit kasi sa kamay e, Sandali lang ha." Aniya.

"Kung hindi ka sanay, Kami na kang ni Ade 'yung magbubuhat."

"No, Hindi na Vane, Okay lang. Tara na ulit!" Aniya.

Binuhat na lang ulit namin at umakyat na sa taas.

Nang makarating sa ikalawang palapag kung saan ay doon kami maglilinis, Agad na naming ibinaba ang napaka-bigat na baldeng punong-puno ng tubig.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon