Chapter 74

672 29 6
                                    

Lei's Point of View

Halos lahat kami nagulat sa pinakita sa amin ni Marlo, To be honest gusto ko na no'ng umiyak pinipigilan ko lang kasi nakakapa-ngilabot talaga.

Sa selfie namin do'n kompleto pa kami no'n at kasama pa si Mang Feli, Tapos sa likod may isang babae.

I will describe her, Medyo mahaba ang buhok, Puti puti lamang ang suot na wala kang makikitang bakas ng ibang kulay kundi puti lang talaga.

Then nakatingin siya doon sa selfie so parang kasali na rin tuloy siya do'n, Then isang mata lang ang makikita sa mukha niya dahil natatakpan ito ng mahaba niyang buhok.

'Yung tingin sa amin tila gusto kaming patayin dahil grabe e pamatay 'yung tingin parang nagbabanta siya sa amin.

Kaya medyo nagulo ang pagpapahinga namin dahil s babaeng 'yun.

Tsaka hindi naman namin 'yun kaibigan kasi sa selfie na 'yun lahat kami magkakatabi, 'Yung sa likod lang talaga 'yun kakaiba.

Ayun napatayo balahibo ko sa nakita namin, Tapos no'ng zinoom ni James mas lalo akong kinilabutan kasi totoo ngang may kakaiba talaga sa litrato na 'yun na sobrang nakakapangilabot.

Tapos sumakto pang nag-lag 'yung laptop niya sa mukha ng nakakatakot na babaeng 'yun kaya mas lalong kumalabog dibdib ko no'n.

Sinarado na lang ni James ang laptop niya dahil wala talaga siyang magawa sa sobrang lap ng laptop niya.

Eh sabi niya naman  sa amin hindi daw 'yun nagla-lag ngayon lang daw nangyari 'yun. Kaya ayun mas nakakatakot na talaga.

"Wait guys..." Tugon ni Adelaide kaya agad napunta ang atensyon namin sa kan'ya.

"Bakit, Ade?" Tanong ni Zayn.

"Hindi niyo ba naisip..." Aniya habang nakatingin sa amin isa-isa.

Ito talaga ang hilig magpa-bitin e hindi nalang sabihin ng diretso kung ano gusto niya sabihin.

Pero siguro gusti niya munang malaman namin ang gusti niyang sabihin pero 'pag di talaga namin alam ayun, Tutuloy niya na.

"Naisip ang? Pabitin naman 'to kainis ha." Asar kong tugon.

"Sandali, 'Diba ang iniwan ni Steve na clue is Letter A? Then napanaginipan ko sila tapos sinabi niya Anna so it means ayan yung name sa letter A na 'yan. Then may babae tayong nakita sa picture 'diba? Hindi kaya..." Dagdag niya.

"

She's the killer..." Tugon ni Marlo habang nakatulala na tila wala sa sarili.

"H–uh? E–eh pa–aanong siya?" Nalilitong tanong ni Vane.

"Duh! Hindi pa ba sapat 'yung mga sinabi ko? At 'yung mga clue para hindi niyo ma-gets?" Ani Ade.

"Eh hindi naman kasi kami matalino kagaya mo, Ade kaya hindi namin ma-gets sa umpisa. I-explain mo kasi ng maayos." Ani James.

Humingang malalim muna si Ade bago muling magsalita "Okay, I'm gonna start doon sa Letter A na binigay na clue ni Steve before siya mawala, Then nanaginip ako tapos sinabi niya sa akin na Anna, So it means ayan na yung letter A then obvious naman na babae siya. Tapos sa picture na pinakita sa atin ni James na nakita noon ni Marlo, May posibilidad na ang babeng nasa picture na na kita rin ni Marlo ay ang killer." Seryosong sambit niya.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon