- 1 -

2.8K 48 2
                                    

Francine Vargas

Abala ako sa pag aayos ng aking sarili upang maghanda sa pagpasok sa eskwela.

Matapos kong ayusin ang aking lumang bag at ang mga gamit na laman nito at lumabas na agad ako sa aking silid.

"Magandang umaga po ama...ina..."

Bati ko sa aking mga magulang, na abala sa pag inom ng kape ang aking ama at ang aking ina naman ay inaayos ang hapagkainan.

"O, Ising tapos ka na pala dyan, umupo ka na dito para makapag almusal na tayo. At ng makapasok ka na."

Agad akong lumapit kay ama at humalik sa pisngi nito at ganon din kay ina bago ako umupo sa upuan para kumain.

"Ising..." Sabi ni ama habang kami ay kumakain. Sabay kaming napalingon ni ina.

"Ang pag aaral muna ang palagi mong unahin a....wag ang pag papaligaw..."

Nangiti ako sa kanilang dalawa.

"Opo ama...syempre po...dapat lamang na unahin ko ang pag aaral kasi po sa lahat po ng ginagawa nyo ni ina ay para po iyon sa akin at sa pag aaral ko po di ba. Kaya dapat lamang na galingan ko para po sa mga pangarap po natin. At saka ama isang buwan na lamang ay aakyat na tayo sa stage para sa pagtatapos ko diba po, sabi nyo po sa akin ay mag kokolehiyo pa ako..." Ngumiti sa akin ang mga magulang ko.

Alam ko kung ano ang ibig nilang sabihin. Paano ba naman nung nagdaang gabi ay galing dito si Atoy anak ng kumpare ni ama, nag paalam ito na kung maaring manligaw sa akin, pero agad itong sinabihan ni ama na di pa ito payag na maligawan ako at sinabi ko din na ayokong magpaligaw, wala pa ito sa isip ko.

Kaklase ko si Atoy pero ayoko po talagang maligawan, mabait sya at maginoo. Pero siguro dahil na rin sa kahirapan namin kaya wala pa sa isipan ko ang mga ganitong bagay, may pangarap ako para sa mga magulang ko, at kung uunahin ko ang relasyon na iyan ay baka masira lang ang aking pag aaral. At totoo din naman kasi wala din akong nararamdamang espesyal sa mga nanliligaw sa akin.

Oo, MGA nanliligaw sa akin, marami kasi talagang umaakyat ng ligaw sa bahay, pero ako na mismo ang nagsasabi sa mga ito na tigilan na ako dahil wala pa sa isipan ko ang mga bagay na iyon at ayoko talagang makipag relasyon.

Natapos ko ang aking almusal at agad na nagpaalam para pumasok na sa paaralan.

"Ising, nilagay ko na sa bag mo ang baon mo a, umuwi ka agad pagtapos ng klase at wag magpapagabi delikado..." Paalala ni Inay, araw araw nila sa akin sinasabi ito, pero kahit ganon ay hindi ako nakaramdam ng inis sa kanila ni ama dahil alam kong nag aalala lamang sila para sa akin.

"Opo inay...mauna na po ako..." Muli akong humalik sa aking mga magulang bago ko umalis.

"Mag iingat anak..." Pahabol nilang sabi nang naglalakad na ako kasama ang aking mga kapitbahay na papasok na din sa paaralan.

Muli akong humarap sa kanila at kumaway.

Ako nga pala si Francine Vargas, 16 year old, kasalukuyang nasa huling taon na sa high school. Nag iisang anak lamang ako ng aking mga magulang na sina Francis Vargas at Angeline Vargas, mayroon kaming maliit na lupain na sinasaka ng aking mga magulang. Dito lamang kami kumukuha ng pangtawid sa araw-araw.

Oo, hirap kami sa buhay, pero masaya naman ang aming pamilya.

"Oi Ising..ikaw a..." sita sa akin ni Nena.

"Bakit?" takang tanong ko habang naglalakad kami patungo sa paaralan.

"Nililigawan ka pala ni Atoy...kainis ka..." yamot na sabi nya sa akin. Mahina lamang iyon pinili namin na magpahuli sa paglalakad para hindi marinig ng mga kasama namin ang usapan.

"Ano ka ba Nena...alam mo naman na wala akong balak magpaligaw..."

"Oo nga...pero ikaw ang gusto nya...at alam mo naman na gusto ko sya..." nagtatampong sabi nito.

"Wag ka magalala, hindi ko sya sasagutin dahil kaibigan lamang ang turing ko sa kanya, alam mo yan..." sabay kindat ko sa kanya, nakita ko naman na umaliwalas ang mukha nya.

"Pangako yan a, hindi mo sya sasagutin a..." Ngumiti ako sa kanya, at tumango. Kilala ko si Nena, kaibigan ko sya noon pa. Alam ko na mahal nya si Atoy noon pa. Maliit lang ang bayan namin kaya halos lahat ng tao sa lugar namin ay magkakakilala at mabilis na kumakalat ang mga balita, maganda man o pangit.

Alas-otso na ng umaga, umpisa na ng klase, katabi ko si Nena at sa kabilang row naman si Atoy, ngumiti sa akin si Atoy ng magtama ang tingin naming, ngumiti din ako pero di kasing tamis ng ngiti nya sa akin.

Nailang na ako sa kanya siguro dahil na din sa pagtatangka nyang manligaw na pinigilan ko agad at ang katotohanan na mahal sya ng matalik kong kaibigan na si Nena.

Naging abala kami sa pag aaral, mula alas otso ang pasok namin hanggang alas singko ng hapon. Kaya ang ina ko ay di tumitigil sa pagpapadala ng pagkain sa akin para daw sa aking tanghalian at para din daw maitabi ko ang binibigay nilang pera na baon ko araw-araw.

Nang matapos na ang klase namin ay mabilis akong nagligpit ng mga gamit ko para sa pag uwi, Excited na ako sa darating na araw ng aming pagtatapos, top three ako sa klase kaya sigurado ako na matutuwa ang mga magulang ko, kaya naman iniingatan ko na mawala sa top 3, yung nasa top 1 si Jenalyn , top 2 si Rebecca, mag anak sila ng mga kilalang negosyante sa bayan, wala na kasing ibang mas malapit na paaralan kaya dito na sila nag aral, alam ko naman sa sarili ko na mas magaling ako sakanila pero syempre sa hirap ng buhay naming pag may mga proyekto na dapat bilhin ay di ko agad mabili at magawa pero pag magagawan ko agad ng paraan ay ginagawan ko agad para hindi na ako makadagdag sa problema ng mga magulang ko. Siguro kung makakayanan din namin ng magulang ko ang lahat ng mga iyon baka mataas din ang mag grado ko katulad sa kanila. Pero masaya padin ako kasi kasama padin ako sa top three kahit pa nga may mga kakulangan ako sa mga proyekto na hinihingi ng klase.

Mabilis akong naglakad palabas ng bakuran ng paaralan, di ko kasi makita si Nena agad kasi itong umalis kanina ng walang paalam.

Lakad takbo ako patungo sa aming tahanan. Para makauwi agad, malamang nasa bukid pa sila ama at ina. Malayo palang ako ay nakita ko na bukas na ang ilaw sa loob ng aming bahay. Ibigsabihin ay nakauwi na sila ama. Mabilis akong pumasok sa bakuran namin at nakita ko agad ang aking ama at ina na seryosong nag uusap sa sala habang nagkakape.

"O, Ising andyan kana pala..."

"Opo ama.." sabay lapit ko sa kanila at nagmano.

"O sya, magpalit kana ng pang bahay, at kakain na tayo..." Sabi ng aking ina kaya naman agad akong pumasok sa aking silid para magpalit.

Paglabas ko ay kumain na agad kami, mabilis akong natapos at agad na nilabas ko ang aking mga takdang aralin matapos ko mahugasan ang mga pinagkainan namin.





#leiyharose ❤️

SANA PO AY MAGUSTUHAN NYO...

Pavote po sana ng bawat Chapter at Comment na din po kung ok lang 😊😊😊

thanks a lot po 😍😘🤗

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon