Mula noon, ilang araw pa ang lumipas, ilang araw kong piniling wag na munang pumasok sa SGC kahit na wala naman akong klase, ilang araw ko na ding hindi sinasagot ang mga tawag at texts sa akin ni Steven. Mas mabuti na sigurong ganito. Halos isang linggo pa lamang kami pero hindi na agad magandan ang takbo ng relasyon namin, dahil na din siguro sa pinaramdam nya sa akin na wala syang tiwala sa akin... dahil nadin siguro sa hindi ganon kalalim un pagmamahal nya sa akin... Bago ka ba mahalin ng buo ng mga lalaki, kailangan bang buo ka? Paano kung sakaling nagkamali akong naibigay ko ang lahat-lahat kay Sir noon? Edi wala na akong karapatang mahalin pa ni Steven?
Ilang araw na iyon din palagi ang tumatakbo sa isipan ko. Hindi ka pwedeng mahalin ng buo kung hindi ka na buo... Pero paano ko mapapatunayan na buo pa ako, kung nagkaroon na agad sya ng ideya na nawala ko na... kahit na sya pa ang first boyfriend ko... kailangan ko bang ibigay ang lahat ng mayroon ako sakanya bago ko pa iyon mapatunayan sa kanya?
Parang pinipiga ang puso at isip ko sa ideyang iyon. Nasasaktan ako. Baka nga hindi sapat ang pagmamahal nya sa akin kaya ganito kami ngayon.
Wala akong ginawa sa kwarto ko kung hindi ang umiyak at magdamdam doon, maga pa din ang mga mata ko, mas ok na ganito, atleast hindi na siguro gagawa ng masama si Sir kung sakaling maglielow muna ako kay Steven. Matapos din ang gabi ng pagiging mapusok sa akin ni Sir ay hindi na rin sya sa akin nagparamdam kaya naman medyo nakalma ang puso at isipan ko.
Pero hanggang kailan ko sya pwedeng iwasan? Ilang linggo na lamang ay matatapos na ang OJT ko, kung hindi ko tatapusin ay baka hindi ako makagraduate...
Isang mahihinang katok ang nagpabalik sa akin sa malalim na pag-iisip.
"Sino yan?"
"Maam, si Betty po ito.. may bisita po kayo..." Taka akong bumangon mula sa pagkakahiga. Sino naman ang pwedeng bumisita sa akin dito? Sa higit tatlong taon ko dito sa mansion ay ngayon lamang ako nagkaroon ng bisita.
"Sino daw Ate Betty?"
"Steven daw po maam..." Sagot ni Betty na agad nagpatayo sa akin mula sa kama, Shit anong ginagawa nya dito? Hindi pwedeng tumuntong sya dito sa mansion ni Sir dahil baka hindi na sya makalabas kung sakali.
"Sabihin mo... tulog pa, nagpapahinga." Mahinang anas ko sa likod ng pintuan, hindi ako nagbukas nito, ayaw kong makita nya ang itsura kong mukang nalugi sa kung saan.
"May tulog bang nagsasalita? Tsk!" Boses ng iritableng lalaking tinatangi ko na nagpatulala sa akin.
"Mr. Steven, sabi ko po sa baba nalang po kayo para po tawagin ko po si maam..." Takot na boses ni Betty. "Pagagalitan po ako dahil sa ginagawa niny----"
"Ako na Betty...." Putol ko sa mga sinasabi nya ng buksan ko ang pituan. Alam kong natatakot din ito dahil sa kapangahasan ni Steven! Kita ko ang takot at kaba sa mukha ni Ate Betty, maging ang titig na humihingi ng paumanhin.
"Sorry po maam..." Ngumiti ako kahit na kinakabahan na din ako."Ayos lang... Ok na sige na, ako na ang bahala dito... Asan sila kuya Joel?" Tanong ko muli kay Betty, pero hindi ko parin tinatapunan ng tingin ang bisitang nasa likod ng kausap ko. Gayong ramdam na ramdam ko ang mabibigat nyang mga titig sa akin...
"Umalis po sila maam, may lakad daw po." Halos hindi makatingin sa akin habang sumasagot.
"Ok po, bababa ako... sa baba mo na sya paghintayin." Sabay sarado ko ng pintuan ng kwarto ko, hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Betty sa akin. Doon ko lamang nailabas ng mabibigat kong paghinga ng lumapat na ang pintuan sa hamba nito. Hayyyyy....
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomansaDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...