Ashton
Nagising ako dahil sa mainit na sikat ng araw na tumatama sa aking balat mula sa bukas na bintana. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kong malambot ang hinihigaan ko, bumalikwas ako sa pagkakahiga ng maalala kong nasa mansion na pala ako.
Dumating pala ako dito kagabi, kasama ang tatlong lalaki na sumundo sa akin sa San Vicente. Tumayo ako mula sa higaan, inikot ko ang aking mata para icheck ang buong kapaligiran.
"Muka namang walang nagbago..." anas ko sa sarili ko ng matanto kong wala naman nagbago mula sa ayos nito bago ako matulog kagabi.
Pero di padin mawala sa pakiramdam ko na may mga matang nakatingin sa akin. Di ko alam pero para na ba akong baliw dahil sa nararamdaman ko kahit na wala naman talaga akong kasama.
Agad akong nagtungo sa banyo matapos kong kunin ang aking mga pamalit na damit para maligo. Matapos ko doon ay umupo na lamang ako sa aking kama.
Iniisip ko kung lalabas pa ba ako dito sa kwarto o dito ko na lamang bubulukin ang sarili ko, dahil baka pag lumabas ako ay makita ko lamang ang Don at mawala na lamang ako sa aking katinuan.
Kahit na nandito na ako sa mansion ay di padin matanggap ng sistema ko na pag aari na ako ng Don Henry na iyon.
Ayaw ko, ayaw ko.
Tumayo ako muli at sumilip sa bintana , doon ko nailabas ang malalim kong pag hinga ng maisip kong malapit na ang kamatayan ko sa kamay ni Don Henry.
Isang mahinang katok ang nagpabalik sa akin sa katinuan, nakagat ko ang labi ko ng maisip ko na baka ang Don na ang kumakatok.
Humarap ako sa pintuan pero ni di ko nagawang lumapit doon, napalunok ako sa bara ng aking lalamunan at saka kinagat ang aking labi ng maisip ko na ito na ang kinakatakot ko.
"Maam Francine...." Mahinang tawag ni Betty, na nagpatanggal kahit paano ng takot ko, matapos kong bumuga ng hangin ay lumapit ako sa pintuan.
"Maam Francine... gising na daw po ba kayo?" Sabay bukas ko sa pintuan na iyon.
Isang nakangiting Betty ang bumungad sa akin "Goodmorning po maam..."
"Goodmorning...." ngumiti din ako ng tipid.
"Handa na po ang almusal maam, kain na po kayo.."
"Andyan na ba ang Don?" Yumuko muli ito, pero wala ni isang sagot sa akin.
"Pinapababa na po kayo ni Sir Joel para po sa almusal..." Tumango na lamang ako bilang sagot dito, "Baba na po ako..." Paalam nito at tuluyan ng umalis sa harapan ko.
Sinipat ko muna ang itsura ko bago ako bumaba. Paglabas ko ng kwarto ay saka ko lamang napagtanto ang kabuuan ng mansion mula dito sa second floor. Isang malaking hagdan ang lalakaran mo bago ka makababa doon. Pinilit kong maging pormal kahit na totoong namamangha ako sa kagandahan at kasimplehan ng mansion na ito. Uniform talaga ang black na mga marmol na sahig at ang puting mga dingding at ang mga kagamitan ay itim din, kaya masasabi kong malinis at moderno pa din ang idea ng may ari nito.
Mayaman.
Agad akong tumungo sa dining area, naabutan ko doon si Betty kasama ang lalaking kausap ko kagabi.
"Goodmorning Ms.Francine..." Bati ng huli, sabay yuko at yumuko din si Betty na nasa tabi nito.
Sinipat ko ang lamesa at nakita kong isang plato nanaman ang andoon, ibig sabihin ay ako lang nanaman ang kakain mag-isa.... maganda ba ito?
Na ako lang palagi ang nag iisang kumakain at walang ni isang pwedeng makausap sa malaking mansion na ito maliban sa mga tauhan ng Don? O dapat mas maging masaya akong mag isa kaysa makausap at makita ko ang Don?
Umupo ako sa upuan sa tapat ng isang plato na nandoon at nag umpisa na akong kumain.
"Ms. Francine...." Tawag sa akin ng lalaki, kaya naman sinulyapan ko ito...
"Joel? Tama po ba ako?" Bahagya itong nagulat pero tumango ito at ngumiti bilang sagot.
"Ngayong araw po ay kailangan po kayong magpahinga dahil po bukas ay aalis tayo para sa pag eenroll po ninyo...." Nakangiti pa din ito sakin. Nangunot ang noo ko ng inisip ko ang mag sinabi nito.
"Ano pong sabi nyo?" Tanong ko dito.
" Bukas po ay mag eenroll po kayo sa Ashton University..." Laglag ang panga ko sa sinabi ni Sir Joel.
Ang Ashton University ay isa sa kilalang pangmayamang eskwelahan sa buong bansa.
Bakit ako nagugulat? Dahil ang usapan namin ng Don ay sa kanya na ako at wala na akong karapatang magreklamo ay umayaw sa gusto nya... kaya nagtataka ako dahil sa totoo lang ay hindi manlang pumasok sa isipan ko na mag-ooffer ito sa akin ng pag aaral.
"Sino po ang may sabi nyan?...." Mahinang tanong ko dito.
"Si Sir po ang may utos nyan... kaya po dapat po na sundin namin, i mean po natin para po hindi sya magalit sa atin...." Nakangiting sagot nya.
"Nasaan sya?..." Akala ko ay may makukuha akong sagot mula dito, pero wala... umiling ito at muling ngumiti.
"Pasensya na Ms. Francine....." Tumango ako dito. Tahimik akong kumain hanggang sa natapos ako. Mabilis akong umakyat muli sa kwarto ko para sana mag-isip muli sa mga bagay-bagay na nangyayari sa akin ngayon.
Hindi ko pa nakikita ang Don mula ng sinundo ako sa aming bahay sa San Vicente.
Kapag nagtatanong ako sa mga tao dito sa mansion ay wala silang sinasagot kapag tungkol ito sa Don na iyon.
Hindi Don ang tawag nila sa Boss nila...kundi SIR....
Pero mula dumating ako dito ay ni anino ng Don ay wala, imposibleng sa laki ng pagkakautang ko dito ay wala manlang itong hinihinging kapalit magpa sa hanggang ngayon. Samantalang ng huli kaming nagkausap sa mansion nito ay puro makamundong pagnanasa ang nakita ko sa mga mata nito.
Anong mayroon bakit ganito ang nangyayari?
Mag-isa lang din ako palaging kumakain dito, walang kasama, walang ibang tao na inaasikaso ang mga tauhan sa mansion kundi ako lamang. Kaya laking taka ko sa mga pangyayari na ito ngayon dahil di ko naman talaga ito inaasahan.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomantikDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...