Tahimik nanaman kaming kumakain dito sa isang seafood restau ng resort, di ko alam kung ano ang dapat kong gawin matapos ang nangyari sa elevator kanina. Hayyy...
Ano ba talaga ang gusto mong mangyari Steven? Hindi kita maintindihan e, lagi mo akong nilalandi, tapos biglang babawiin mo, biglang magiging malambing ka naman.... Saan ba ako dapat lumugar?
Tandaan mo Francine, hindi ka pwedeng mainlove sa taong iyan... dahil may iba na iyang mahal... di ba sinabi na nya sayo yan? Remember trabaho ang pinunta nyo dito hindi ang landian moment na iyan.
Pero bakit ba kasi ganito sya sa akin? Hayyy...
Sabay pakawala ko sa malalim na paghinga, "May problema ba?" Nagaalalang tanong nya sa akin, pagod akong ngumiti sa kanya kaya mas lalong kumunot ang noo nya.
"OK lang ako..." Ngumiti ako muli sa time na to, mas maayos na ngiti na ang binigay ko.
Madilim na ang dalampasigan ng matapos kaming kumain doon, niyaya nya akong maglakad-lakad... sumama naman ako.
Walang masyadong tao ang nandirito. Maganda ang resort na ito, hindi masyadong crowded at mukang pangmayayaman lamang kung saan hindi ako nabibilang... bitter?
Nahihirapan akong maglakad sa aking tsinelas kaya naman tinaggal ko iyon, ngumiti sa akin si Steven ng makita ko syang nakatingin sa akin dahil nauuna sya sa akin sa paglalakad. Ngumiti din ako at naglakad na ako palapit sa kanya.... Sinabayan ko muli ang paglalakad nya.
Tahimik lang kami, ayokong magsalita, ayoko kasing magkamali ako sa sasabihin ko...
Pero nahinto ako sa paglalakad ng bigla nyang hinuli ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.
Nadama ko agad ang kuryenteng dumaloy doon, paakyat sa buong systema ko, ang tao kayang ito.... nadarama din kaya nya ang nadarama kong kuryente na iyon?
Nang nahinto ako sa paghakbang ay huminto din sya.... at hinarap ako. Ngumiti sya sa akin, di ko maikakailang gusto ko ang bawat minutong kasama ko ang haliparot na ito. Tsk.... Hayyy...
Titig ako sa mukha nyang nakangiti sa akin, pero nawala ako sa pagmumuni-muni ng biglan nyang gigil na pinisil ang magkabilaang pisngi ko at saka malakas na tumatawang tumakbo papuntang dagat!!!!
"Steven!!!!!!" tawag ko sakanya na naiinis dahil sa sakit na naramdman ko mula sa pagpisil nya sa pisngi ko, at sa nakakatuwang kalokohan talaga nya.... inis ako na natatawa syang hinabol!!!
Agad kaming nabasa sa tubig dagat at sinubukan ko padin syang mahabol, "Pag mahuli kita???!!! Lagot ka sakin!!!" natatawang sabi ko sakanya habang nanggigigil na hinahabol sya.. ang loko wala atang planong magpabawi manlang. Tumatawa lang sya habang paikot-ikot kami sa pwesto namin dahil sa pagppuprsige kong mahabol sya!!!
Nagtatawanan na kami at napapagod pero sinusubukan ko parin syang mahabol... pabawi naman please????
"Ayoko na!!!" Hingal at asar kong sabi, pano ba naman ay napagod na ako kakahabol hindi ko naman sya manlang mahawakan kaya naman tumalikod na ako at naglakad pabalik sa dalampasigan.
Naramdaman kong sumunod sya sa akin ng tumatawa padin kaya nangiti ako, ang loko di na nagsasalita puro lang talaga tawa.
Humarap ako sa kanya at tama ako nasa likuran ko na sya kaya agad ko syang sinunggaban ng dalawa kong kamay at inabot ang magkanilaang pisngi nya para pisilin din iyon sa inis at gigil na makabawi!!!! Nakita ko ang pag-ngiwi nya dahil sa ginawa ko pero parehas kaming natatawa dahil doon... para kaming mga batang baliw! Hahaha. Nang nabitawan ko na ang pisngi nyang kinurot ko ay saka ko lang napagtantong nakapulupot na pala ang dalawa nyang braso sa katawan ko!
Shit!
Ang init ng katawan nya ay nadarama ko... kahit na sa malamig na tubig dagat... Lalo na ng mapagtanto kong wala ng pagitan ang mga katawan namin doon dama ko ang kanyang pagkalalaki doon... Shit! Napalunok ako dahil sa kaba.. hindi pwede...
Agad kong nilagay ang mga palad ko sa dibdib nya para itulak sya pero parang hindi ko kayang ilayo ang sarili ko sa kanya.... ayaw ko... tumingala ako para sana hilingin na pakawalan na ako
"Steve-----" Nanlaki ang mga mata ko ng nadama ko ang labi nya sa labi ko. Oo, hinalikan na nya ako.
Ilang beses ko itong pinangarap mangyari... nangangarap ako sa mga bagay na hindi pwede... sa mga bagay na pinagbabawal...
Masuyong halik ang pinadama nya sa akin, masuyo na parang natatakot na mabasag ako kung hindi nya ako iingatan...
Dahan-dahan kong sinubukang sagutin ang mga halik nya... halos mapaungol ako ng lumalim pa ang halikan namin na iyon, pakiramdam ko ay napapaligiran kami ng apoy dahil sa init na nadarama ko... kahit na tubig naman talaga ang mga iyon...
Naramdaman kong lalong humigpit ang yakap nya sa akin at inangat nya ako ng kaunti para maabot nya pa lalo ako.
Hinayaan ko syang halikan ako... dahil alam ko sa sarili kong gusto ko din ito noon pa... kahit na alam kong kasalanan ito...
Bawal... bawal... bawal...
Di ko alam kung paanong nakarating kami sa mga malaking puno ng niyog doon na may duyan, dahan- dahan nya akong nilapag sa duyan pero ang halikan namin ay hindi parin napapatid... at kumubabaw sya sa akin doon. Damang-dama ko ang init ng katawan nya sa kabila ng mga basa naming katawan pati na din ang kahandaan nya...
Di ko halos mabilang kung ilang beses naming hinabol ang paghinga sa bawat napuputol ang halikan namin na iyon at matapos huminga ng kaunti ay huhulihin nya ulit ang mga labi ko. Ang mga braso nya ay nanatili lamang na nakaikot sa katawan ko...
"Steven..." halos di ko na makilala ang boses ko sa pagtawag sakanya. Parang ungol na kasi ang paulit-ulit kong tawag sa kanya sa pagitan ng mga halik namin.
Ilang beses nya pang inangkin ang labi ko doon, at diniin ang sarili sa akin, dama ako ang pagpipigil nya....
Alam kong mali ang ginagawa namin, ang pagpapaubaya ko, pero alam kong ilang beses kong pinangarap ito...
"Steven....." tawag ko sakanya ng nakarating na sa tenga ko ang mga labi nya.... Shit! Baka tuluyan na kaming kainin ng aming kagustuhan pag hindi ko pa sya pinigilan...
Wala na akong karapatang magmahal! Wala akong karapatang saktan at lokohin si SIR!!!
Dahan-dahan ko syang itinulak sa dibdib para maglayo kami dahil baka tuluyan na akong mawala sa katinuan kung sakali...
Nadama kong huminto sya sa paghalik sa akin sa tenga at binuro ang mukha nya sa leeg ko... marahas syang huminga doon...
Para bang pinapadama nya saakin na hindi dapat nangyari ang ginawa namin.
"Sorry..." Anas nya habang nakasubsob padin sya doon. " Sorry..." Napapikit ako, ayokong marinig iyon sa kanya... Ayokong madama at marinig na nagsisisi sya sa nagawa namin...
Alam kong minahal ko sya noon... nung unang beses palang naming nagkita... sa dalawang oras mahigit na nagkasama kami noon ay nabihag na nya ang puso ko...
Ang damdamin na akala ko ay nawala ko na.... ang damdamin na akala ko ay naibaling ko na kay SIR.... hindi padin pala...
Hindi pala nawala.... hindi....
Parang kinurot ang puso ko ng umangat sya mula sa pagkakadagan sa akin... at tumayo...
"Balik na tayo... baka magkasakit ka pa..." Nakangiting nyang lahad ng kamay sa akin para sa pagtayo ko doon. "Malamig na...." Inabot ko ang palad nyang ibinigay... kahit na nag aalangan ako.
Tahimik kaming bumalik sa kwarto, nauna na akong naligo dahil daw baka magkasakit ako. Hindi ko maintindihan kung bakit naging malamig ang pakikitungo nya sa akin matapos ang kanina... pero sya lang ba? O pati ako?
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...