- 63 -

623 12 3
                                    

Ilang araw akong hindi lumabas ng mansion, ilang beses ding nagpabalik-balik si Steven doon. Naiinis ako dahil laging si Kuya Joel ang humaharap dito. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ito dahil sa matiwasay nya namang naitataboy si Steven o ikagalit at ikatakot ko para sa kaligtasan nya.

Mahal ko si Steven, kahit na ano pang nadarama kong galit sa kanya alam kong mahal na mahal ko padin sya, kahit anong mangyari, pero dumating kami sa oras na kailangan naming pumili para sa kapakanan ng isat-isa... sya na pinili ang kung ano mang usapan nila ng Louie na iyon at makipagsabwatan doon at ako naman na piniling hiwalayan na lamang sya para hindi na ako lalong masaktan.

Mas pinili kong masaktan nya ako ng mas maaga kaysa patagalin ko pa di ba... kaysa umasa pa ako, kaysa matagalan pa tapos iiwan nya din pala ako dahil mas pinili nya ang kung ano mang mayroon sila ni Don Henry... ni Louie...

Mas gusto ko pang magbayad ng utang kay Sir, kaysa kay Don Henry... kung makakaharap ko lang si Sir ngayon at hilingin nya ang katawan ko... alam kong kahit papaano ay hindi ako magsisisi dahil sa dami na ng utang na loob ko sa kanya... tyaka alam ko naman na may pagtatangi din naman ako sa kanya, noon... noon... ng hindi ko pa nakikilala si Steven... Leche!

Bakit ba kasi sa lahat ng iniisip ko ay laging nakasingit yung asungot na iyon?!

Inis ako sa kanya, dahil akala ko talaga mahal nya ako, kung talagang wala kung anong business ang namamagitan sakanilang dalawa ni Louie, bakit hindi agad sya sa akin nakasagot ng tinanong ko sya? Bakit parang pakiramdam ko ay kung pinakinggan ko sya noon kung magpapaliwanag sya ay magsisinungaling lamang sya sa akin?

Bakit pakiramdam ko ay isang kasinungalingan lamang ang lahat ng namagitan sa amin? Samantalang ako baliw na baliw na sa kanya? Ganon ba talaga ang mga lalaki? Ang mga mayayaman? Nakakainis lang isipin.

Isang linggo ang lumipas mula ng magpang-abot sila Steven at Benj sa mansion, pinili kong pumasok na sa skwelahan, hindi ko dapat hinahayaan na masira ang pag-aaral ko dahil lang sa buhay pag-ibig ko na ako lang naman ang umibig!!! Kainis!

"Franc---"

"Please, Benj... not now...." Mahinay kong sabi sa kanya, nilampasan ko lamang sya doon sa corridor. Alam ko naman na magkatabi padin kami sa upuan mamaya. Pero ayoko talagang makausap man lang sya. Naiinis ako sa kanya pero alam ko naman na gusto nya lang akong protektahan kay Steven... dahil na din siguro sa katotohan na may gusto talaga sya sa akin... hindi pala... mahal nya pala ako.

Dumiretso ako sa upuan ko sa likuran, may mga bumati sa akin na mga kakilala kong kaklase. Ngumiti lamang ako sa kanila ng tipid at umupo na ako doon. Nadama ko ang tahimik na pag-upo ni Benj sa gilid ko.

"Sorry.... Francine..." Sinserong sabi nya. Nilingon ko sya saglit atsaka ako humarap sa bintana. Makulimlim ang panahon. Mukang uulan. Parang masarap magpakabasa sa ulan.

Tahimik lamang ako, hindi ako sumagot kay Benj sa gilid ko.

Muli kong naalala ang malakas na pag-ulan noon... kung saan una kaming nagtagpo ni SIR.... birthday ko... unang birthday ko, sya ang kasama ko... sa magdamag na iyon.. ang mga namagitan sa amin.

Ang maiinit na tagpo namin noon, ang mga haplos at halik nya na pakiramdam ko ay hindi nawala sa sistema ko, na kung mararamdaman ko muli iyon ay hindi iyon estranghero sa damdamin ko.

Kung sakaling tanggapin ako ni Sir muli, kaya ko naman sigurong ibigay sa kanya ang lahat-lahat ng mayroon ako di ba?

Hindi ko na pwedeng mahalin si Steven, hindi na pwede... tyaka hindi ko nadin naman na sya pinagkakatiwalaan di ba? Bakit ko pa sya mamahalin? E di ba kapag mahal mo ang isang tao dapat ay lubos ang tiwala mo dito?

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon