Mula noon ay di ko na pinansin lalo si Benjamin.
"Ms. Francine...mag iingat po kayo a....magtext nalang po kayo pag magbago ang oras ng uwi ninyo para po masundo po namin kayo..." Paalala sa akin ni Kuya Joel. Nakakatuwa, kasi mula ng dumating ako sa mansion ay hindi nila ako pinabayaan, lagi nila ako inaalagaan. Ilang buwan na din mula ng dumating ako doon. Ngumiti ako at tumango para sa pagsagot saka ako bumaba ng sasakyan....
"So.....FJ cruiser...juh?" Nagulat ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko. Kainis nanaman ito. Mula ng nangyari sa library ay di ko na sya pinansin at sya naman ay di na rin pinilit na magpapansin sa akin.
Tinaasan ko lang sya ng kilay...
"Hammer....Fj Cruiser....Monterosport....Pajero....really?" Daldal padin ito ng daldal na nakasunod sa akin.
"Panong pag nagpaligaw ka sa akin ay maapektuhan ang pag-aaral mo?" Takang tanong nito sa akin.
Umirap nanaman ako at hinarap ko sya kaya nahinto sya sa pagsunod sa akin. "Ano bang problema mo?"
"Ikaw...." Nagtaas nanaman ako ng kilay.
"Ako?Panong ako?Hindi mo ako dapat problemahin dahil hindi naman dapat........" Mariing sabi ko dito.
"Problema ko kung paano ka mapapasaakin...." Deretsong sagot nya sa mukha ko. Naghiyawan ang mga tao na nakatambay dito sa corridor.....Nainis nanaman ako.
"Naks!!! Benj!!!!! hahahaha...." Asar ng mga ito.
"Kailan mo ba ako titigilan?"
"Ayoko..." Ngiting sagot nito ng tinalikuran ko at muli akong naglakad.
"Wala akong balak na magkaboyfriend...o kung ano pa man na relasyon lalo na pag sayo...kaya tigilan mo ako...."
"Pero bakit nga?" Iritableng tanong din nya kahit na sumusunod padin sya sa akin.
"Hindi mo ako kilala, kaya tigilan mo na yan....maghanap ka-----" Naramdaman ko nalang ang paghila sa braso ko patungo sa isang kwarto sa ilalim ng hagdan.
"Ano ba?!!!" Piglas ko dito...tinutulak ko sya pero ayaw nya talagang bitawan ako.
"Bitiwan mo ako!!!manyak!!!"
"Gusto kitang mas makilala Francine....." Sabi nya ng seryoso sa mukha ko, natahimik tuloy ako at tinitigan ko ang mukha nya.
"Hindi ko kasi alam kung paanong masisira ang pangarap mo kung sakaling magpaligaw ka sa akin....." Ramdam ko ang problemadong boses nya. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil doon.
"Araw-araw ibat-ibang kotse ang naghahatid sayo...." Nag-angat ako ng tingin para makita ko ang mata nya.
"Kung di ko lang nakikita ang driver mo sa araw-araw na iyon ay magseselos na ako e....di ko alam kung gaano ka kayaman, kung sino ang pamilya mo....pero ang pinagtataka ko bakit palagi mong sinasabing masisira lang ang pangarap mo dahil sa akin? Pinapangako ko naman sayo na di ko sisirain ang pag aaral mo.....basta hayaan mo lang akong ligawan ka..."
Nabigla ako sa mga sinabi nya....Totoo? Seryoso ba to?
Umiling ako sa kanya, bilang sagot ko.
"Bitawan mo na ako...Benjamin....please..." Iwas ko ng tingin sa kanya.
"Look...sorry sa nangyari nung nakaraan...sorry ku-----"
"Bitawan mo ako....sorry, hindi pwede ang gusto mo...." Paliwanag ko sa kanya.
"Sorry Fr------"
"Kahit na ilang sorry pa ang sabihin mo, wala ng magbabago sa desisyon ko...." Deretsang tingin ko sa mga mata nya para ipaalam sa kanya iyon. "Kaya please lang...tumigil ka na...."
Nakita ko ang pagkunot ng noo nya, halatang di sya makapaniwala. " Maghanap ka nalang ng iba....madami naman dyan na may gusto sayo....pero kung sa akin, wala kang mapapala... sorry..." Naramdaman ko nalang ang dahan-dahang pagluwag ng hawak nya sa mga braso ko at parang nawalan na sya ng lakas kaya binitiwan na rin nya ako. Humakbang ako paalis doon, para iwan na sya.
"Di ako titigil....kahit ano pang sabihin mo....mahal kita...Kikilalanin kita..." Pahabol nya.
Binalewala ko nalang yon at dumiretso sa klase. Buti nalang at walang tao sa lugar na iyon pag labas ko, walang nakakita sa akin.
Hindi masama ang ugali ko, ayaw ko lang na masira ang mga bagay na kung anong mayroon ako ngayon. Alam kong buong pagkatao ko ang kapalit ng kung ano ang tinatamasa ko, pero hanggat hindi pa ako nasisingil ay lulubusin ko na ang pakikinabang ko dito. Hindi ako papayag na masira ito ng kahit na sino.
Matatapos na ang second sem namin. Sa susunod na pasukan ay mag second year college na ako. Oo, halos mag iisang taon na akong nakatira dito mag isa sa mansion. Ako lang at ang mga tauhan ng Don...never pa sya sa akin nagpakita, laking pasalamat ko dahil doon.
Sa lahat ng biyayang inaabot ko ay pasalamat padin ako.
Ilang araw nalang ay birthday ko na, tatlong araw mula ngayon at wala ni isa sa mga kasama ko sa bahay ang nakakaalam nito.
"Ms. Francine..." Sabi sa akin ni Betty, habang kumakain ako ng hapunan. Nilingon ko naman sya.
"Magpapaalam po sana ako....uuwi po sana ako sa Leyte Maam....bukas po sana, may aasikasuhin lang po sana kami ng pamilya namin tungkol sa lupain po namin...."
"Gaano po kayo katagal?" Tanong ko.
"Mga dalawang linggo po siguro miss...."
"Pero po, hindi naman po ako ang boss.....kaya po---"
"Pinayagan na po ako ni Sir maam...." Putol nito sa akin. Napalunok ako bigla sa sinabi nya.
"Sir? you mean....nandito sya?" Agad itong umiling sa akin.
"Pinagpaalam po ako ni Kuya Joel...." Ngumiti ito, at tumango naman ko, ibigsabihin ay pinapaalam nya lang talaga sa akin pero hindi nya hinihingi ang pag payag ko dahil na din sa napayagan na din pala sya ng Don.
Dumating ang araw ng birthday ko, byernes ngayon...
Walang bumati sa akin sa mga kaklase ko.
"Happy Birthday...." Mahinang saad ni Benjamin ng maupo ito sa harapan kong upuan dito sa library, may nilapag itong chocolate bar at punpon ng red roses.
"Salamat...." Sagot ko pero di ko pinansin ang mga binigay nya. Sabay yuko ko muli para basahin ang libro na nakalatag sa lamesa."Sana tanggapin mo, tutal birthday mo naman..." Nag angat ako ng tingin para salubungin ang mata nya. "Please???" Nagpacute ito at puppy eyes pa.
Tinaasan ko sya ng kilay. " Last na to, ayokong may ibigay ka pa sa akin....tatanggapin ko to dahil ng a birthday ko...pero walang ibigsabihin yon...." Paalala ko dito. Tumango naman sya sa kin kaya naman kinuha ko ang mga bulaklak at ang chocolates.
"Gusto ko sanang...yayain kang kumain sa labas e...treat ko???..." Umilinga agad ako para sa di pag sang-ayon.
"Ok...." Ngumiti nanaman sya. "So pwede bang ihatid nalang kita sa parking pag pauwi kana?" Tanong nya nanaman. Itong Taong ito, ilang beses ko ng deadma pero di padin tumitigil.
Pag inaway ko nagpapahinga lang pero tutuloy padin, ano bang nakain nito?
"Kaya kong magpunta doon....at ayokong ma issue pa tayo..." Tumawa sya ng mahina.
"Alam mo ba...alam na nga ata ng buong school na nililigawan kita e...ikaw lang ang hindi hahaha..." Inismiran ko ito.
"Thanks..." Sabay tayo ko at bitbit sa mga gamit ko, binalik ko ang libro sa pinagkuhaan ko. Agad akong lumabas ng library at tinignan ang cellphone ko, tumatawag pala si Kuya Joel. Pinaalam lang nito na nasa parking lot na sila at hinihintay na ako....
Birthday ko....pero parang wala lang ang araw na ito....
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...