Hinatid ako ni Benjamin ng gabi ding iyon sa mansion.
Nagpasalamat ako dahil tinanggap na nya sa sarili nya na wala talaga syang pag-asa sa akin. At tanggap na din nyang mahal ko si Steven.
Hindi na nya ako kinulit kung bakit hindi pwedeng maging kami ni Steven kahit na ramdam daw nyang mahal ako nito. Pasalamat ako, dahil hindi ko din kayang aminin sa ibang tao ang sitwasyon ko.
Baka isipin nilang mababang tao lang ako... masama ba kasing maging mahirap?
Bakit ba kasi parang isang malaking pagkakamali na naging mahirap kami?
Tulala ako sa kisame ng kwarto ko. Nang maalala ko muling mag message kay Sir... ilang araw na syang hindi nagpaparamdam sa akin. Malimit syang nagtetext pero madalas ay kamustahan lang at tapos na. Siguro ay abala iyon sa ibang babae o sa pamiliya nya.
Ako: Kamusta po? Nagdinner kana? Kagat-kagat ko ang labi ko ng nagsesend iyon. Huminga ako ng malalim ng magsent. Wala pang isang minuto ay tumunog ang cellphone ko sa isang text. Tinignan ko agad iyon at napagtanto kong nagreply agad si Sir sa akin.
Sir: Ok naman... tapos na. ikaw?
Ako: Ok naman din po.... tapos na din po...
Sir: I see, may naghatid nga pala sayo kanina... Nakagat ko ang labi ko ng mapagtantong si Benjamin ang tinutukoy nya.
Ako: Opo... sorry. Kinakabahan ako, di kaya palayasin na nya ako matapos nyang malaman na hinatid ako ni Benjamin.
Sir: Ok lang. Wala naman akong magagawa kung tumingin ka sa iba. Kasi alam kong sa akin pa rin ang bagsak mo.... Halos itapon ko ang cellphone ko sa inis!
Ang yabang nya!! Ngayon lang ako nakadama sa kanya ng ganitong inis! Oo, alam kong pag-aari nya ako, at kahit anong oras na naisin nyang angkinin ako ay wala akong gagawing pagtutol, kahit na halos gusto ko nang ibigay ang sarili ko kay Steven... hindi talaga pwede.
Ako: Samahan mo ako mamaya... gusto kitang makatabi...
Wala na syang naging reply doon. Naghintay ako ng ilang oras ay wala na talaga. Matapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kama ko para matulog. Sinara ko na din ang mga bintana, at mga kurtina. Binuksan ko na ang aircon. Baka sakaling dumating sya di ba? Atleast dib a, handa na ang kwarto ko.
Naghintay ako hanggang inabot na ng twelve am pero walang dumating ni anino nya. Nakakainis.
Gusto ko pa naman sana syang makausap. Gusto ko sanang liwanagin na ang plano nya sa akin sa mga susunod na buwan. Ilang buwan nalang kasi ay ga-graduate na ako. Pero hindi ko pa din alam kung ano ang plano nya sa akin.
Ilang mga buwan pa ang lumipas. Si Benjamin na ang palaging kasama ko sa school kasama ang mga tropa at pinsan nyang si Nica.
Tanggap na din nilang lahat na friends lang talaga kami ni Benjamin, pero baka daw may pag-asa pa pag-graduate kaya natatawa nalang ako.
Madalas nila akong niyayang mag-bar pero hindi ko sinusubukan. Dahil baka mapaano lang ako doon, di pa naman ako sanay mag-inom.
Wala na din kaming naging pansinan ni Steven pag nasa loob kami ng opisina. Mas ok na siguro ang maging civil kami. Kaysa palagi namin ipadama sa isat-isa na gusto namin pero hindi pwede.
Tumutugtog ng gitara si Rico, ang boyfriend ni Veronica. Nagtaka ako ng inabot nya iyon kay Benj at saka naghiyawa ang mga nakapaligid sa amin dito sa bench na malapit sa parking lot ng school. Wala kaming prof kaya naman tumambay muna kami bago umuwi, nakatodo ngisi ang lalaking nasa harapan ko kaya naman nagtatawanan kami. Ang baliw akala mo ay balak mangharana hahaha.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...