Tahimik lang ako sa sasakyan, mas pinili kong wag na syang pansinin kahit pa ramdam ko ang paglingon-lingon nya ng madalas sa akin.
Maga ang mga mata ko at di padin natatapos ang tahimik kong pag hikbi doon. Mas gusto kong tumigil na pero di ko magawa, masama talaga ang loob ko. Nabigla ako ng huminto kami sa tapat ng isang coffeeshop.
Napansin ko ang isang malaking mama na lumapit sa side nya at pinagbuksan nya iyon ng pintuan. May iniabot ito sa kayang isang paper bag na brown.... "Thanks Rick..." at agad na sumibat ang mama mula doon.
"Sorry.....Francine...." Sabay abot nya ng paper bag, nakita ko ang tatak noon, isang brand ng mga damit... so nagpabili talaga sya ng damit para ipalit ko at para ano? Para pagtakpan ang ginawa nyang masama sa akin? Tinitigan ko lamang sya ng masama sa kanyang mga mata.... sya naman ngayon ang hindi makatingin sa akin ng diretso...
"Use this...please..ayokong umuwi ka sainyo ng ganyan ang dam---"
"Bakit? Nahihiya ka?" Sarkastikong sabi. "Nahihiya ka na halos makagawa kana ng krimen?" Ngumisi ako ng may galit sa mga mata na nakatitig sa kanya.
Umiling sya sa akin. "Mahal kita....kaya kahit na ano gagawin ko Francine---"
"Fuck you!" Singhal ko sa mukha nya. " Para sabihin mo sa akin na mahal moko? Kung talagang mahal mo ako, hindi mo magagawa sa akin to!!!" Sabay duro sa sakanya at ang mga mata kong nag aalab na sa galit pero mas pinili kon tigilan na ang pag-agos ng mga luha doon.
Yumuko lamang sya para at tumahimik. Agad kong kinuha ang paperbag na nilapag nya sa pagitan namin. Kakailanganin ko to, hindi ako pwedeng umuwi ng ganito ang damit ko. Nilabas ko iyon nakita ko ang isang printed v-neck tshirts doon na kulay pink..matapos iyon ay sinipat ang loob ng sasakyan, ayokong lumabas ng ganito ang damit ko. "Lumabas ka...." Mariing utos ko sakanya. Tumingin sya muli sa akin gamit ang nagtatanong na mga mata. Tinaasan ko lamang sya ng kilay at inirapan. Huminga muna sya ng malalim bago sya tahimik na lumabas ng sasakyan.
Siinigurado kong lock ang mga pinto, sure naman akong hindi ako makikita mula sa labas e, dahil heavy tinted naman ang salamin ng kotse. Hinubad ko agad ang suot kong tshirt at sinuot agad ang bago, nilagay ko sa paperbag yung sira at ipinasok iyon sa dala kong bag. Hindi pwedeng makita sa bahay ang sira kong damit.
Agad akong lumabas ng kotse matapos kong ayusin ang sarili ko, agad na tinignan ako ni Benjamin at ngumiti ng pilit.... "Kumain muna tayo...." .Hindi ko sya pinansin at diretso akong pumasok sa coffeeshop, ginutom ako. Hindi ko sya pinansin kahit pa tinatawag nya ako, pero ng hinigit nya nanaman ang kamay ko para iharap sa kanya ay inihanda ko na ang sarili ko para singhalan nanaman sya sa mukha para tigilan na nya ako pero nagkamali ako dahil nilapit nya kaunti ang sarili nya sa akin at saka isinuot sa akin ang isang aviator...
"Sorry... ayokong makita nila na pinaiyak kita..." Mahinang sabi nya sa tenga ko. Shit! Natahimik ako doon. Lalo na ng ginalaw nya ang takas kong buhok a isinabit iyon sa aking tainga.... Ngumisi ako ng sarkastiko sa kanya, at muli akong tumalikod para pumasok doon.
Nagugutom na ako, kaya hinayaan ko na lamang na sya ang umorder ng pagkain doon. Kumain kami ng tahimik. Hindi ko sya tinitignan sabihin ng bastos ako, pero sino ba ang mas bastos sa amin?
Abala ako sa aking cellphone para itext na si Kuya Joel dahil uuwi na ako, matapos nito, ng biglang bumukas ang pintuan ng caffeteria. Napalunok ako ng makita ko kung sino ang pumasok doon.
Kasama nya ang isang sopistikadang babae, magandag babae, buti nalang ay madilim ang aviator ko kaya hindi naman siguro nakita ni Benjamin ang paninitig ko sa taong dumating. Hawak nya sa baywang ang babaeng naka floral dress na hapit sa katawan nito.
"Tsk..." Iritadong angal ni Benjamin. Nilingon ko sya at nakita kong nadoon din pala ang mga mata nyang inis. Nang muli akong bumaling kina Steven ay nagtagpo ang mga mata namin. Nakita ko ang seryosong paninitig nya sa akin... mga matang di ko alam kung galit o ano pero ang mga panga nya ay nagiigting. Di ko alam kung nakikita ba nya ang mag mata ko sa likod ng aviator na suot ko pero pakiramdam ko ay nahihiya ako sakanya ngayon. Uminit ang mukha ko ng di ko namalayan.
Pasalamat ako at ang kasama nyang babae ay inuga ang kanyang braso para bumalik doon ang atensyon nito. Ang babaeng iyon ay iba kumpara doon sa babaeng pumunta sa opisina nung nakaraan.
Tahimik namin inubos ni Benjamin ang pagkain namin, matapos iyon ay tumayo ako para sa powder room.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, maganda naman ako kumpara sa babaeng kasama nya a...nailing ako dahil sa naisip ko, ano naman ang kinalaman ng ganda ko kumpara sa babaeng iyon? Hahaha
Hayyy Francine.... nag ayos ako ng kaunti sa mukha t lumabas na agad ng powder room... halos mapatalon ako ng makita ko kung sino ang nakaabang doon sa labas, nakatayo sya ng deretso sa tapat ng pintuan doon at matamang nakatingin sa akin ang mata nyang nanunuri. Tumaas ang kilay nya matapos nya akong hagurin ng tingin mula ulo hanggang paa, at inulit pa paakyat ang pagtitig nyang iyon...lalo na ng nanatili ang mata nya sa damit ko...fuck! Naalala ko tuloy ang nangyari nanaman kanina, parang pairamdam ko ay alam nya iyon!
Ngumiti ako ng pilit ng umangat muli ang mata nya sa aking mukha. " Goodmorning po sir..." Yumuko ako ng kaunti at muling hinarap ang mata nyang nanunuri.
" You told me na,...may aasikasuhin kang mga projects at magpapasa ng mga iyon?...." May panunuya sa tono nya at ang mmga mata nyang parang nababasa ang mga mata ko kahit na itim na itim ang suot kong aviator, Shit! Napakunok ako dahil doon pero pinilit ko padin ngumiti.
"Yes sir... galing na po akong school...naipasa ko na po ang mga projects ko..." Iritadong sumulyap sya sa kanyang relo.
"After school....dating with Benjamin lamang pala ang gagawiin mo..." Pakiramdam ko ay uminit na ang mukha ko dahil sa sinabi nya.
"Hindi kami nagdadate sir----"
"Sana nagreport ka nalang sa opisina, edi sana nabawasan pa ang oras para sa OJT mo..." Sabay talikod nya sa akin at dumiretso papunta ata sa table nila ng babaeng kasama nya . Shit talaga ohhhh...
Ano bang pakialam nya? E, alam ko naman na empleyado na nya ako doon kahit papano pero...langya wala naman syang pakialam kung anong gawin ko di ba.
Tulala ako doon matapos nya akong iwan, nang biglang tumunog ang cellphone ko sa isang tawag. Sinagot ko ang tawag atsaka nilagay sa tenga ko. " Kuya Joel..."
"Yes maam, nandito na po kami sa labas ng shop..." Ani Kuya Joel.
"Ok po...palabas na po...sandali.." Agad akong lumapit sa table namin ni Benjamin at dinampot ang ibang gamit kong nandoon.
"Mauna na ako Benj..." Sabi ko ng di manlang sya tinatapunan ng tingin.
"Francine please---...."
"Sorry Benjamin, pero mauna na ako...andyan na din ang sundo ko...." Walang gana kong sabi sa kanya at agad akong nagmartsa palabas ng coffeeshop pero nahagip padin ng mata ko ang nakangising si Steven sa akin.
Walang gana ko syang tinignan lalo na ang maputing babae na nakaupo sa harapan nya. Ang daldal nito pero hindi naman sya pinapansin ni Steven, dahil nasa akin ang mga mata nya.
Pagkauwi ko ay agad akong dumiretso sa banyo para magligo, pakiramdam ko ay ang lagkit ng katawan ko dahil sa nangyari.
Matapos ko doon ay may napansin akong note na nakadikit sa computer screen ko.
"Payag ako, just take care always...happy trip... :) SIR"
Napangiti ako dahil doon, payag sya...dahil wala syang alam...dahil hindi nya alam kung sino ang CEO...kung sino ang boss ko...at kung ano ang mga bagay na nangyari na sa amin non. Lahat ng pangyayari na puro nagpapagulo sa isip at puso ko. Hayyyy....
Hindi pa ba sakanya nasabi ni Kuya Joel ang about kay Steven? Pero baka nga hindi di ba? Kasi nga yung kay Benjamin nga ay hindi nya din nasabi doon e. Pero iba naman kasi si Benj kay Stevene e...hayyyy.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...