Attack
Mabilis na lumipas ang mga araw, pinilit namin na makaipon, nagtipid kami para sa aming kagustuhan na makaipon para makapagbayad kahit papano na mabawasan ang aming pagkakautang.
Ang baon na binibigay sa akin ng aking mga magulang ay iniipon ko na lamang, pag gising sa umaga ay kumikilos agad ako para makatulong kina ama bago pumasok sa eskwela.
Matapos naman ang eskwela ay minamadali ko agad na makauwi para makatulong muli sa aking mga magulang sa bahay.
Mahal ko ang aking mga magulang kaya naman ayaw kong makitang nahihirapan sila, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para makatulong sa sitwasyon namin ngayon. Ang aming sakahan na lamang ang nag iisang ikinabubuhay namin, paano pa pag ito ay mawala.
Sa mga araw na lumipas ay lagi kong nakikita si ama na nakatingin sa malayo at malimit may malalim na iniisip.
Naawa ako sa kanya. Alam kong mahal na mahal nya kami ni Ina at ang pangarap nya na makapag kolehiyo ako may tyansa pa na masira.
Naglalakad ako ngayon papasok sa aming bakuran ng marinig ko ang boses ni ama at ni ina na may kausap sa loob ng aming bahay, saka ko lamang napansin ang isang kotse na nakaparada sa labas ng aming bakuran.
Agad akong pumasok para alamin kung sino ito. Napalunok ako at bahagyang napaatras ng makita ko ang Don at ang mga kasama nitong dalawang lalaki na ang isa ay ang alam kong gwardya nito pero ang isa ay di ko kilala sa suot nitong pormal mukha itong may pinag aralan, sya ata yung lalaking magsalita noon sa kotse ng Don.
Nakaramdam ako ng kilabot ng makita ko ang mata ng Don na humagod sa kabuuan ko, ang mga mata nito na may kasamang pagnanasa.
Napayuko ako dahil sa nadarama kong takot, takot para sa akin pati na rin sa pamilya ko. Pinilit kong humakbang papasok para lumapit kina ina at ama at nagmano. Tumayo lamang ako sa kanilang likuran, para itago na rin ang aking sarili.
Hindi lingid sa aming mga mata ang makahulugang tingin sa akin ng Don, naramdaman ko na lamang ang isang kamay na humila sa akin para itago pa ako lalo sa kaniyang likuran... ang aking ama.
"Don Henry..." sabi ng aking ama para mawala sa akin ang tingin ng matanda.
"O... Francis...." makahulugang ngiti nito sa aking ama.
"Pipilitin po namin makabayad-----"
"Pipilitin?" Putol nito sa sasabihin ni ama. "Kailangan ko ang pera dalawang linggo mula ngayon... kung hindi mo iyon mabibigay , akin na ang inyong lupain pati narin itong lupa at bahay ninyo... " Ika ng Don.
"Pero ang sabi po ninyo ay mayroon pa kaming dalawang buwan..."
"Nagbago ang isip ko... masyado ng matagal Francis, kaya naisip ko na rematahin ang inyong mga lupain para makinabang naman ako..." Saad nito at muling sumulyap sa gawi ko at ngumisi. Napalunok ako sa ginawa ng Don. Ramdam ng ama at ina ko ang nadarama ko, alam ko iyon. Sumulyap ako sa lalaking kasama ng Don na naka suit. Nahuli kong nakatinigin ito sa akin pero ng magtama ang paningin namin ay yumuko ito...
"Pinal na.... dalawang Linggo mula ngayon Francis, halos mag iisang taon na ang utang ninyo sa akin, at halos kalahating taon na din mula ng huli kang nakapagbigay ng kapiranggot na bayad...." May diin na saad ng Don. "O sya, mauna na kami... magandang araw sa inyo..." Paalam ng Don at naglakad na palabas ng bahay namin. Sumunod naman ang aking mga magulang dito, para ihatid sila sa labas ng aming bakuran. Sumilip ako sa bintana ng aming sala ng para makita sila ina. Sumakay na and Don at ang mga kasama nito sa kotse ang agad na pinaandar iyon.
Malungkot na umupo si ama sa upuang kawayan sa labas ng aming bahay... lumabas ako para daluhan sila. Maiyak-iyak si ina ng masulyapan ko ang mga mata nito na nakatingin lang din kay ama. Niyakap ko si ama para ipadama ko na kaya namin ito. Tinapik ni ama ang likuran ko . "Anak, pasensya ka na..."
"Ama....ayos lang po sa akin iyon..kaya natin ito..." Sagot ko sabay bagsak ng mga luha ko. Di ko mapigilan ang pagluha. Naawa ako sa sitwasyon namin ngayon.
"Mahal ka namin anak...." Sabi ni ina.
"Mahal ko din po kayo..." mahigpit na yakap ko sa mga magulang ko.
"Kaya di ako papayag sa gusto ng Don na iyon..." Naramdaman ko ang lalong humigpit na yakap nilang dalawa sa akin. Kunotnoo akong sumulyap sa mukha ni ama at nakita ko doon ang galit...
"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" Umiling si ama..
"Kakayanin natin to...." tumango-tango ako para sa pag sangayon.. Tumayo si ama para humakbang papasok sa aming bahay. Naiwan kami ni ina sa labas, takang tingin ang binigay ko sa kanya dahil sa sinabi ni ama. Malungkot itong ngumiti ng pilit sa akin pero naiiyak parin.
"Pasok na tayo anak..." Yaya sa akin ni Ina, naiwan akong nagtatanong sa sarili ng pumasok na si ina sa bahay..tulala ako ng marinig kong sumisigaw si ina...
"Francine!!!!!!! Tulong anak!!!! Ang ama mo!!!!" Daglian akong pumasok sa loob ng bahay para makita si ama, nagulat nalang ako ng makita ko si ama na nakahandusay sa sahig ng sala at walang malay!!!
"Anak!!! Tulungan mo ako!!!!" Sigaw sa akin ni ina na nakapagpabalik sa akin mula sa pagkatulala.
Nandito kami ngayon sa ospital, tulala akong nakaupo sa tapat ng kama na hinihigaan ni ama, samantalang si ina ay tahimik pa din na umiiyak na nakaupo sa tabing upuan sa gilid ng hinihigaan ni ama habang hawak nito ang kamay at pinipisil-pisil iyon.
"Ina...." sabay lapit ko sa kanya at yakap... "Kaya natin to....kakayanin po natin to..." mahinang anas ko.
"Francine...... ang papa mo...." sabi ni ina habang umiiyak....
Stroke.
Yan ang lagay ngayon ni ama. Matapos na atakihin sya sa puso kahapon dahil siguro sa problema at sama na rin ng loob. Inaantay lang namin na magising sya. Pero sabi ng doctor ay baka matagalan pa ang pag gising nya, at hiniling ng doctor na dapat daw ay madala sya sa magandang ospital na kayang magawa ang lahat ng test para dito. Maganda din daw kung sa lalong madaling panahon ay mapapatingin sya sa espesyalista.
Malaking tulong ang nagawa ng aming mga kababaryo dahil kahapon ng nawalan ng malay si ama ay sila ang tumulong na madala namin ito sa malapit na ospital ay nag ambag-ambagan na din sila para sa aking ama. Laking hiya naming ni ina pero tinanggap na din naming ito para na din kay ama. Si Kapitan ang nagdala ng naipon na pondo para dito.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...